CHAPTER 9:SELOS

181 10 7
                                    

ADMOM <3

[That's what the author feeling right now :D "SELOS" Kaya nasulat ko tong chapter na to .. LOL.]

--

--

[NATSU POV]

"Oy Nats date naman tayo minsan .."

"Anong kayo,kami noh .."

"Nats .. mall din naman tayo minsan .."

"Ay naku Nats wag kang maniwala jan,sakin ka maniwala .. "

"Uy Nats chige na..I want to be with You,.."

Ayyst! Mga babaeng to.Ang iingay nila,kita nilang naglalaro ako ng ipad ko e.

"Leave me alone." seryosong sabi ko.Agad naman silang umalis,sympre boss yata nila ako dito sa classroom.Ewan ko ba kung bakit patay na patay yung mga yun sakin.Pogi ba ako?

Recess na at ayaw kong lumabas.Nagpabili na ako kay yusuf ng kakainin ko kasi tinatamad ako.

After 2223625376271 years ay sa wakas andito na rin si Yusuf dala ang maraming pagkain.

"Ubusin mo yan brad.." sabi niya.Anong akala niya sakin di ko to mauubos?Matakaw kaya ako.

"OO naman brad.. " sabi ko habang sumusubo subo.Brad tawagan namin grade 1 palang kami.Malapit na din kaming gumraduate at excited ako kasi magiging highschool na din ako.

"Brad kamusta na pala si Ate Liyan?"tanong niya.Nginitian ko naman siya ng nakakaloko."Oy wag naman ganyan ang sagot mo .. hindi ko magets eh.." sabi niya.Pwaahahaha!Nakakatawa talaga..

"Brad,kahapon hinalikan ko siya sa .." sabay lumapit ako ng kaunti sa tenga niya para ibulong yung sasabihin ko .."sa cheeks ..".Agad naman siyang napapalo sa desk at tumawa.

"Naks Pre! Congrats!" supportive talaga tong yusuf na to..Alam niya kasing gusto ko si Liyannah..Nagsimula niyan nung nabunggo ko siya.Grabe,napa shet ako sa ganda niya.. mas nasiyahan ako nung nalaman kong ka subdivision ko pala siya.Araw araw ko na siyang nakikita at sinasadya kong makasama siya.Ang sarap niyang kasama e.Ang cool niya.Basta gusto ko siya ..

--

"Nats ..date na tayo." sabi ni Chii.Siya yung pinakamaganda sa grade 6.Pero ayaw ko sakanya,ang landi eh tsaka si Liyannah gusto ko.Kaming tatlo lang nakakaalam..Ako,si Yusuf at si Kuya Aldrin James.

"Ayaw ko nga ang kulit naman oh." inis na sabi ko.Ilang araw ba kasi nila yan pauulit ulit na sinasabi.Nakakabwisit.

"Ehh .. sige na.Di na talaga kita kukulitin!"

"Fvck! OO na! Pero hindi ngayon .. please alis kana.." sa sobrang inis nasabi ko tapos nakita ko namang abot langit ang ngiti niya nang mapapayag niya ako.Ako nga dapat nagyayaya ng date e..pero sympre hindi sakanya.

"Aaaaaahhhh!" Bat nga ba ako pumayag?! Sinipa ko yung upuan ng classroom sa sobrang inis.

"Bakit Brad?" nag aalalang tanong ni Yusuf.At dahil kaibigan ko siya ay siyempre sinabi ko yun .. "Tangik brad hayaan mo na para naman matahimik na yung kaluluwa niyang babaeng yan!"

--

-subdivision-

Nasa labas ako ngayon at nag i-skateboard.Padaan daan ako sa harap ng bahay nila Hotchic.Tawag ko sakanya yan dahil bagay naman sa kanya.Miss ko na nga siya e,naisipan kong di lumabas kaninang recess para lang magpamiss sakanya,pero sana tumalab..

"Oy Brad!" si Yusuf yun na paparating dito at may hawak na skateboard.

"Yea Brad! Whatsuuupp!"

"ULOL! HAHA!"

Tapos sabay na kaming naglaro ..

"Pakshit ang tagal lumabas nung hotchic na yon!" mahinang sabi ko.

"Ah si Ate Liyannah .." -yusuf

Tumango tango naman ako .. matapos ang ilang oras ay ..

BOOM! at lumabas na rin siya .. yeeeeeyyy! HAHA.

"Hi Liyan!" pagbati ko.

"Low." walang ganang sagot niya.Ano kayang problema nito?Hindi ba siya matutuwa dahil nakita niya ako?Yun kasi kadalasan napapansin ko sakanya e,pag nakikita niya ako halos umabot hanggang outer space ang ngiti nitong babaeng to.Eh bat ngayon parang may nilalamayan siya sa mukha niyang yan.

"San ka punta?" tanong ko tapos sinundan ko siya.Sinenyasan ko naman si Yusuf na asa likuran na wag ng sumunod.Gusto ko kasing masolo si hotchic ko.

"Maglalakad lakad .." simpleng sagot niya.

"Oh di pwedeng makisabay?" tanong ko.

"Oo .."

Yesss! Kala mo naman kung ngayon lang kami nagkasama eh.HAHA.

--

[Liyannah's POV]

Buti nalang at lumabas ako,kala ko kasi di ko makikita tong si Natsu.Asar nga lang kanina sa school at di ko man lang siya nakita.Nakakamiss siya mga pre ..

"San ka punta?" tanong niya.

"Maglalakad lakad .." simpleng sagot ko.

"Oh di pwedeng makisabay?"

"Oo .." any time anywhere...

Bahala na kung san kami mapadpad dito..Nag iskateboard siya tapos ako naman naglalakad.

"Makikipagdate ako.." pagbabasag niya ng katahimikan . Napatigil naman ako sa paglalakad and I was like to collapse.Siya makikipagdate?At kanino naman?Tapos bat kailangan niya pang sabihin sakin.

"K-kanino?" nauutal kong tanong tapos napatigil din siya sa pag iskate board at napatingin sakin.

"Dun sa kaklase ko.."

O___O

>O__O<

May natitipuhan na pala siya tapos lapit siya ng lapit sakin.Nakakasakit lang ng damdamin.Nagpatuloy naman ako sa paglalakad ko.I feel a little bit jealous inside..

"Natsu masakit .." bigla kong nasabi.WOAH! What am I saying?! Napatakip naman ako bigla sa bunganga ko.Makasalanan tong bunganga ko.

"Alin?" kunot noong tanong niya..nag isip naman ako agad ng maipapalusot ko.

"Y-yung tuhod ko .." tama .. yung tuhod ko.

"Ha?Diba nung anu lang yan nadapa?Di pa ba gumagaling?Patingin nga.." akmang pupunta siya sakin para tignan yung sugat ko pero itinulak ko siya ng marahan. "Bakit?" tanong niya.

"Nawala yung sakit .." pero deep inside masakit .. masakit dito oh.. dito sa puso ko!

"Ah sige.." tsaka na siya nagpatuloy sa pag iskate.

"Uwi na ako .." sabi ko. Tapos kumaripas na ako ng takbo.

"Uy teka! Di pa nga natin nakakalahati tong paglalakad e aalis kana?!" naririnig kong sabi niya.

"ENJOY YOUR DATE!" pahabol na sigaw ko at tumakbo na ako papuntang bahay.

Bwisit kang Natsu ka!Matapos mo akong pahulugin maririnig nalang basta basta sayo na may idedate kana?! Naiinis ako sayo!Gusto kitang iuwi at itali dito sa may kwarto para hindi matuloy yung date niyo ng kung sino man yon!Gusto kitang pakainin ng madaming madaming pagkain para magkadiarrhea ka at hindi ka makapunta sa date niyo!Gusto kitang pa inumin ng sleeping peels sa oras ng date niyo para naman hindi matuloy yung romantic niyong date!Gusto kong pasabugin lahat ng puntahan niyo! Masama na kung masama eh mahal ko na yung batang yun e! :'(

--

[A/N]

Paramdam naman kayo mga silent readers Jan! Wala pa yatang nagbabasa? HAHA. Pero okay lang .. antay ako ng madaming year baka dumami ..TIWALA LANG! :D

-BUBBLEGirl

Age Doesnt Matter or Matters?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon