CHAPTER 13:TFGIF

146 7 2
                                    


ADMOM <3

---

"Baliw!" sigaw niya.Napatingin naman ako sa taas ng bahay nila Natsu at nakita ko siya na asa verandah na nakangiti at tinitignan ako.Bigla kong inalis ang pagkakatakip sa tenga ko at may namuong ngiti sa labi ko.Pati yung puso ko nag aala kabayo sa sobrang sipa nito."Wait for me there!" sigaw niya.Tumango tango naman ako tsaka na siya umalis sa verandah.

"I will wait for you .." mahinang sabi ko.

Ilang segundo pa ay nandito na rin siya.

"Hinihintay mo ba akong bumaba?" tanong niya.

"H-hindi ah!Kapal mo." patay malisyang sagot ko.

"Weeeeeh?"

"Oo nga."

"Parang inaantay moko e." pangungulit niya.Oo na inaantay na kita!

"Hindi nga!Napadaan lang ako dito! Tsaka pano mo nasabing hinihintay kita?" kunot noong tanong ko.Nagsimula na din kaming maglakad.

"Eh kanina pa ako sa verandah e." seryosong sabi nia.Bigla namang nanlaki ang mga mata ko at napalunok ako ng ilang beses.Wag kang maniwala.Hindi yan totoo.

"Yung totoo?As in kanina pa?" di makapaniwalang tanong ko.Gusto ko lang masigurado kung nakita niya ako na parang tangang kanina pa lakad ng lakad sa harapan ng bahay nila.At ang shunga ko din dahil di man lang ako tumingin sa taas ng bahay nila.

"Oo nga.Pramis." tsaka niya tinaas yung kanang kamay niya.Tila ba nag papanatang makabayan.

"Sige nga..kung talagang anjan ka kanina pa anong mga nakita mo?"

Narinig ko namang napabuntong hininga muna siya bago nagsalita."Silip ka ng silip sa gate namin,tapos nakausap mo pa si Kuya na tila ba may tinatanong sayo at itinuro mo naman .." Gosh!Confirmed.

"Teka,sinong kuya mo?" naguguluhang tanong ko.Wag niyang sabihing-

"yung lumabas sa gate.Nagwapuhan ka yata?Sabihin mo lang kung TYPE MO YUNG KUYA KO." pagdidiin niya sa salitang naka capitalized.At ano ngayon kung gusto ko kuya mo?May magagawa ka? Siyempre wala kasi Ikaw gusto ko.Naks.Makabanat naman ako sa isipan ko.Kaya pala nakikita ko sa Natsu sa mata niya kasi may hawig sila.

"Loko.Hindi ah." sambit ko."San pala tayo pupunta?" dagdag ko.

"Wag sa court.Nandun si Kuya."

"At anu ngayon kung nandun kuya mo?"

"Baka matipuhan ka niya.Mahirap na." yiiieee.Ang haba naman ng hair ko.

"Anong ibig mong sabihin?" kunwari'y nagtatakang tanong ko.Gusto ko lang iconfirm mismo sakanya na mag seselos siya.Kyaaaah.Kyaaa..kyakyakakkayayak *Uho* *uho* Napaubo tuloy ako ng wala sa oras.

"Mahilig yun sa panget." natatawang sabi niya.Namuo naman ang kasamaan sa puso ko at parang gusto kong mangain ng cactus ng wala sa oras.Buset tong batang to! Pinapaasa ako!Kala ko magseselos.

"Panget pala ah." mahinang sabi ko na may kasamang inis.

"May sinasabi ka?" tanong niya na mukhang narinig yung sinabi ko.

"Wala.May pinaparinggan lang."

"Ha?"

"Wala bingi ka sabi ko."

"Oh really?Thanks." At bakit nag thank you to?Nasabihan ko na ngang bingi may gana pang mag thank you sakin.

"Thanks for what?"

"Sabi mo pogi ako." Ay tanga! Nagbibingi bingihan ba to o nagpipiling-pilingan.Alam ko naman na pogi ka e,kailangan mo pa bang ipamukha saken?!

"Hindi ka lang pala bingi.Ang piling mo."  natatawang sabi ko.

"Talaga? Kinilig naman daw ako dun." Baliw ba to? O sadyang may saltik? Ano namang nakakakilig sa sinabi ko?

"Kinilig? Asan nakakakilig sa sinabi ko?" naguguluhang tanong ko.

"Sabi mo masaya ka sa piling ko.Well,I'm happy to hear that." nang aasar ba to?! O nagpapakilig? My gooosh.

"Sabi ko ang piling mo! Tama nga ako,bingi ka talaga.Pa check up ka ha,baka malala na yan." pagbibiro ko pero yung expression ng mukha ko nung sinabi ko yon ay seryoso.

"Sabi mo bingi ako eh,kaya pinanindigan ko." natatawang sabi niya."Pero ngayon ko lang narealize,masama ka pala." dagdag niya.

Napatigil naman ako sa paglalakad at hinarap siya."Masama?! Anong ginawa ko?"

"Bingi na nga yung tao kung anu ano pang sinasabi'mo.Buti na lang malinaw ang pandinig ko,kungdi kung anu ano ng sinasabi mo na hindi ko alam." Natatawang sabi niya.Oh di ako na ang masama.Makapagsalita naman to kala mo good samaritan.

Nagpatuloy naman kami sa paglalakad ng walang imikan.

"Anong oras na?" pagbabasag niya ng katahimikan.Tumingin naman ako sa orasan ko.

"7:30" sagot ko.

"Uwi na tayo." sabi niya.Tumango naman ako at nagsimula na kaming maglakad papuntang bahay.Kung may walkathon lang dito panalo na siguro kami nitong Natsu na to.Hindi kasi kami napapagod sa paglalakad.

Sa wakas at nakarating na rin kami sa tapat ng bahay nila Natsu.

"Bye." pagpapaalam ko sakanya.Aalis na ako ng biglang..

"Hatid na kita." pahabol niya.Wow naman..ang chweet chweet ng Natsu ko.Hehe.

"Wag na." pagpapakipot ko.Magpaka chics din paminsan minsan noh.

"Hatid na kita.Kulit mo." Ako pa talaga makulit ah.

"Okay." wala na akong nagawa at ayun hinatid na nya ako.Ewan ko ba dito,ang lapit lapit lang ng bahay namin sakanila tapos kailangan niya pa akong ihatid.Ganun ba ako ka espesyal sakanya? Ohmy gosh ohmygosh.. ayokong malaman.. kenekeleg ako..

Mga 5 minutes at nakarating na din kami sa tapat ng bahay.Ang bagal niya kasing maglakad at kailangan ko pa siyang sabayan.

"Pasok ka na." sabi niya eh samantalang nasa loob na ako,ila lock ko nalang yung gate.

"Nakapasok na oh."

"Sa mismong loob.Eh asa labas ka pa e."

"Sorry .. sige papasok na ako.Bye Ingat."  Bago pa ako makapasok ng loob ay bigla niya akong tinawag.

"Liyannah!" sigaw niya tapos lumingon naman ako.

"Bakit?" tanong ko.Kanina atat na atat na papasukin ako sa loob.Tapos ngayon atat na atat na palabasin ako.Ang gulo niya noh.Pero ang cute niya.

"Maaga ka bukas.Jogging tayo." tapos kumaripas na siya ng takbo.

Okay .. maaga ako bukas... magjajogging kami ..

--

BUBBLEgirl™

Age Doesnt Matter or Matters?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon