ADMOM <3
---
"Ma labas muna po ako ha." pagpapaalam ko kay mama.
"Okay.Bilhan mo na din ako ng suka." sabay abot sakin ni mama ng sampung piso.
"Okay ma.." sabay na akong lumabas.
Habang naglalakad ..
"Suka .. s-u-k-a .. suka .. suka.. suka .." sabi ko para naman hindi ko makalimutan.
.
.
.
.
"Uy!"
"Sino yung nag 'Uy' ?" Lumingon ako sa likod ko at biglang bumilis yung tibok ng puso ko nang Makita ko siya .. si Natsu. "Oyyy!" sabi ko sakanya.Napahinto naman ako sa paglalakad.
"San punta mo?" tanong niya.
Grabe tong batang to, naka sando siya tapos short na ynder the knee.Ang puti puti niya.. Ilang gluta kaya tinutungga niya? Haha.Tapos yung buhok niya parang buhok ni Mario Maurer. Ilang gel kaya nilalagay niya? Haha.
"Sa tindahan." sagot ko tapos pinagpatuloy ko ang paglalakad ko. At this time katabi ko na siyang naglalakad.
"Ikaw san?" tanong ko.
"Sasamahan ka." simpleng sagot niya.
Di na kami nag imikan nun at nang makarating kami ng tindahan ay bigla niyang kinuha yung sampo sa kamay ko.
"Hoy wag mo yan ipambibili ng anu! Pambili yan ng suka.." pag suway ko sakanya habang kinukuha kuha ko sa kamay niya yung sampung piso na bigay ni mama.Pero hindi niya ako pinansin.
"Ate pabili." sabi niya sa tindera.Natigilan naman ako sa ginagawa ko.
"ano yon?" sabi naman ni Ateng tindera.
"Isang suka po .." sabi niya.
Wow! Kala ko pa naman ipambibili niya ng candy! Bait din naman pala e.
"Eto oh." sabay abot ni Ateng tindera ng suka.
"Salamat ho." sabi naman ni Natsu sabay abot sakin ng suka.
"Salamat." nahihiyang sabi ko.Teka,bat ba ako nahihiya? E bata siya?! Parang tanga lang Liyannah?! Psh.
Nagsimula na rin kaming maglakad papuntang bahay para ibigay kay mama yung suka.
"San ka pa pupunta?" tanong ko.Eh kasi ako uuwi na.
"Aantayin ka pag nabigay mo na yang suka sa mama mo." serysosong sabi niya. Seriously?! Baliw talaga to. [Pagpasensyahan niyo po pala kung lagi akong sabi ng sabi ng 'BALIW' tsaka 'BWISIT' .. expression ko kasi yun eh. Eh ikaw anu expression mo?]
"Eh uuwi na ako.Di na ako lalabas." sabi ko.
"labas ka please." pagpupumilit niya.
At dahil may konsensya ako ay nag oo na ako.
Nang makarating ako ng bahay ay ibinigay ko kay mama yung suka tsaka nagpaalam na lalabas ulit at nang makalabas ako ay nakita ko si Natsu na nakapamulsa at naghihintay sa labas.
"Okay ka lang?" tanong ko.
Nag approve sign naman siya sakin tapos nag simula na kaming maglakad.
Sa paglalakad namin ay nabigla ako nang may I abot siya sakin.
"Ano to?" nagtatakang tanong ko.
"Yan yung pabango ko. Diba sabi ko ibibigay ko sayo." shit! Oh my! Naka kahon kasi eh, malay ko ba na pabango niya ito.
BINABASA MO ANG
Age Doesnt Matter or Matters?
Teen FictionAge doesn't matter,what matters most is how you age and how you spend the time in between. <3 Story of Natsu and Hotchic :)