(ThomAra Chapter)
Thomas' POV
Nakauwi ako ng Pilipinas 3 days ago (December 24). I'm currently on my way to Pampanga to see Ara. Finally after more than two weeks, makikita ko na rin siya ulit. We talked everyday naman noong nasa Singapore pa ako but iba talaga pagkasama mo na siya ng personal. Hindi talaga ako nagparamdam sa kanya today. I wanted to suprise her. Malapit na rin ako sa kanila when I received a text from Kuya Jun.
From: Jun Galang
Bro, Asan ka na? Nagwawala na dito si Victonara. Hindi ka raw nagpaparamdam sa kanya. Hahaha
Yes, alam nina Kuya Jun na pupunta ako sa kanila.
To Jun Galang
Malapit na 'ko bro. 30 minutes.
Namiss yata talaga ako ni Ara. Mahilig lang yung awayin ako pero I know concerned din yun sa akin. Ayaw nga lang ipakita yung concern niya. Hindi nga nagtetext eh. Kahit isa, wala.
Nakarating na rin ako sa kanila ni Ara. Agad kong nakita si Baby Josh na naglalaro sa garden nila kaya tinawag ko ito.
Thomas: "Baby Josh!" Napatigil ito sa paglalaro at hinanap yung tumawag sa kanya.
Josh: "Kuya Thom-Thom!" Excited niyang sigaw and tumakbo papuntang gate nila para pagbuksan ako. "Kuya Thom-Thom!" Agad siyang yumakap sa akin.
Thomas: "Namiss kita." Kinarga ko na siya. "Merry Christmas! May dala akong gift para sa iyo."
Josh: "Merry Christmas din. Talaga? Yey! Pasok na tayo. Namimiss ka na ni Ate Awwrruhh."
Ang cute talaga pagsinasabi niya ang pangalan ni Ara. Then pumasok na kami sa bahay nila. Hindi pa kami tuluyang pumapasok pero naririnig ko na ang boses ni Ara. Inaaway yata si Kuya Jun. Nakinig lang muna kami dito sa labas ni Josh sa kanilang dalawa.
Ara: "Kuyaaaaa! Bakit mo kinain yung chocolate ko?"
Jun: "Aba, Victonara wala akong kinakaing chocolate ha! Bakit ka nangbibintang ha?"
Ara: "Eh sino ba ang mahilig manguha ng pagkain dito? Di ba ikaw?"
Jun: "Gawain mo rin yun noh! At bakit ba ang init ng ulo mo ha? Dahil ba sa chocolates o dahil may hindi pa nagpaparamdam sa'yo ngayong araw na 'to?"
Ara: "Ughhhhhhhh! Bakit kasi hindi siya tumatawag o nagtetext man lang. Kainis!" Napangiti naman ako nang marinig ko yun.
Jun: "Ayun! Namiss lang pala si Thomas. Parang isang buong umaga lang hindi nagtext eh. Iba na talaga yan. Tskk tskk. Huwag ka na ngang sumimangot jan. Andiyan na prince charming mo may dalang chocolates." Sinenyasan naman ako ni Kuya para pumasok.
Thomas: "Merry Christmas!" Nagulat naman si Ara at tila hindi makagalaw sa kinatatayuan niya. Binaba ko muna si Baby Josh and lumapit kay Ara. "Merry Christmas, Ars. Chocolates?!" I gave her my sweetest smile and abot ng dala kong mga chocolates.
Ara: "Anong ginagawa mo rito? Bakit hindi ka tumawag o nagtext man lang?"
Thomas: "I'm here to to surprise you kaya hindi ako nagparamdam kanina pero alam nina Kuya Jun na pupunta ako rito. And I'm also here to give my gifts sa inyo. Kaya huwag ka na sumimangot jan. Smile ka na." Nakatingin lang siya sa akin then eventually nagsmile na din siya but nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. "Miss mo talaga ako noh?" I teased her.
Ara: "Che!" Bumitaw na siya sa yakap namin.
Jun: "Amin amin din pag may time, Victonara. Hahaha!" Natawa na lang din ako sa sinabi ni Kuya Jun. "Lunch na daw tayo sabi ni Mama." Then pumunta na sila ni Josh sa dining area.
BINABASA MO ANG
Totally Unexpected (JeMik FanFic)
FanfictionTo fall in love is easy, even to remain in it is not difficult; our human loneliness is cause enough. But it is a hard quest worth making to find a comrade through whose steady presence one becomes steadily the person one desires to be. --Anna Louis...