Chapter 21 (Side Story)

36 5 0
                                    

Ginawa kong side story nila Rezon at Yvonne ang Chapter 21. Ganun din yung kinalabasan sa Chapter 21 kina Mecos at Ella. Baka matagal-tagal pa yung kina Kent at Chrishae eh, three years din yun. Hahaha, choss lang! Basta eextra nalang sila pati yung lovestory nila Kier at Angel.

PS: Please Read my Oneshot Story entitled "Never Fall For A DOTA Player" Dun niyo malalaman kung bakit hindi dapat sila mahalin. Hahaha, Yun lang po . Salamat, Thank you, Kamsahamnida, Agyaman nak ^_^

- - -

Yvonne's POV

Kanina pa ako naghihintay dito sa mall, pinapunta ako dito ng baliw kong boyfriend eh. Nakita niyo ba siya?

Missing: Maputi, Cute, Red lips, Perf. Eyes, Medyo may kaliitan pero GWAPO, GWAPO, GWAPO at GWAPO.

May nakita po ba kayo? Namimiss ko na po siya eh T^T

Di bale nalang, idedate ko sarili ko ng mag-isa!

Bwiset! Ngayon na nga lang kami magkikita mula nung monthsary namin. Hindi niya yun naalala kaya hindi ako nagpakita sa kanya ng higit isang buwan! Tapos tinawagan niya ako kanina. Tapos iindian'in niya ako?! Dafaq!

Pumunta ako sa timezone at nilaro lahat ng pwedeng laruin. Basketball, arcade games racing games, dance revo. Oh, did I just say dance? May bagong laro ngayon dito, Just Dance. Syempre nagpakitang- gilas ang lola niyo! At ang tugtog? Kanta ng 2ne1 .Come Back Home Hahaha, adikk eh ^_^ konting kembot nalang matatapos na ng biglang. .

"Brownout? Sa mall? Meganun?" nadisappoint pa ata yung mga fans ko. Nagsilayas kaya naman umalis na rin ako. Paglabas ko tsaka lumiwanag ulit? Kaloka!

Next stop, Cinema ^_^. Pero imbes na manuod ang gawin ko dun. Puro kain lang at nung nabusog tsaka ako natulog. Hahaha Paki niyo ba -.-

*blink blink*

O.O Nah, late na . Ang dilim na pero wala parin si Rezon, hindi naman siya mahilig mang-indian pero bat wala pa siya ? Jusko! Kapag nakita ko yun jojombagin ko!

May mga Kumakanta sa escalator ng Can I have this dance. Ang ganda, parang mga anghel eh? Sa kabilang dako naman ng mall. May mga sumasayaw ng by partner. Nang-iinggit ba sila? -.-

Naglakad na 'ko palabas. Kinapkapan ako ng guard at may biglang tumawag.

"Ma'am hindi po kayo pwedeng lumabas, may naganap pong nakawan ngayon-ngayon lang at baka po isa kayo sa mga suspek" o.o O.O

"ANO?! Anong akala mo sakin? Magnanakaw? Tignan mo nga itong bag ko! Signature bag yan! Gucci oh! Itong damit ko may signature din ito. Pink Soda! Itong earings at iba kong accessories galing pang Paris, France. Ngayon sabihin mo kung isa ako sa mga MAGNANAKAW!" bwiset! Nakakasakit sila ng puso! Pesteng magnanakaw yan kasi hindi pa magtae!

"Sorry po ma'am pero hindi po talaga pwede" tapos dumating na yung ibang guards at pinakalat sa iba't-ibang part ng mall.

"PAGING MISS YVONNE MIEL MIREN, PLEASE PROCEED TO THE MANAGEMENT OFFICE. I REPEAT MISS YVONNE MIEL MIREN PLEASE PROCEED TO THE MANAGEMENT OFFICE" O.O parang may bumara sa tenga ko. Pangalan ko ba iyon?!

"AKO YUN AH!" Oops. Napafacepalm nalang ako. >_<

"Nakita na po namin siya" sabi ni kuya guard tapos lumapit na siya sa akin. Ano ba 'to? Are they kidding?! Seriously?! Yung totoo?! ASAN KA NA BA?! LAGOT KA SA AKIN REZON KA!

First's ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon