(Someone's POV)"Nayumi! Kumapit ka! H'wag kang bumitaw anak."
"Mommy! *sniff* mommy huhuhuh mom!"
"Naya anak wag kang matakot. Andito lang si Mommy. Mahal na mahal ka ni Mommy. Kumapit ka lang."
Humagulgol nang iyak ang ina dahil sa kinahinatnan nila nang anak niyang babae. Nahulog sa bangin ang kotseng minamaneho nang ginang dahil bigla silang binangga ng malaking truck na puno nang kargadang kahoy. Papunta sana sila ng Tagaytay para dumalo sa family reunion nila. Naiwan ang kanyang mag-ama sapagkat may pasok pa ang anak nilang lalaki.
Hindi makaalis sa driver seat ang babae dahil naipit ang paa niya dahilan para hindi niya maabutan ang anak sa katabing upuan na nakalambitin na lamang at anumang oras ay pwedeng mahulog kasama ang anak niyang babae.
"Mommmmyyyyyy!!!!!"
"Nayumiiiiiiiiiiiiiii! Anak!"
Tuluyan na ngang nahulog ang pinto nang kotse kasama ang batang babae.
*****
"Naya! Anak! Huwag mong iiwan si Mommy!"
"Honey! Katherine! Gising!"
Humihingal na gumising si Katherine at nilibot ang paligid niya.
She saw the worried face of her husband and her little boy crying beside her. Her parents and parents-in-law are sitting at the couch inside the hospital room.
"Nasan ako?! Si Naya? Nathaniel asan si Naya? Asan ang anak ko?" Natatarantang tanong niya sa asawa habang umiiyak.
"Huminahon ka. Makakasama sayo. Magpahinga ka muna."
"Nath, please sabihin mo asan si Naya. Ang baby ko asan. Ma, Pa. Si Naya."
Napayuko naman ang mga ito. Gusto nilang sabihing wala na ang apo pero nasasaktan sila.
"Nathaniel ? Please." Humagulgol na ang babae.
"Si...Na-naya..hindi parin nakikita hanggang ngayon Kath." Umiiyak naring sambit ni Nathaniel.
"No! No! No! Buhay pa ang anak ko. Please wag mong patigilin ang mga naghahanap kay Naya."
"Buhay si Nayumi, Kath. Ipanalangin natin na buhay siya."
*****
-------------Author's Note:
Dear lovies,
Huwag kayong mabibigla dahil Simula palang yan. There are more interesting situations you will meet on the way. Patikim pa lang yan(charrs). Anyways, don't forget to vote, comment and like my book. Pandagdag inspiration din yun. Ilavyou lovies.-cmvillaz

YOU ARE READING
The Billionaire's Possession
قصص عامةEvery life tells different story, it's a choice everyone has to make. Yes, Nayumi dreamt of having a wonderful life, achieving her dreams and become successful. Who wouldn't? And there he goes, Trace- the lucky guy she think is made for her and yet...