ADMOM <3
--
Yung kaligayahan ko kanina lampas eiffel tower!Para talaga siyang alak.Ang lakas ng tama niya sakin!
[Flashback]
-Sa Tapat ng bahay nila-
"Uy sige alis na ako.Wag mo na akong ihatid."
"Okay.But before you go ,pwede bang pumunta tayo ng sementeryo mamaya?" tanong niya.Napatingin naman ako sakanya.
"Suuuuus! Alam ko na yan!" sabay ko siyang hinampas sa may braso niya. Babanat pa eh yung alam ko na ang sagot.
"Ha?" naguguluhan niyang tanong.Suuus!Kunwari pa to!
"Oo na,dadalawin na natin ang puso mong patay na patay sakin." sabay akong napatawa,pero agad naman akong napatigil sa sunod niyang sinabi-
"WTF! Dadalawin lang natin yung aso kong kamamatay lang kahapon! " sabay napahalakhak siya ng malakas.Oh di ako na ang napahiya.Bwisit kang Natsu ka! Kung sinakyan mo nalang yung trip ko eh di sana hindi ako napahiya ng todo todo!
"Okay!" sabay ko siyang inirapan.Akmang tatakbo na sana ako sa kahihiyan e kaso agad naman niya akong napigilan dahil hinawakan niya yung kamay ko.Shit! Ang puso ko! Tumitibok (malamang.Shunga lang?) hindi eh,iba yung tibok nito..parang makamandag."Oh bakit!!?" kunwari'y galit na tanong ko.Agad din naman niyang binitawan yung kamay ko.Bat mo binitawan?!Takte naman tong Natsu na to oh!
"Asan ka pala kagabi?" seryosong tanong niya.
"Asa bahay lang,bakit?" Bago siya nagsalita ay sinuklay niya muna pataas yung buhok niya gamit yung daliri niya.OMG! Para siyang bagyo! Ang lakas ng dating!
"Ah kaya pala wala ka sa panaginip ko." nakangising sabi niya.
Pwede na ba akong mag tambling? O kaya mag cartwheel dito sa gitna ng daan. O kaya magsplit sa batuhan? O kaya maglambitin sa vines ng ampalaya?! Lahat yan kahit imposible kong magawa ay kaya kong gawin dahil sa narinig ko.Bumabanat na ang Natsu ko ah!
"Oh talaga?Kasalanan ko pa?" tanong ko.Napatawa naman siya ng mahina.Hindi ko pwedeng ipahalata na may gusto ako sakanya.Mahirap na.
"Sige simulan mo na yung paglalakad mo ngayon papuntang bahay niyo at papanoorin kita." sabi niya.Wow naman,papanoorin niya talaga ako? Haba ng hair mo Liyannah! "Sana madapa ka." mahinang sabi niya.
"Demonyo ka talaga." I joked.Tumawa naman kaming dalawa then I started to wave goodbye to him.
Dumating ako ng bahay ng may malaking ngiti sa labi ko.I don't know why but I feel happy kapag asa tabi ko siya,kahit yung biro namin personalan na balewala pa rin.Hindi ko siya mahal .. pero gusto ko siya. Hindi ako pwedeng magmahal ng bata.Kahit paulit ulit kong sinasabi na 'mahal ko na yata siya' .. ngayon ko lang narealize na hindi pa pala.Gusto ko lang siguro yung personality niya,kinikilig ako bawat actions niya.Basta Gusto ko siya.Yun na yun.
BINABASA MO ANG
Age Doesnt Matter or Matters?
Teen FictionAge doesn't matter,what matters most is how you age and how you spend the time in between. <3 Story of Natsu and Hotchic :)