CHAPTER 18: The moves!

342 14 13
                                    

ADMOM <3

---

[Liyannah's POV]

Uwaaaaaa!! Heto na nga siya ngayon asa harapan ko at sasayawin niya yung talk dirty to me.Kinakabahan ako na parang ewan.Bwisit!Bakit ko naman kailangang kabahan?!Tanga lang? Nagplay na nga yung music at bumwelo muna siya bago siya sumayaw.Isa lang masasabi ko HEAVEN! Napapanganga ako na ewan,kamuntik na nga akong maglaway dito.

>///<

O___O

Matapos ang tatlong minutong paglalaway,este pagkatulala sa galing niya ay pagod na pagod siyang nagsquat sa damuhan sa may harap ko.

"Uy bat mukhang natulala ka?" hinihingal na sabi niya.

"Ano .. ang galing mo!" pagpuri ko sakanya.Nginitian naman niya ako.

"Kaw din pwede?"

"Ha? Sure ka? Hindi ako dancer noh." sabay ko siyang dinilatan.Di ko talaga kayang sumayaw eh.Parehas na tabingi yung paa ko.Kung kaya ko eh di sinayawan ko na sana siya.

"Sige na.Yung booty wurk lang ni T-pain." Sasapakin ko na to.Sinabi ng hindi ako marunong sumayaw eh!

"At talagang booty wurk pa ang pinapasayaw mo ha!" sigaw ko sakanya.

"Para sexy tapos malakas ang dating!" sabay niya akong kinindatan ng nakakaloko.Hinampas ko naman siya sa may balikat niya ng pagkalakas lakas.Kinilig kasi ako sa kindat niya.Isa siyang napaka cute na manyak.Wahaha!

"Aray!Biro lang naman." singhal niya sabay sumimangot siya.How cute!

"Yaan mo,pag magaling na akong sumayaw sasayawan talaga kita." seryosong sabi ko.

"Dinga?" di makapaniwalang tanong niya.Wala talaga tong tiwala sakin.

"Oo nga."  nakangiti kong sabi.Agad naman siyang tumayo at nagpagpag ng shorts niya."San ka pupunta?" tanong ko.

"Baket mamimiss moko?" nakangising sabi niya.Aba Matindi!Ang galing talagang manghula nito kahit kailan.

"Kapal mo!" sigaw ko sabay kaming tumawa."Dinga,san ka nga pupunta?" pag uulit ko.

"Uwi na tayo." seryosong sabi niya at tumango tango naman na ako.

--

-MONDAY-

"Hello Liyannah." pagbati ni Marko na tumabi sakin.

"Andito ka nanaman,bwibwisitin yung umaga ko!" sambit ko sabay ko siyang inirapan.

"Taray mo! Hindi bagay sayo ampanget mo!" tumawa siya ng pagkalakas lakas.Papatayin kitang bwisit ka! sabi ko sa isip ko.

"Kala mo naman kung sinong gwa- ..bwisit.Umalis ka na nga dito!" bulyaw ko.Hindi ko napagpatuloy yung sinasabi ko dahil nakaklungkot mang isipin ay gwapo talaga siya.Demonyo nga lang.

"Kiss mo muna ako." paglalambing niya.Binatukan ko naman siya ng pagkalakas lakas.

"Tae mo!Pahalik ka sa unggoy!" inis kong sabi at tumawa siya.

"Oh di halikan moko.Unggoy ka naman e."

"Aahhhhhh!" inis kong sigaw at sinipa yung upuan na kung san siya nakaupo at buti nalang malakas ako kaya malakas ang impact kaya napaupo siya.Buti nga sakanya.Saya saya na nga nitong weekend ko dahil kasama ko si Natsu tapos babadtripin niya lang ako!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Age Doesnt Matter or Matters?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon