Praelyn Jhayn's POVMorning...
Nagising ako ng maaga at hindi ko alam kung bakit. 5:05am pa lang, hindi pa gising si Jen. Nagstay na lang muna ako sa kwarto. Kinuha ko yung laptop ko, nagplay ako ng song and nag online ako sa instagram.
Mas gusto ko mag online lagi sa insta kesa facebook and twitter. Tahimik lang kase sa insta. Si Jen mahilig yan sa Twitter si Lhein wala naman..pero mahilig siya sa Kdrama.
Scroll lang naman ginagawa ko then mag tingin ng mga story.
At sa di inaasahan may nakita akong sana hindi ko nalang nakita.
He's now happy and here I am.. still hoping he'll comeback and ask me for another chance.
Malabo.
Nag log out na lang ako sa instagram at shinut down yung laptop.
Pumusok ako sa CR para maghilamos at toothbrush. Humarap ako sa salamin, tinitignan ang sarili ko.
"Nag kulang ba ko?, may mali ba sakin?, Am I not enough? Bakit mo ko iniwan? Anong dahilan? Bakit hindi mo sinabi? mga tanong na gusto kong itanong sa kaniya. Lumabas na lang ako ng CR.
Pag tapos ko maglinis ng kwarto bumaba ako at sakto kalalabas lang ni Jen ng room niya.
"Ey Prae! Goodmorning!" bati ni Jen sakin.
"Morning" bati ko sakaniya pabalik.
"Ayyy morning lang walang good??" sabi niya.
"Tss magluto ka na lang!" sabi ko sakaniya at naupo ako sa couch.
Dumaretso naman siya sa kusina at nag luto. Akala ko wala na siyang sasabihin pero mali pala ako maingay nga pala siya.
"Hay nako Prae move on na kase nang magkaroon naman ng good ang morning, ang afternoon, at ang night mo!" dada niya habang nag luluto.
"Mama mo good!" pilosopo kong sabi sakaniya. Bigla namang may bumatok sakin. Sino pa? Edi si tulog mantika. Babatukan ko din sana kayalang inambaan din ako.
"Hoy Praeyang sungit! tama si Jen move on na aba! walang mangyayari sayo nan, habangbuhay ka na lang ganan tas siya masaya na. Mahina ka!" mahabang sabi niya habang nakaupo sa couch na maliit.
"Tss" yan lang nasabi ko. Sa totoo lang wala kong masabi sa sinabi niya. Totoong hindi pa ako nakaka move on. Paano ba naman ako makaka move on sa unang lalaking minahal ko ng ilang taon, at minahal ako pero iniwan din ako at ang mahirap pa iniwan niya ko ng walang sinabing dahilan.
"Hay nako Prae, hihilingin ko na lang na sana pag gising mo bukas wala na, wala ka nang nararamdaman sakaniya, nalimutan mo na siya, naka move on ka na!" sabi ni Lhein.
"Sana nga..." ganon na lang ang mangyari. Dugtong ko sa aking isip
"Bakit bukas pa Lhein kung pwede namang mamaya na?!" sabat ni Jen lumbas mula sa kusina.
"Huh??" Tanong naman ni Lhein.
"Sabi mo sana bukas pag gising ni Prae naka move on na siya, wala ng nararamdaman at nalimutan niya na si 'ano'!" -- Jen
BINABASA MO ANG
First And Last Love
Novela JuvenilI guess, all of us want our first love to be our last. What if your first love can be your last? ~That's priceless tho~ Other people think that it is impossible to happen but remember... "NOTHING IS IMPOSSIBLE"