CHAPTER 17: With her

196 8 1
                                    

ADMOM <3

--

Pagkatapos kong magwalk out sa kwarto niya ay bumaba ako at agad na nagpaalam sa mama niya.I want to cry but I can't ..ayaw kong maging mababaw.Sasabihan lang ako ng  mabaho iiyak na ako?No way! I know I'm brave ..

Dumiretso na ako ng bahay at wala pa si mama.Alam kong magagabihan siya so I decided to cook ramen noodles.Favorite ko to eh.Pagkatapos ng 5 minutes ay luto na at dumiretso ako sa sala para manood habang kinakain ito.Habang kinakain ko tong noodles ay para akong mangkukulam dahil panay ang salita ko habang kumakain.

'Bwisit kang Natsu ka! Alam mo na ngang mabaho ako kailangan mo pang sabihin sakin ng harapan!NAKAKASAKIT KA!

Pagkatapos kong kumain ay naligo ako . Mga 5 times akong nagsabon at nagbanlaw para naman HINDI NAKAKAHIYA SA NATSU NA YON! Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at nagpabango.Halos ipang ligo ko na nga yung pabango eh.

*DINGDONG*

"Yan nanaman yang dingdong dingdong na yan..Wala naman dito si Marian ah." mahinang sabi ko.Agad naman akong bumaba para pagbuksan kung sino man yung tao sa labas.Pagkabukas ko ng pinto ay agad kong sinarado pero malakas siya kaya napigilan niya ako.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko na nakataas yung isang kilay ko and I started to cross my arms.

"Kukunin yung tupperware.Di mo naibalik." kalmadong sabi niya.Agad naman akong nagtungo sa kusina at binigay sakanya yung tupperware.

"Oh yan.Uwi kana,nakakahiya naman sa bango mo!" I said loudly.Tatalikuran ko na siya ng biglang-

"Liyannah."  tawag niya.Sorry Natsu..Nasaktan talaga ako kaya di muna kita mahaharap ngayon.

"Umuwi ka na." Mahinang sabi ko.

"Liyannah." tawag niya ulit pero di ko pa rin siya nililingon.

"Uwi kana."  I said calmly.

"Liyannah!" Pag uulit niya hanggang sa naasar ako at hinarap ko siya.

"Bakit?!!!" inis kong tanong.

"Sorry." nakayuko nitong sambit.Ramdam ko na sincere siya.Eh sa hindi ko siya matiis kaya-

"Oo na .. uwi ka na." nakangiti kong sabi.

"Sorry .. Babalik ako dito ha.Ihahatid ko lang tong tupperware." sabi niya tsaka umalis na siya.Anu ba naman Natsu .. pagdating sayo bumibigay ako.Kung hindi ka lang bata e di sana minahal na kita.I murmured to myself.

--

Matapos ang limang minutong pag hihintay ay andito na siya.Nakaupo kami ngayon sa may sala at walang umiimik.Hindi ako mapakali ..

"Anong oras uuwi si mama mo?" pagbabasag niya ng katahimikan.

"Mamayang gabi." sagot ko naman."Oo nga pala diba dadalawin natin yung aso mong PATAY?" dagdag ko.

"Wag na yun.Yaan mo na." natatawang sabi niya.Patay na nga yung aso pagtatawanan pa?Pano kaya kung siya yung namatay .. malamang malulungkot ako.

"Ang bastos mo.Patay na nga eh." natatawang sabi ko.

"Anong bastos dun? Ang bastos nakahubad."  nakangising sabi niya.

Age Doesnt Matter or Matters?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon