Nayumi Tamarah Elizondo SegoviaParang timang akong nakatingin lang sa kwintas habang nakaupo dito sa loob ng bahay.
Ilang beses ko nang inulit yan sa utak ko pero parang hindi parin ma sink in lahat.
Kailangan ng mahabang process!
Sa sayang nararamdaman ko tinatawanan nalang ako ni Nath kapag nakikita niyang nakangiti ako na mag isa.
Masama ba maging masaya?
Naalala ko nga umiyak ako dun sa café ng sinabi na ni Nathalie na kapatid niya ako.Na ako ang nawawalang Ate niya!
Ang saya!
Nakalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko dahil kay Trace at walang katumbas na saya ang bumubuhay sa pagkatao ko ngayon.
Hinihintay ko si Nathalie dahil kailangan ko na raw bumalik ng manila. Hindi niya pa sinabi kina Mommy ang nangyari dahil gusto niyang i-surprise sila.
Its 2 days since she told me everything and after that hindi na kami naghiwalay. Lagi kaming lumalabas at nagkwento sa isa't isa pero hindi ko pa nasabi ang problema namin ni Trace. I don't know. Maybe its not yet time.
Actually, sa San Antonio siya nag stay which is medyo malayo dito sa Tagaytay. Doon raw kasi nakatira ang grandparents namin. Ang parents ni Mommy.
Mommy? Ang weird at ang awkward pero kailangan ko raw masanay.
"Ate! Ready kana?" Ang laki ng ngiti niya. Abot hanggang tenga.
Ang sexy nitong babaeng 'to.
"I think so." Kinakabahan kong sabi dahil hindi ko alam kong masaya ba sila kapag nakita ako.
Gamit ang sasakyan niya makarating kami sa Oakhill Village sa Parañaque.
Halos malaglag ang panga ko ng marealize kung saan kami ngayon.
"I've been here." I murmured ng pumasok ang kotse ni Nathalie sa garage.
"Huh? When?" Naguguluhang tanong niya.
"6 months ago. Si Trace kasama ko."
Wala sa sariling napatanong siya.
Bumaba na kami sa sasakyan pero parang hindi ako makagalaw.
Pinagpawisan ng malamig ang mga kamay ko dahilan para mapahawak ako kay Nathalie."Come on. Don't be. They miss you so much, so am I." She hugged and guide me through the big door of the Villa.
I'm a freaking rich woman!
"Manang, sina Mommy?" Baling ni Nathalie ng makapasok kami sa malaking bahay.
"Por diyos! Nayumi? Iha? Ikaw na ba yan?" Ngumiti ako sa kanya habang niyakap niya si Nathalie pagkatapos ay sa akin.
"Hi po." Magalang kong bati sa kanya.
Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Manang, tama na muna 'yan. Itago mo na si Ate dali. May parating."
Bigla kaming tumalikod ni manang at nagtago sa likod ng isang malaking figurine na nasa gilid. Si Manang nagkukuwanring maglinis para hindi ako makita.
Humagikhik pa siya.
"Belinda? Ngayon ka lang?" I know that voice!
It's Rave voice! So kapatid ko siya? Kaya ba ganoon nalang sila kong makatitig sakin noon?
"Hi Kuya. Yeah ngayon lang. Sina Mommy?" Narinig kong tanong niya sa kausap.
"Nasa pool. Miss ka na nun. Your away for a month Belinda." May bahagyang galit sa tono na pagkakasabi ni Rave.
YOU ARE READING
The Billionaire's Possession
General FictionEvery life tells different story, it's a choice everyone has to make. Yes, Nayumi dreamt of having a wonderful life, achieving her dreams and become successful. Who wouldn't? And there he goes, Trace- the lucky guy she think is made for her and yet...