Days became weeks and weeks became months. 4 months na simula nung naging kami ni Trace. May mga times na nagtatalo kami pero hindi naman niya pinapalipas ng isang araw ay bati na ulit kami. Yung parang dapat ang problema tapos na pagdating ng gabi at dapat magkaayos na kayo dahil ibang araw na naman ang bukas.
Kagigising ko lang from my nap dahil late na akong natulog kagabi. It's already 4 pm so I decided to clean the house.
"Babe? Are you awake already?"
"Yeah. Why babe?" I said answering his call.
"Nothing. Can you come over? I miss you."
I smile hearing him say that. Of course, he always misses me.
"Uhmm sure. Maliligo lang ako. I'll be there before you know it." I replied smiling.
I ended the call. I wonder kong anong nangyari sa kanya. Kasi sa lahat ng lakad ko palagi naman niya akong sinusundo.
I wonder what his up to.
Palabas na ako ng kwarto ng makita ang phone ko na nakapatong kay Craze. Si Craze ay isang teddy bear na bigay ni Trace nung unang monthsary namin.
Every monthsary palagi siyang may gift. Nung una, teddy bear na pink na halos kasing laki ko na with matching flowers and chocolates. Nung 2nd naman ay bumili siya ng couple accessories. Jacket and watch. Gray ang kulay ng jacket and yung watch ay black sa kanya at white sakin, of course may kasama paring flowers at chocolates. Hindi naman nawawala yan every monthsary eh. Kahit nga walang okasyon eh. Nung 3rd months naman kami, binili niya yong gustong-gusto ko na painting. One time kasi, someone from his relatives invited us dahil sa isang opening ng paint exhibition. Madaming nandon pati nga sina Caleb ay pumunta. Then one painting caught my eye. Isang starry night na may kasamang pitong taong nakatingala sa bituin. I don't know. Pero sobrang lapit ng puso ko sa painting na yon. Dreaming that one day I could find my family. Binili ni Trace yun for me. Nung 4th naman ay simplest dinner date sa isang garden restaurant at binigyan niya ako ng letter. Handwritten yun kaya sobrang saya ko nun kasi sa lahat ng binigay niya mas nag matter yong letter. Ewan ko ba.
Ako Hindi ko pa siya nabibigyan ng material na gift sinabi ko nalang na babawi ako once hindi na ako masyadong busy. Pero I always gave him letters and pictures of us together na nakaframe.
Last month I stopped my tutorial classes dahil pinag-igihan ko ang pag review.
Just yesterday I passed my LET examination. Nakita ko kasi na marami ang nagcocongratulate sakin kaya tinignan ko mismo. Sobrang saya at tuwa ko dahil pakiramdam ko paid off lahat ng hirap at sikap ko. I'm so thankful lalo na kay Papa God.
Trace, he didn't congratulate me yet. Maybe he doesn't know yet. Ako nalang ang magsasabi sa kanya. Caleb congratulated me last night tsaka si Chad. Ang iba, Ewan. Maybe hindi pa talaga nila alam.
I texted him nang paakyat na ako sa building niya.
Me: andito na ako. :) -sent!
I waited for him to open the door but he didn't so I open it. Alam ko naman ang code niya dahil simula ng naging kami, he gave me a way to know him better kaya alam ko
"Babe?" I called him. Bakit parang wala naman tao.
I close the door and opened the lights.
"Congratulations!" They all shouted.
Shit!
Oh my God! For real?
Nabigla kasi ako sa confetti na pinsabog ni Caleb. May tarpaulin banner pang may nakasulat na 'Congratulations Tam. We're very proud of you.' Tapos mga pictures ko.
YOU ARE READING
The Billionaire's Possession
Ficción GeneralEvery life tells different story, it's a choice everyone has to make. Yes, Nayumi dreamt of having a wonderful life, achieving her dreams and become successful. Who wouldn't? And there he goes, Trace- the lucky guy she think is made for her and yet...
