➳ Chapter one

11.4K 134 13
                                    

Chapter 1: Date with the Hottie?

MAICA

Putek! May pasok nanaman, arghh!! Ayaw ko ng pumasok! Bwiset naman kasi eh. Ba't kailangan next month pa ang end ng school year?! Pwede namang bukas na ah? Kailangan patagalin pa talaga?! Nakakatamad lang kase! Kabwiset.

Kyla- Ano nanamang sinisimangot mo, bes?

Siya si Kyla Louise, bestfriend ko simula noong nasa grade six pa ako. At hanggang ngayong college na ako, magkasama pa rin kami. Minsan nakakasawa nalang din makita yung pagmumukha niya eh.

Joke!

Kyla- Ayoko nang pumasok.

Maica- Alam mo, kung di lang talaga kailangan pumasok edi sana matagal na akong wala dito! Jusko naman kasi si Sir Gordon. Kung magalit over eh!

I'm Maica Chrystalline Hermones. A college student. Last year ko na kaya excited na akong matapos ang school year. May nahanap na kasi akong magandang trabaho para sa sarili ko.

Ako lang ba talaga yung naeexcite magtrabaho?

Ayt basta! Gusto ko nalang matapos tong school year!

Julia- Ano ba kayong dalawa?! Ang iingay niyo! Mga bwiset!

Ayan na gising na ang mayora namin. Siya si Juliana Cruz, Julia for short. Limang taon ko ng kilala at nakasama yan.

Maica- Edi sorry na po mayora.

Julia- Nyeta naman oh. Lumayas nga kayong dalawa dito!

Maica- Hoy! Kwarto ko to kaya ako dapat ang magpaalis sayo!

Tumawa lang ng tumawa si Kyla hanggang sa mawalan siya ng hininga. Anak ng! Palabasin ko rin kaya to?! Wala namang nakakatawa, pero natawa siya.

Julia- Paano naman ako napadpad dito sa kwarto mo?!

Maica- Wala ka ata sa sleepover kagabi ah? O, natangay ng alak yang utak mo? Walwal pa!

Julia- Sleepover?

Kyla- Girl, sana okay ka lang! Gising gising den!

Humalakhak nanaman ng tawa si Kyla. Ang sarap batukan para tumigil eh. Pucha. Ano bang nakakatawa?! Kailangan niya na ata maconfine sa mental.

Julia- Anong oras na ba?!

Maica- Ba't galit ka?!

Julia- Letse.

Tumayo siya ng kama at lumabas. Anong problema nun? Woke up on the wrong side of the bed, I guess. Anong oras na nga ba? 6:39 am na?! Tangina Malalate na kami!! Huhuhu! Ayoko pa naman ng first sub namin!

Maica- Hoy Kyla, tumigil ka na sa kakatawa! Malelate na tayo!!

Natigilan siya sa pag-tawa at nanlaki ang mga mata niya. Sabi na nga ba eh. Tumakbo siya palabas ng kwarto. Aba. Pag late ka talaga, kailangan mo pang tumakbo... Mabuti at naligo ako kagabi at bihis nalang ang gagawin ko. Magshower kaya muna ako? Ayt. Wag na. Fresh naman ako eh. Naka-aircon naman kagabi kaya di naman ako pinagpawisan. Naglakad ako papunta ng pinto at nilock yun. Magbibihis na muna ako.

Nakarating kami sa klase ng isang minuto bago pumasok si Sir Gordon. Thank God at naunahan pa namin siya ng isang minuto kundi patay talaga kami! Ayoko pa naman bumagsak lalo na at magtatrabaho ako sa isang magandang business enterprise!

Hay nako, sana matapos na kaagad itong araw na to!

Kyla- Mai! Kwento ka naman tungkol sa trabaho mo!

Gustong gusto talaga nilang kinikwento ko ang tungkol sa magiging trabaho ko. Hayst, pano ba naman kasi, ang ganda ganda nung kompanya. Ang laki pa kamo! Mukhang mayaman talaga ang may-ari non. Balita ko den, nasa top 10 most richest business company yon! Of all, companies sa mundo, eto ang ibinigay sa akin ni Lord!

Maica- Yun na nga. Last week, tinanggap ako agad nung CEO nung kompanya. Ambilis nga eh. Sabi daw nila, medyo matagal daw ang desisyon ng CEO pero parang di naman. Isang araw lang din tapos tinanggap rin ako agad.

Julia- Eh, alam mo ba kung sino yung CEO?

Maica- Ahm... Forte ang last name niya. Lalaki daw eh. Hindi ko pa nakikita yung itsura niya kasi hindi naman siya nalabas sa mga magazines o kaya sa mga interview. Ayaw niya daw masyado ng atensyon mula sa mga tao.

Noong pumunta ako sa Forte Deluxe Empire, ang manager lang ang nakilala ko at iba pang directors.

Kyla- Siguro, gwapo yun!

Maica- Lahat naman sayo gwapo! Tapos pagharap panget pala! Wag ka nga, Kyla! Mashado kang inlove sa mga imagination mo sa mga lalake. Nako, mamaya mamatay ka na ng dahil diyan!

Kyla- Patay kagad?

Julia- Nako nako, ayan na si Clark oh. Tago na, Maica!

Clark James Silvañes, siya ang gusto ng lahat ng babae dito sa university. Oo gwapo siya, mayaman pero playboy. Halos lahat ng babae dito sa campus patay na patay sakanya maliban sa akin. Halos lahat ng babae na-one night stand niya na maliban sa akin. Halos lahat ng babae uhaw sa atensyon niya maliban sa akin.

There's no way I will ever like that guy! Mashado siyang maarte, masungit, bastos, manyak, mapili, at sa lahat masama. Wala siyang pake kung ma-expel siya sa kolehiyo dahil ang pamilya niya ang may-ari nitong university. Anak kasi yan ng dating governor! Anlaki tuloy ng ulo dahil sa atensyon na nakukuha niya!

Pakshet lang dahil ako ngayon ang tinitira niya! Ako ngayon ang hinahabol niya dahil ako nalang ang babaeng di niya pa nakukuha dito sa loob nh campus! Eh halos pati mga babae sa labas ng campus, gustong-gusto din siya! Anak ng kalabaw naman oh!! Di naman siya matalino, sobrang makasarili kaya yang kupal na yan!

Kyla- He's so fucking hot.

Tutulo na ang laway netong si Kyla eh. Mashado kasing inlove dyan sa 'bebe Clark' niya. Bebe Clark?! Jusko. Nakakatawa talaga eh.

Kyla- Uy, papunta siya dito!

Nako, Lord. Ilayo niyo na po ako dito! Tatayo na sana ako pero hinila ni Clark ang kamay ko pababa kaya napaupo uli ako sa upuan. At ayan, nakaupo na siya sa tabing upuan sa gilid ko! Pucha. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Mangungulit nanaman to! Bwiset!

Clark- How are you, baby?

Nasamid ako sa sariling laway ko sa itinawag niya sa akin. Baby ba kamo? ANG SARAP ITUSOK NITONG LAPIS SA BUNGANGA NIYA.

Maica- Ahaha, baby?

Clark- Yes, baby?

Maica- Putangina naman. Ano bang gusto mo?

Clark- Date with me.

Ilang beses niya na akong kinulit kasi gusto niya daw akong maka-date. Pang walong beses niya na to! Gusto ko lang naman matahimik kahit ilang araw lang! Nakakasawa yung mga katagang yun na nagmumula sa bibig niya!

Maica- Wow naman! Do I know you? Are we close? No, diba?!

Clark- Hahalikan kita dito pag hindi ka pa pumayag.

Maica- Ang kapal naman ng mukha mo! Go, try mo lang! Sasapakin kitang gago ka.

Nanlaki mata ko ng mabilis na lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Napalayo ako kaagad at tinulak siya.

Maica- OO NA! BWISET!

Naisahan niya ako doon ah!

Clark- Hmm... 2 weeks after our graduation, we'll go out somewhere nice. Good?

Maica- Oo na.

Gusto kong ibato tong mga makakapal na libro sakanya! Sa sobrang inis at galit ko, mababali ko na tong lapis na hawak ko! Nakakaurat na talaga yang mukha niyang yan! Kung pwede lang talagang masapak yang lalaking yan eh!

Comment & Vote!! :')

I'm Inlove With My Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon