ADMOM <3
------
-Recitation-
"Okay class!Lets go to the stage." Si Sir Ramon yun. Klase na kasi namin sakanya.
Lahat kami ay nagsipuntahan ng stage.
Lagot ako nito at wala akong namemorize ,,
"Sir may I go out?" pagpapaalam ko. Ang totoo nga niyan eh dala ko yung copy sa may bulsa ko at sa cr ko imememorize kaya napag isipan kong mag go out.
"Okay you may go out .. dalian mo!" sabi ni sir. Buti naman pinayagan ako.
Nagmadali akong pumunta ng Cr at sa kamalasang palad ay naiwan kop ala yung copy ko sa may bag ko.Hindi pwede to!!! Kailangan ko nanamang tumaas pero hindi e kasi pag tumaas ako makikita ako ni Sir Ramon tsaka papagalitan ako.What will I Do na ?!
Lumabas ako ng Cr ng may di maipaliwanag na mukha.Slow motion akong naglalakad ngayon nang biglang ..
*boogsh*
May bumangga sakin.Bwisit naman to,nag eemote ako dito e tsaka eepal.
"Opps. Sorry miss." Sabi niya.Tinignan ko naman siya at nanlaki ang mga mata ko nang makit ko siya..si Natsu.
"Ikaw pala .." nag iba bigla yung mood ko nung Makita ko siya.
"Bat mukhang malungkot ka?" pag iiba niya ng topic nang mapansing nakakunot ang noo ko.
"Di ko kasi namemorize kagabi yung poem e .." sabay napakamot ako ng ulo.
"Ah ganun ba. Kasalanan ko e." sabi niya na may pagsisisi sa mukha.Buti naman at alam mo."Sige punta ka na dun .." dagdag niya.
"Huh?E di ko memorize!" sabay ko siyang hinampas sa balikat niya.Nakakainis naman kasi e,di niya ako tulungan!
"Alangan naman habambuhay ka dito? Sige dun kana .."
At dahil wala akong magawa ay sinunod ko siya.Shit! May nagrerecite na sa stage!Huhu!Nakakahiya kung di ko to mamememorize.Si Natsu kasi e!Pahamak na bata.
Sa sobrang kaba ko ay para akong natatae.Whatta feeling!
"Miss Comia!Ikaw na .." si sir Ramon na may hawak na stick.
"No Sir Ramon,IHAW na!" pagbibiro ko at natawa naman yung mga kaklase ko.Para naman hindi ako agad agad mag recite.
"On stage." Utos niya sakin.Dahan dahan naman akong tumayo mula sa kinauupuan ko at para akong slow motion na nag lakad papuntang stage.Sana time na! huhuhu..
Nandito na ako ngayun sa stage at nakatayo tsaka nginingitian ko na din yung mga kaklase ko.Gash!Hindi ko talaga alam ..Yung una lang ang natatandaan ko kaya ito muna .. bahala na si Natsu .. este batman.
Friends!Romans!Countrymen ..lend me your ears ...
Shit anu na yung susunod ..
.
.
.
"Sir Ramon!"
Napalingon kaming lahat dahil sa agaw pansin na sigaw na yon.
Owmay!Si Natsu!
"Bakit?" tanong ni Sir Ramon kay Natsu.
"Kayo po napili naming magdiscuss sa subject namin ngayon.Wala po si Ms. Sales diba." Sabi ni Natsu,
"What time at tatapusin pa namin to?" tanong ni sir.
"Ahm ngayun na po .. " sabi naman ni Natsu.
"Okay. Wait niyo ako dun at papatapusin ko lang si Ms. Comia."
Asar naman oh! Kailangan pa talaga akong patapusin ?! Eh hindi ko alam! Pinandilatan ko naman si Natsu nang Makita kong nakatingin siya sakin.
"Sir hindi pwede..wala ng time." Parang inis na inis na sabi ni Natsu.Go natsu!
"Okay .." hay sawakas! Napapayag na din. "$th year .. tomorrow we will continue it. Pasalamat kayo." Dagdag niya.
Haays! Thanks Natsu my Saviour! You made my day! LOL.
Bumaba naman na ako ng stage na may ngiti sa aking mukha at tingnan ko si Natsu na nakatingin sakin.Nginitian ko naman siya at nag approve sign ako sakanya.Binawian din naman niya ako ng ngiti sabay kindat tapos umalis na siya.Waaaaaaa!!! Natsu naman e!
"Pasalamat ka kay Natsu." Si Maegan habang naglalakad kami s hallway.Pauwi na kasi kami.
"Sympre naman.He's my saviour you know." Halos di maalis yung ngiti sa mga labi ko.
"Okay okay. Mamaya pupunta ako sa court at kikitain ko pinsan niya.KYAAAAH!
" titili tiling sbai ni Maeg.Hays,ang landi noh? Haha.
"Oh di ikaw na!" sabi ko.
---

BINABASA MO ANG
Age Doesnt Matter or Matters?
Teen FictionAge doesn't matter,what matters most is how you age and how you spend the time in between. <3 Story of Natsu and Hotchic :)