CHAPTER 2:Ano bang pangalan mo ha?!

312 11 2
                                    


ADMOM <3

----

"Yanang bumaba ka jan at nandito si Maegan .."sigaw ni mama.Im here at my room sa taas kasi at busy sa pag lalaptop.

"Okay!" sabi ko naman tsaka sabay kong sinara yung lappy ko at nagmadaling bumaba.Ano nanaman kayang problema nung Maegan na yun.

Pagkababa ko nakita ko siya sa sala na umiinom ng Juice.Meryenda lang naman habol nito sa bahay e.haha.

"Loshang!" sabi niya sabay tumayo mula sa sofa.

"Baket Bruha?!" pagtataray ko.

"Ito naman ang taray!Labas tayu, babawi ako kasi iniwan kita."

"Naku wag na.Alasingko na oh .."

"Hala .. so pag alasingko bawal ng lumabas ?!" sarcastic niyang sagot.

Lumabas naman na ako.

"Hoy san ka pupunta!" tanong niya na nakatayo pa rin sa pwesto niya kanina.

"Kala ko ba gusto mong lumabas .. Oh tara na." pagyayaya ko.

"Okay .." tipid niyang sagot tsaka nagsimula na kaming lumabas at naglakad lakad.At dahil subdivison dito samin ay safe kami.

.Magkapitbahay lang kasi kami nitong si Maegan.Yung mama niya ay pinsan ni mama kaya magpinsan na din kami .. oha!

Habang naglalakad ...

*PPRRRRTTTTTTTTT*

Napatakip ako bigla ng ilong ko sabay sabing ... "Amputa! Ano yun? Ang baho! "

"Obvious ba ?! Shunga ka naman." -Maegan

*LAUGHING HARD*

"Oy anong nakakatawa?!" nagtatakang tanong niya.

"malamang utot mo! HAHAHAHA!" sabay napahawak ako sa tiyan ko sa sobrang tawa.Grabe naman tong Maegan!Ang baho ng utot,parang patay na daga!

"Makatawa ka naman jan..Parang di ka umuutot."

Hindi na ako nagsalita nun at buti naka recover na ako sa pagtawa ko.Sa paglalakad namin ay nakarating kami sa playground ng subdivision.

"Tara swing tayo." pag anyaya niya.

"Eh ..kita mo naman na madaming nag siswing e."

Hindi na niya ako pinansin at pumunta na siya sa may swing.Grabe talaga yun,mahilig mang iwan.Sinundan ko din naman siya at madaming mga batang naglalaro sa may playground.Gusto ko na sanang umalis kaso natutuwa ako sa mga batang nakikita kong masaya na naglalaro.

Mula sa malayo may natanaw akong parang pamilyar na mukha.Grupo sila na naglalakad habang nagdidribble ng bola.Mukhang mag babasketball sila dito sa may basketball court sa subdivision namin.

"Oy Loshang .. tara sa court nalang tayo,wala ng mapag tambayan dito e." sabi ni Maegan.

"Okay tara .." mabilis kong sagot tsaka kami nagsimulang maglakad.Gusto ko kasing makasiguro kung yung nakita kong pamilyar na mukha kanina ay siya talaga yun.

After 12345678 years ay nasa court na rin kami.Umupo agad kami at nakita ko yung sinasabi kong pamilyar na mukha ng malapitan.Siya nga!Yung bata kanina.Ano kaya ginagawa niya dito?Dito sa subdividion din kaya siya nakatira?

*Booogsh!*

"Aww .. "singhal ko.Sa kinamalas malas naman oh!Natamaan pa ako ng bola.

"Oops.Sorry Miss .."sabi ng kung sino man to dahil patuloy pa rin ako sa paghimas sa sumasakit ng ulo ko.

Tinapik tapik naman ni Maegan yung likod ko . "Okay ka lang ha?"

Gagsti tong Maegan na to.Sa tingin niya Okay lang ako?! Binigyan ko nalang siya ng EWAN KO SAYO look.

"Uy . Sorry miss .. masakit ba ?" isa pa to.Sa tingin niya hindi masakit?! Kung siya kaya tamaan ko ng bola!

Hinarap ko naman siya tsaka mabilis akong nagsalita .. "Wow naman!Tinanong mo ako kung masaket eh kung ikaw kaya matamaan ng bola?!"

Nanlaki naman ang mga mata niya na tila ba gulat na gulat sa sinabi ko .. parehas din kami ng reaksyon ng marealize ko kung sino siya.

"IKAW?!!"

gulat kong sabi.Itong batang to?!Yung nagtanong ng pangalan ko kani kanina lang?! Yung kasing angas ni Daniel Padilla .. Tama nga ako siya yung namumukhaan ko.

"Oh?Para naman akong kriminal niyan e." sabi niya.

"Kilala mo?" tanong ni Maegan.

"Hindi!" patay malisyang sagot ko.

"Sinungaling Oh!" sabi nung bata.Bata muna tawag ko sakanya dahil di ko pa naman alam pangalan at ayaw kong alamin.Pake ko ba sakanya.

"dun ka na nga!" pagtataboy ko sakanya.

"Liyannah.Sorry." pagmamakaawa niya.At talaga namang walang galang ah!Mapagsabihan nga.

"Liyannah ka jan!Wala kang galang ah, ate moko.,kailangan ate Liyannah tawag mo!"

"Tara na pre!" Pagsisingit nung mga kasama niya.

"Teka lang mga pre .." sagot niya sabay humarap ulit sakin. "Ate ?! Di ko naman parents ang parents mo e kaya tama lang na Liyannah tawag ko sayo." sabi niya.

Tumayo naman ako mula sa kinauupuan ko at penameywangan siya."Talaga lang ah? Marunong ka ng sumagot sa ganyang kabata mo? Heh,madami ka pang kakaining bigas!" sigaw ko.

"Oy loshang para kang shunga." pagsisingit ni Maegan.Hindi ko naman siya pinansin.

"Excuse me,correction lang po..hindi ako kumakain ng bigas , sinasaing pa namin." sarcastic niyang sagot.Bwisit!Naisahan ako dun ah!

"Ewan ko sayo!Ano bang pangalan mo ha?!"

bwisit.Kailangan ko na tuloy itanong pangalan niya sa di ko malamang dahilan.

"Alamin mo,".sabay na siyang umalis papunta sa mga ksama niya.ARRGGGHHH! ikaw Batang ka!

---

Age Doesnt Matter or Matters?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon