ADMOM <3
--
"Tama na.Pagod na ako."
"Anu ka ba,kalahati pa lang ng subdivision tong najajogging natin."
"Pasensya naman daw at ngayon lang ako nakapag jogging sa tanan ng buhay ko."
"Okay.Naiintindihan kita.Upo ka muna jan."
"Tapos aantayin kita dito?"
"Ano ka sineswerte?! Hihintayin kita noh,hanggang sa makarecover kana sa kapaguran mo."
Jusme.Kamusta naman daw ako sa batang to?! Ang aga kong nagising mga 3 o'clock dahil excited akong makasama siyang magjogging.Hindi naman ako masyadong excited noh? Alas singko kasi kami nag umpisa.Grabe nakakapagod pala,at the same time masaya,kinikilig nanaman kasi yung malandi kong katawan.Nakaupo kami ngayon sa tabi.
"Tapos ka ng magpahinga?" tanong niya.
"Hala,grabe naman.Kakaupo palang natin tapos papagudin moko agad?Wag ganun!" inis na sabi ko.
"Sorry.Di kasi ako sanay na humihinto,dire diretso lang ako."
"Sino ba kasama mo dating nagjajogging?"
"Si Daddy.Eh kaso nga asa ibang bansa na siya." malungkot na sabi nito.
"Eh bat si Kuya mo?"
"Ngek.Yun?Ni hindi nga lumalabas e,pag papasok lang saka siya lalabas.Ayaw niyang maglakad lakad dahil para sakanya boring daw.Girlfriend na nga yata niya yung kotse niya e." natatawang tugon nito.
"So ibig mong sabihin ma gimik si Kuya mo?"
"Kuha mo!" sabay niyang kinuha yung kamay ko at hinila patayo.
"Uy baket?!" nagtatakang tanong ko.Makahila naman to.Pakasal na tayo.Haha.
"Tara na.Anjan na yung araw oh!"
At dahil sa wala akong magawa ay nag jogging na kami.Nang matapos kami ay nagpaalam na kami sa isa't isa at umuwi na sa kanya kanya naming bahay.
"Oh pawis na pawis yata ang anak ko." salubong sakin ni mama tsaka iniabot sakin yung towel.
"Opo mo.Kapagod pala mag jogging." sabay punas ko sa buong mukha ko.Grabe,pwede ng isang baso tong pawis ko pag piniga.
"Sige magpahinga ka muna sa taas.Magluluto lang ako."
"Okay Ma."
Nagtungo naman na ako ng kwarto at agad na nagpalit.Hindi ako naligo kasi bawal daw maligo pag pagod.
Kamusta na kaya si Natsu?Nakabihis na kaya siya?Nakakain na ba siya?Iniisip nia rin kaya ako?Bat ba ako nainlove sakanya?Bat ba ang angas niya?Bat ba ang pogi niya?Bat ba ang sarap niyang kausap?Bat ba ang sweet niya?Bat ba ang dami kong tanong?! Haha. Sa kakaisip sakanya ay di ko namamalayang nakatulog na pala ako.Pagkagising ko ay pumunta agad ako ng baba para kumain.
"Ma nakaluto ka na po ba?"
"Oo.Kain ka na jan at mag gogrocery lang ako."
"Ma,itext ko si Kuya Brando at ipagdrive ka niya ng kotse."
"Naku wag na."
"Ma sige na!"
"Oh sige.Ang kulit mong bata ka,baka may hihingiin ka sakin kaya ka ganyan?"
"Si mama naman oh! Kailan pa ako nanghingi sainyo?" Natatawang sambit ko tsaka biglang sumeryoso ang mukha ko at nag salita.-- "pwedeng lumabas mamaya?"
BINABASA MO ANG
Age Doesnt Matter or Matters?
Teen FictionAge doesn't matter,what matters most is how you age and how you spend the time in between. <3 Story of Natsu and Hotchic :)