Chapter 6: Salty
MAICA
Tahimik akong kumain ng beef steak at ng pasta na inorder namin. Kumakain kasi kami ni Sky, este, Sir dito sa isang magarang restaurant. Masarap ang pagkain at mamahalin rin. Nakakahiyang kumain ng madami kasi parang ang tipid ng ibang taong kumain. Di rin uso ang kanin dito sa restaurant na to, ang sarap pa naman mag-extra rice!
Oo na, diba sabi ko hindi ako papayag, pero wala eh. Effective yung paghawak niya sa kamay ko. Nabudol ako kaya eto ako ngayon, nakaupo sa harap niya at kumakain.
Sky- Do you like the food?
Maica- Yes. Thank you, sir.
Sky- I hate it when you call me 'sir' everywhere. Ang formal masyado. Wala naman tayo sa company, but you still kept calling me sir. I hate it.
Maica- Hmm, wala ka namang magagawa, SIR.
Oo, nangaasar ako! Maasat ka please.
Sky- But, it's ok. The most important thing is that you're here. With me.
Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko para iwasang kiligin sa mga pafall niyang salita hanggang sa maubos ko ito.
⋆
Sky- The view is indeed beautiful. But do you know what look is better?
Napasulyap ako sakanya na kanina ko pa napapansing tingin ng tingin sa akin. Nakakailang na nga eh.
Sky- And, guess who is it?
Maica- Who? Hindi 'what'?
Sky- Yeah. Do you know who is it?
Maica- Sino pa ba? Edi si Ma'am Jane!
Kahapon ko din nalaman na isa sa mga employees si MA'AM Jane. Tamang stalk lang pero wala akong nahalungkat na tungkol sakanilang dalawa ni Mr. Forte. Ang weird. Kala ko ba mag-jowa sila?
Sabagay, di naman sila bagay!
Sky- Hmm, no!
Maica- Di siya?
Sky- No. There is only one woman who is the most beautiful to my eyes.
Maica- Sino naman yun?
Sky- You.
Saglit akong napaisip at natawa sa sinabi niya. Ano ba talagang sapi niya ngayon?
Maica- Ako? May sakit ka ba sir?
Sky- Wala akonh sakit. Seryoso ako.
Maica- I'm not gonna fall for your tricks, sir.
Sky- I'm not lying though.
Maica- Okay, okay. Gwapo ka naman. Mas gwapo pa nga kesa sa gwapo! Not gonna lie.
Sky- You admit it.
Maica- Para namang first time mo marinig na gwapo ka talaga.
Sky- No. It's just that, I'm really thrilled to hear thos BIG words coming from a girl like you.
Maica- Wow, weh?
Sky- Thank you for staying and agreeing to this. Kahit na hinila lang talaga kita, atleast you still came with me. You don't know how happy I am.
Nginitian ko siya at tinignan ang napakagandang view ng dagat.
Napakanda nga naman talaga dito sa beach na to. Dito ako dinala ni Sky. Ang ganda ng scene sobrang nakakamangha. Ang linis ng tubig pati na rin ang puting buhangin. Ang sarap picturan pero lowbat ang phone ko. Bwiset nga lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/129800770-288-k550788.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Boss
Fanfiction🔞 (UNDER EDITING!) BOOK 2 IS OUT NOW!!! Paano nalang kung mainlove ka sa sariling boss mo? Di lang pala ikaw ang magkakagusto sakanya... Siya rin ay may gusto sayo. Kaso, sobrang komplikado noong naging kayo. So many happenings that happened. Masha...