(Tam's POV)
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at bigla kaming naging malapit ni Trace. Simula nong niyaya niya akong mag breakfast na nasundan pa ng ilang lakad ay naging malapit na ako sa kanya, lalo rin syang naging clingy sakin na akala mo girlfriend niya ako pero hindi naman.
Gusto ko siya. Hindi lang basta gusto eh, gustong-gusto talaga. Sa gwapo ba naman niya kahit ang dami niyang babae, magugustuhan talaga siya ng kahit na sinong babae at nagbibinabae.
May mga babaeng kahit isang sabi niya lang eh sumama na sa kanya, willing magbigay ng kaligayan. Hindi ko nga alam bakit siya lapit ng lapit sakin samantalang wala naman siyang napapala sakin.
Minsan pag hindi siya busy, hinahatid niya ako sa review center na pinapasukan para mag review ng Licensure Examination ko. Sa ngayon may tutorial classes ako every weekdays. 1 hour lang naman yun, 6-7pm tapos ang review ko, MWF siya every 8-10 in the morning.
I know friend lang ang tingin niya sakin at naawa siya sakin. Sino ba naman kasi ako para magustuhan niya. Iniisip ko nalang na ang mga ginagawa niya para sakin nitong mga nakaraang linggo ay tulong kaibigan lang kahit gusto ko nang isipin na may gusto siya sakin.
Pero hindi pwede dahil hindi maaari. At dahil napaka imposible lalo na't masakit umasa at napakahirap masaktan. Alam ko yan dahil saksi ako kung pano halos mabaliw si Ella dahil sa pag- ibig na yan.
Nandito nga pala ako sa opisina niya ngayon. Pinapunta niya ako dito sa hotel na walang dahilan. Gusto lang daw niyang may makausap.
"Maubos ako niyang katititig mo sakin. May gusto ka sakin no?"
Tang'na!
"Ang lakas ng apog mo."
Sumimangot siya.
"Bakit? Gwapo naman ako ah."
Kumindat pa ang kumag.
"Ang boring dito. Wala ba akong gagawin?"
I deviate myself to other topics dahil hindi ko na alam kung patuloy siya sa mga sinasabi niya.
Sasagot sana siya ng biglang nag ring ang mobile phone niya. Kunot noong sinagot niya ito.
"What?"
Wala man lang hi or hello. What agad. Sungit talaga.
"I'm busy. Stop calling me!"
Kawawa ang kausap niya at parang gusto niyang lunukin ng buhay.
"I don't care! We're done already. Ano bang hindi mo maintindihan sa salitang 'we're over' at hindi ka nakakaintindi. Tapos na tayo!"
He ended the call.
"Was that Ashley?"
Si Ashley ang girlfriend niya na kahihiwalay niya lang nung panahong naglasing siya. Oo nagpakalasing siya dahil sa isang babae. Hindi ko tuloy maiwasang di masaktan lalo na at ako ang nandon para alagaan siya. Nakakainggit!
"Yeah."
He answered simply. His eyebrows are still frowned when he sit in the other couch facing me. He raised his legs and extend it to the center table.
"Kinausap mo sana ng maayos, baka magkaayos pa kayo."
Labas sa ilong kong sabi. Of course, ayaw kong magkabalikan sila. Gusto ko kahit kaibigan man lang ang tingin niya sa akin ay may time parin siya sakin. Panigurado kasing kapag nagkabalikan sila baka hindi na kami magkita. Selosa si Ashley. Alam ko yun dahil pinagbantaan niya ako nung nagtratrabaho pa ako kay Trace.
YOU ARE READING
The Billionaire's Possession
General FictionEvery life tells different story, it's a choice everyone has to make. Yes, Nayumi dreamt of having a wonderful life, achieving her dreams and become successful. Who wouldn't? And there he goes, Trace- the lucky guy she think is made for her and yet...
