Lhaynie Jen's POVNagising ako sa liwanag ng sikat ng araw mula sa bintana ng aking kwarto at sa mga maiingay na huni ng mga ibon. Iminulat ko ang aking mga mata at tinignan ang orasan,mas maaga pa ako sa inalarm ko. "Maaga pa!aishh" sabagay lagi naman na akong nagigising ng maaga at ako ang laging nagluluto at naghahanda ng mga kakainin naming tatlo ano pa bang bago?!.
Naalala ko First Day of School nga pala namin ngayun at bago lang kami sa school na yon! "Magiging okay kaya kaming tatlo sa bagong school na papasukan namin???" tanong ko sa sarili ko. "Mabuti pa maghahanda na ako ng kakainin namin sure naman akong hindi pa gising ang dalawang yun!aishh." Dumaretso ako sa banyo para mag sipilyo at maghilamos, pagkatapos ay bumaba na ako.
Pagbaba ko ng hagdan nagulat ako. Gising na siya?!Mali ba yung wall clock ko sa kwarto?!chineck ko yung relo ko. Tama naman same lang dun sa time nung orasan ko. Maaga pa.
"Hoy! Jen! anong ginagawa mo diyan?! at yung itsura mo parang nakakita ka ng multo!"
Totoo nga gising na siya. Really?!
"Ang aga mo naman atang nagising?! Excited ka atang pumasok Lhein?!""Inagahan ko talaga yung gising para hindi mo na ko istorbohin sa pag tulog, hindi muna kase ako papasok ngayun,bukas nalang."
"Huh?! bakit?!"
"Geh tulog nako!" tumayo siya at dumeretso na sa kanyang kwarto.
"Aishhh!" bakit naman hindi muna siya papasok?! bakit bukas pa?!tinatamad ba siya? o kinakabahan "Aishhh! magluluto na nga ako!" panigurado akong maya-maya gising na yun si Prae.
Pagkatapos kong magluto at ihanda sa mesa ang niluto ko hindi nga ako nagkamali gising na si Prae nakaupo sa sala at suot na agad niya ang paboritong headset niya.
"Goodmorning Prae! tara kain na tayu para maaga tayung makapasok at lilibutin muna natin yung school."
Tumayo at hinubad niya lang yung headset niya at umupo na sa harap ko.
"Goodmoring, si Lhein nasan??Gisingin mo na."
Akala ko magsusungit nanaman siya ee, buti naman hays.
"Ahh natutulog si Lhein. Gumising siya ng maaga kanina,wag daw natin siyang istorbohin sa pag tulog at sinabi niya sakin na hindi muna daw siya papasok ngayun bukas nalang daw."
"Bakit?" tanong niya
"Hindi ko din alam eh."
Hindi na siya sumagot at nagtanong pa kumain na lang siya. Ganun din ako.
Pagtapos namin kumain niligpitan niya na ang pinagkainan at nilinis ang lamesa.
"Prae ligo na ko, pagkatapos mo diyan maligo kana din."
"Sige."sagot niya
Dumeretso na ako sa kwarto ko at naligo, pagkatapos kong naligo ay kinuha ko na yung bag ko at bumaba na ako. Sakto namang pagbaba ko lumabas na din si Prae ng kwarto at bumaba.
"Tara na?" sabi niya.
"Ready kana ba?" tanong ko
BINABASA MO ANG
First And Last Love
Teen FictionI guess, all of us want our first love to be our last. What if your first love can be your last? ~That's priceless tho~ Other people think that it is impossible to happen but remember... "NOTHING IS IMPOSSIBLE"