CHAPTER 10:Who You?

174 6 4
                                    

ADMOM <3

-

Nasa labas ako ng pinto ng classroom namin ngayon at napapatulala.Bakit kasi wala pa yung Maeg na yon..Ano nanamang kayang pinagpuyatan nung babaeng yon?

“Hi Liyannah.”  Nakangiting bati sakin ni Marko na mukhang kakadating lang.Si Marko ang Adonis namin dito sa 4th year.Gwapo kasi siya at wala akong pake kahit kasing gwapo niya pa si Mario Maurer.Kontento na ako kay Natsu noh.

“Hi,” walang ganang bati ko.

“Nakain kana?” tanong niya.

“Oo,baket papakainin moko sainyo?” pagbibiro ko.

“ah hindi.Mukha kasing wala kang kinain..Pffft..” nagpipigil sa tawang sabi niya tsaka na siya pumasok sa loob ng classroom.upakan ko yun eh! sabi ko sa isip ko.Badtrip na nga ako dito binabadtrip pa ako nun.Hindi bagay sakanya ang Adonis e,ang bagay Madungis..

After ng ilang minutes ay sa wakas andito na rin si Maeg na mukhang hindi pa nagsuklay ..sa kakamadali siguro.

“Anyare?” salubong ko sakanya.

“What do you mean?May kailangan bang mangyare?” sarcastic niyang sagot tsaka na siya pumasok ng classroom at agad ko naman siyang sinundan.

“Nagsuklay ka ba?O dumeretso ka na dito ng school pagtapos mong maligo?” I asked.

“Ayt Bes don’t mind me na .. Ohsya ano pala yung gusto mong sabihin kagabi?” pag iiba niya ng topic.Naikwento ko kasi kagabi sakanya yung mga sinabi sakin ni Natsu na ikinadurog ng puso ko.

“May ka date siya bes..” malungkot kong sambit.Tumingin naman siya saking may malungkot ding mukha at tinapik ako sa braso ko.

“Tinanong mo na ba kung sino?” she asked and I nodded. “Tinanong mo na ba kung anong dahilan?” she asked again at umiling naman ako.Napapalo naman siya sa desk niya ng mahina.”Ayun naman pala e!Dapat tinanong mo muna bago ka nag walk out kagabi.Baka naman may ibang dahilan yun..”

“Siguro..” matamlay kong sagot.Ganito pala ang epekto ng pag ibig.Kahit hindi kayo tapos nalaman mong may iba siyang pinopormahan halos daig mo pa ang na broken hearted.

“Oh sige wag kang mag alala.At dahil bestfriend mo ako ay tutulungan kita.Ako na bahala mamaya ha.”

“Thank you bes..” at napayakap ako sakanya.Swerte ko talaga dito sa Maeg na to.

*CLAP CLAP CLAP*

“Tapos na po ang teleseryeng pinamagatanag ‘ANG YAKAP’” sigaw ni Marko kaya rinig ng buong klase.

Putakteng Marko to!Ang lakas maka epal.Kumawala naman na si Maeg mula sa pagkakayakap ko at halatang makikipagsagupa dito sa Markong epal na to.

“PAMPAM!” sigaw sakanya ni Maeg sabay niyang binato ito ng scratch paper.

“Pampam? Pam pam .. pam pam .. baka ang sabihin mo PAMPAMatay ang kapogian!” hirit niya.

“Yabang mo ULOL!” sigaw sakanya ni Maeg.Sige sulitin lang nila habang wala pa si Teacher.”Ang sabihin mo..PAMPAMatay ang hininga!Hooo baho!” dagdag nito at kunwari’y nababahuan.

“Pasalamat ka gusto ko yang kaibigan mo,kungdi matagal na tayong nag wrestling dito.”

Ano daw?Gusto niya ako?Sino pa nga bang kaibigan ni Maeg dito?Ako lang naman diba..Hays ewan ko sakanya!

“Asa Ka!” sigaw ni Maeg tsaka tinalikuran na si Marko na asa likuran lang namin.

--

-RECESS-

Age Doesnt Matter or Matters?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon