Chapter 26

28 4 0
                                    

Chapter 26

Sasabihin ko na sana kay Kent na siya ang ama ni Erin kaso bigla naman umekstra si mamu.

"CHRISHAE ANO?! TUTULOY KA BA?!" nagulat ako sa sigaw niya, at sa sobrang gulat ko bigla akong nawalan ng balance kaya napakapit ako kay papa na nasa tabi ko rin. 

Grabe! Nandito lang naman ako sa loob ng simbahan na nakatayo kasama sina mamu at papa. Ang layo naman ng nilakbay ng utak ko at puro negative pa ang kinalabasan! 

Napalinga-linga ako para tignan kung nandito si Lindsay at nandito nga siya. Shemms! Kinakabahan ako! Baka magkatotoo 'yung nasa isip ko kanina, nakku! Sana naman hindi. 

Nagsimula na nga kaming maglakad at nung malapit na kami sa aking groom at soon to be my husband na napakagwapo ay hindi ko ginawa 'yung inisip ko kanina na slow motion effect. Lumapit ako kaagad sa kanya habang iyak ako ng iyak. 

"Tahan na babieboo, wag kang OA walang namatay" 

Hinampas ko siya sa balikat ng mahina lang at tumawa kaming dalawa. 

God please, sana naman wag mangyari yung nasa isip ko kanina, hindi ko po 'yun kakayanin God.

Nagsimula na ring magsalita 'yung pari, sermon-sermon. Palitan ng vows at eto na. Si Kent na 'yung sasagot. 

Napapikit nalang ako habang hinihintay 'yung sagot niya. Nagsimula ng magsilabasan ang luha ko, nakapikit parin ako, nabingi at parang tumigil ang oras.

"Yes father" sagot niya.

Hindi ako mapakali at panay ang tingin ko sa mga tao dito sa simbahan, kay Lindsay lang ang tingin ko at nakangiti naman siya. Walang halong kademonyohan at kaplastikan. 

Thank you Lord! I love you so much. 

Iyak parin ako ng iyak habang tinataas ni Kent 'yung belo ko. 

Tinaas niya yung baba ko dahilan para magtama ang mga mata namin. 

Pinunasan niya ng luha ko gamit ang kamay niya. Hinawakan niya ang magkabilang-pisngi ko at hinalikan sa noo, pababa sa tungki ng ilong ko at sa labi ko. 

Lahat ng kaba, takot, conclusions, negative vibes at lahat. Nawala lahat nung hinalikan na ako ni Kent. Si Cris Kent Ereos, ang aking pinakamamahal. Ang aking first crush, pupply love na naging first love. Naging first boyfriend na naging first heartbreak at sa kahuli-hulihan. Ang aking First and Last marriage ay nadagit niya. Ang saya lang!

Noong bata ako andaming kaklase ko nung highschool na "First Love never dies" ang bukambibig nila. Sa katunayan hindi ako naniniwala sa mga katagang 'yon. Kasi naman, karamihan ng mga couples ay hindi nagtatagal. Yung iba, porket first love nila 'yon ay akala na sila na forever, pero sa huli ay naghihiwalay sila. 

Ang masakit pa ay porket first love na nila, pinagpipilitan nila na maging perfect sila para mapatunayan nila ang katagang "First love never dies". Kagaya ko isang babaeng napakahopeless romantic na nangangarap magkaroon ng malafairy-tale na buhay pag-ibig. Hindi ko inaasahan na ganito yung kinalabasan. 

First's ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon