MAICA
Hawak hawak ko ang baril at binuksan ang pinto.
Dahan dahan lang akong bumaba ng hagdan at ginala ang paningin ko. Nakakarinig ako ng mabigat na paghinga kaya nanlakiang mata ko. May tao nga😨 Uwahhh. May magnanakaw😭
Naririnig ko ang tunog sa may sala. Sumilip ako sa gilid at agad na tumakbo ng makita kung sino yung tao.
Maica- Oh my God! Bakit duguan ka?! Anong nangyare?! Sinong gumawa nito sayo?!
Sobrang rami ng sugat ni Sky sa mukha at mukhang may saksak siya sa tyan dahil may dugo ito. Naramdaman ko nalang na tumutulo na ang luha ko.
Sky- Shhh... S... Stop... Cry...ing... I'm.. O..okay.
Maica- Anong nangyare?! Tinawagan ko na si June! Malamang malapit na yun! Kapit lang Sky! Lumaban ka ah! Magiging ok rin ang lahat! Sky... Love... Oh my god. Saglit. Kukuha ako ng malinis basahan para itapat mo dyan sa sugat mo at para tumigila ng pagdudugo mo!
Sky- Ugh... Ow...
Nagmadali ako at pumunta sa kusina. May malinis na puting basahan dito sa drawer ah. Agad kong hinablot ang basahan ng makita ko ito at bumalik kay Sky. Itinapat ko ang basahan sa sugat niya at halatang nasaktan siya. Sinong gunawa nito kay Love?!?! Papatayin ko yun😡
Maica- Saglit nalang... Andyan na rin si June ah! Love, kaya mo yan!
Nakahilata siya sa sahig kaya umupo ako sa sahig at ipinatong ang ulo niya sa binti ko. Narinig ko ang paghinto ng kotse sa labas.
Maica- TULONG!! TULONG!! TULONG!! TULUNGAN NIYO KAMI!!
Bumukas ang screen door at pumasok si June na nagulat ng makita niya kami ni Sky.
June- Anong nangyari?!
Maica- MAMAYA KA NA MAGTANONG!! Tulungan mo muna si Sky!
June- Saglit, bro. Dapat tumawag ka na ng ambulansya Maica!
Maica- Itakbo na natin si Sky sa ospital, June! Bilisan mong kumilos!!
XXX
Sobrang gulo ng lahat. Sobra. Di ko man lang alam kung ano ba talaga ang nangyari kay Love... Sino ang nanakit sakanya? At bakit nila ito gagawin sakanya?
June- Siguradong papunta na si Drake.
Maica- Kilala mo rin si Drake?
June- Oo naman. Magkakaibigan kaming tatlo noon noh.
Maica- Ahh... *hikab*
June- Pagod ka na, Maica. Tayo ka muna. Ayusin ko tong sofa sa sofa bed!
Maica- Ok.
Tumayo ako at agad namang inayos ni June ang sofa sa sofa bed. May apat na unan na hugis parisukat na maliliit. Nilagay ko ang dalawa sa uluhan at humiga.
June- Ikukuha kita ng kumot. Kaya mo ba munag mag-isa?
Bumukas ang pinto.
June- Drake!
Drake- Bro! Kamusta na si-- Maica?
Maica- Uh, Hi! Nagkita uli tayo ah!
Drake- Oo nga eh. So, kamusta?
Maica- Ok naman pero nag-aalala para kay Sky...
Drake- Shaks! Buntis ka?!
Maica- Oo.

BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Boss
Fanfic🔞 (UNDER EDITING!) BOOK 2 IS OUT NOW!!! Paano nalang kung mainlove ka sa sariling boss mo? Di lang pala ikaw ang magkakagusto sakanya... Siya rin ay may gusto sayo. Kaso, sobrang komplikado noong naging kayo. So many happenings that happened. Masha...