NAKAUPO ang pitong taong gulang na si Han sa harap ng pintuan habang nakatingin ito sa mga kapatid at amang magkakayakap na nasa labas. Nais din niyang makisali sa kasiyahan ng mga ito.
"Sali rin," masayang wika ni Han habang patakbong papalit sa mga ito.
Kaagad siyang napahinto nang pumiglas ang ama sa pagkakayakap sa dalawa niyang nakatatandang kapatid. Lumakad ang ama palayo sa mga kapatid.
Sinulyapan siya ng mga nakatatandang kapatid at lumakad din ang mga ito palayo sa kaniya.
Ang labi niya ay nagsimulang mangatog dahil sa nagbabadyang pag-iyak. Hanggang ang mga luha sa kaniyang mga mata ay nagsimula nang bumagsak. Bakit ganoon ang pakikitungo sa kaniya ng ama at mga kapatid? Wala naman siyang kapansan upang layuan siya?
Matagal nang sumagi ang katanungang iyon sa isipan ni Han at magpasahanggang ngayon, hindi pa rin niya iyon mabigyan ng kasagutan. Ni minsan ay hindi nadama ni Han ang pagmamahal ng ama at mga kapatid. Ang ina sana niyang magpaparamdam sa kaniya ng init ng pagmamahal ay wala na.
Apat na taong gulang pa lang si Han nang umalis ang kanilang ina upang magtrabaho sa Manila, ngunit tatlong taon na ang nakakalipas, hindi pa rin ito umuuwi sa kanila. Nalaman ng asawa nito na mayroon na itong panibagong kinasama sa Manila at ang tunay na dahilan nito sa pagluwas ng Manila ay upang sumama sa lalaki. Ayon sa kanilang ama, patay ang kanilang ina.
HABANG sa lumipas ang maraming taon ay nanatiling ganoon ang pakikitungo kay Han ng mga kapatid at ama. Sinubukan na niyang ipahayag ang kaniyang saloobin sa mga ito, ngunit walang siyang nakukuhang sagot. Sa tuwing lalapitan niya ang mga ito, kaagad itong umiiwas sa kaniya. Sa kanilang tahanan, tila hangin siyang dinaraanan ng mga ito. Kaya sa tuwing kumakain, pinipili niyang kumain sa kaniyang silid.
"SIYA nga pala mga anak, magtatayo ako ng karinderya," ang narinig ni Han na tinig ng kaniyang ama na nasa sala kasama ang dalawa niyang kapatid.
Pinili niyang tumayo sa pintuan ng kaniyang silid upang pakinggan ang pag-uusap ng mga ito.
"Saan naman po kayo nakuha ng pang puhunan?" tanong ng kaniyang ate Karen.
Nakita niya ang paghaplos ng palad ng ama sa uluhan ng kaniyang ate. Sa puntong iyon ay nakaramdam siya ng inggit dahil ni minsan ay hindi iyon ginawa ng ama sa kaniya.
"Gagamitin ko iyong perang napagbentahan ko sa mga baboy. Malaki rin ang maitutulong ng mga alaga nating mga baboy sa itatayo kong karinderya. Bumili na rin ako ng Freezer para maipreserba ko iyong mga kakatayin kong mga baboy. Nabili ko iyon sa lungsod kaya lang may kamahalan. Kailangan kong magtayo ng negosyo nang mayroon akong maipangtustos sa pag aaral ninyo."
NAKATINGIN si Han sa karatulang nakapaskil sa karinderya na pagmamay-ari ng kaniyang ama. Hindi niya alam kung matutuwa siya dahil kahit papaano ay nailagay pa rin ang kaniyang pangalan doon kahit na nakasulat sa maliit na titik ang unang letra ng kaniyang pangalan at itinabi pa iyon sa pangalan ng kaniyang ate Derya. Hindi niya mawari kung anong dahilan ng ama kung bakit nagawa iyon.
"Karen Deryahan," aniya habang nakatingin sa karatulang iyon at gumuhit sa kaniyang labi ang ngiti. Saka pa lamang niya napagtanto na dapat pa rin siyang magpasalamat dahil kahit na ganoon, naramdaman pa rin niya ang kahalagahan niya para sa ama.
MAG-ISA lamang si Han sa kanilang bahay at ang kaniyang mga kapatid at ama ay nasa karinderya. Malayo na rin ang narating ng 'Karen Deryahan' dahil matapos ang sampung taon nang matayo ang negosyong iyon ng ama, binabalik-balikan iyon ng mga tao dahil sa sarap ng mga putahe. Hindi na lamang mga lutong ulam ang tinitinda roon kung hindi maging hilaw na karne at kalaunan ay nag isawan na rin ang 'Karen Deryahan'.
BINABASA MO ANG
Karen Deryahan
HorrorDahil sa isang mananaliksik si Marissa, kailangan niyang humanap ng lugar na maaari niyang maging asignatura para sa kaniyang trabaho. Ang bayan ng Kalu ang lugar na kaniyang sasaliksikin upang alamin ang natatagong ganda nito. Ang nasabing bayan ay...