Pasado alas otso nang umaga nang makarating kami sa Manila. Si Kuya Rave ang sumundo sa amin.
Una naming hinatid si Yana sa bahay nila. Nadatnan din namin si Cal doon kausap ang parents ni Yana.
"Naya! Anak? Ikaw nga!" Sigaw ni Mommy nang makita niyang pumasok ako sa bahay.
Ngumiti ako at niyakap siya. "Hi, Mom."
"Hello, Tita. How are you po?" Yumakap din si Mommy kay Trace.
"I'm good, iho. Pero mas masaya ako ngayon dahil umuwi si Naya dito. I must thank you for bringing her home."
"It's Naya's decision to come here, Tita. Hindi po sa akin."
"Kay Naya ka magpasalamat, Mom. Baka umalis na naman yan."
"Kuya! Kararating ko lang eh!"
Tumawa siya at niyakap ako.
"Isa ka pa. Bakit hindi mo sinabi na uuwi ang kapatid mo ngayon?"
Kuya shrugged. "Hindi ka masosorpresa kung sinabi ko."
"Magpahinga muna kayo. Ipapatawag ko kayo kapag lunch. Sasabihin ko rin sa mga kapatid mo at sa Daddy mo na umuwi ka." Mommy said.
Niyakap niya ako ulit."I missed you, anak."
"I miss you, too, Mom."
Pumanhik na kami ni Trace papunta sa kwarto ng bigla maisip ang nangyari noong bago ako umalis sa bahay nato.
Nothing changed in my room. Maliban sa mga bagong bedsheets at curtains na alam kong palaging pinapalitan. Hindi ko nga maintindihan dahil kung bakit kailangan palitan wala namang gumagamit.
I feel nervous. Nervous of being here, nervous of seeing Nath, and feeling nervous if Mom and Dad will know what happened.
Iniisip ko palang na malaman nila Mommy ang nangyari noon na ste-stress na ako.
Natatakot ako sa maaring maging reaksyon ni Mommy. Noong mangyari yun, I really thought Nathalie's at fault. Pero na realize ko na wala rin naman siyang kasalan.
Wala naman talagang may kasalanan sa nangyari. Hindi ko kasalanan. Hindi niya rin kasalanan.
Hindi naman talaga ako galit sa kanya. I was just disappointed of the reason na hinanap niya ako para lang isisi sa akin na nawalan ng atensyon si Mommy sa kanya.
Pakiramdam ko kasi ako talaga ang may kasalanan kung bakit siya naging ganun. But I really wished na sana hindi nalang siya nalasing nung gabing yon at sinabi niya nalang ang nararamdaman niya sa pagdating ko sa buhay nila.
"You're alright?" Trace back hugged me.
Tumango ako at ngumiti.
"Baby, hindi mo kasalanan ang mga nangyari. Okay? Wag kang mag-isip nang kung ano."
I faced him and give him a quick kiss.
"I know, love. I couldn't just stop feeling guilty and upset of what happened."
He kissed my forehead and hug me tightly.
"That's normal." Masuyong nakatitig siya sa akin. "Your not human if you won't feel that."
Tumingala ako at tinirikan siya ng mata.
"Are you consoling me?"
Tumawa siya kaya napangiti ako.
His laugh is a music to mine. I feel ten times happier than him if I hear him laugh. His heart laugh.
"Uuwi muna ako sa bahay huh. Pakisabi nalang kay Tita. Kukumustahin ko muna si Cal."
YOU ARE READING
The Billionaire's Possession
General FictionEvery life tells different story, it's a choice everyone has to make. Yes, Nayumi dreamt of having a wonderful life, achieving her dreams and become successful. Who wouldn't? And there he goes, Trace- the lucky guy she think is made for her and yet...
