➳ Chapter two

5.6K 101 5
                                    

Chapter 2: Meeting Mr. Forte

MAICA

Pagkatapos ng paghihirap ko sa college, graduated narin ako sa wakas! Okay, ambilis nga naman ng oras.

Ang course na kinuha ko ay Business Management. Ayun ang kinuha ko para atleast may matututunan ako sa business. At dalawang linggo nalang at date na namin nung pesteng Clark na yun. Kupal. Kung takasan ko kaya yon!

Julia- Bes, bukas ang alis ko papunta ng Bora.

Kyla- Ako naman pupunta sa probinsya namin. Ikaw? Anong ganap sayo?

Maica- Simula na ng trabaho ko sa isang araw. Excited na nga ako eh. Pero, may tanginang date pa kami nung hinayupak na Clark na yun.

Kyla- Oy, easy lang! Bebe Clark ko yun ah! Masasaktan ako niyan.

Maica- Ano bang pinagsasabi mo? Baliw ka na.

Kyla- Wag na wag mong minumura si Bebe ko. Bad yun.

Maica- Pucha, Kyla. Tantanan mo nga ako. Anong oras ba alis mo papunta sa probinsiya niyo?

Kyla- Bukas ng hapon.

Sana all may bakasyon. Ako trabaho agad ang aatupagin! Kung sa bagay, pag nakapagipon ako ng malaking pera magbabakasyon ako kasama sila Mama.

Julia- Saan probinsiya niyo?

Kyla- Sa Catanduanes ata.

Maica- Akala ko ba Bohol?

Kyla- Ewan ko kela mama. Catanduanes daw. Ang gulo nila.

Maica- Eh, ikaw Julia?

Julia- Boracay nga!

Maica- Anong oras ka aalis bukas?

Julia- Basta gabi kami aalis. Isang linggo lang kami doon.

Kyla- Isang linggo lang rin ako sa probinsiya namin.

Maica- Mabuti naman. Sasamahan niyo ako dun sa letseng date na gawa-gawa ni Clark.

Kyla- Gusto ko sanang gawin yan pero ayoko. Sorry, date niyo yun eh. Ayaw naman naming maging third wheelers.

Maica- Stupid. Edi kayo ang magdate.

Julia- Ay, nako! Bawal yun, bes. Andyan na pala si kuya. Congrats sa ating tatlo! See you after vacay. Bye!

Kyla- Aalis na din ako! Bye, Maica! Kwentuhan mo ako tungkol diyan sa work mo ah. Dapat full detail! Sana gwapo si Mr. CEO!!

Maica- Hay nako, Kyla! Sige na! Ingat!

Sabay silang naglakad paalis. Ano kayang mangyayare sa unang araw ko sa ko sa trabaho? Gusto kong kabahan pero nangingibabaw yung excitement sa katawan ko!

Gumising ako ng napakaaga, alas kwatro lang naman. Hindi naman halatang excited ako? So, ngayong araw ang unang araw ko sa trabaho. Nag prepare talaga ako para dito kasi ayokong pumalpak! Nakakahiya naman kung papalpak ako diba.

Hmm, ano kayang magandang suotin? Kailangan presentable at maayos ang dating ko mamaya. Sinuot ko ang black high waisted jeans at plain white long-sleeved blouse ko. Tinaas ko ang sleeves hanggang sa may siko ko at hinayaang hindi nakabutones ang unang tatlo sa blouse ko. Sinuot ko den ang kwintas at bracelet ko.

I'm Inlove With My Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon