Chapter 17

2.5K 59 0
                                    


"Hey, are you okay?" Kakalabas ko lang sa kwarto simula kaninang tanghali dahil umidlip ako.

"Yeah. May iniisip lang ako." Umusod siya para makaupo ako sa tabi niya.

"Nathan. What's bothering you really. Kanina pa kita nakikitang nagmumukmok dito."

Halos kanina pa siya nakatulala at parang ang lalim ng inisip ng isang 'to.

Nathan doesn't like anybody to meddle with his problems. Sinasarili niya. Sabi nga ni Mommy, si Nathan ang pinakatahimik.

Hindi naman siya mukhang tahimik nong nagkita kami sa Tagaytay eh. Baka malaki lang talaga ang problema niya.

"Okay lang talaga ako Ate. May iniisip lang talaga ako." Malungkot na sabi niya.

"Okay. But if you need someone to talk to. Andito lang ako hah." Nakangiting sabi ko sa kanya.

Tumango lang siya.

I don't want to push my luck baka mapikon kaya tinigilan ko na. Baka magalit eh tapos hindi na ako pansinin.

"Naya, may bisita ka sa baba." Napabangon ako sa pagkakahiga ko sa sofa sa loob ng kwarto ko. Ang boring kasi kaya nanood nalang ako ng movie.

"Sino po Manang?" Wala naman kasi akong inasahan na bisita ngayon.

"Si  Trace, iha." Napaayos ako ng tayo sa pangalang narinig ko.

Damn! Ano bang nagyayari sakin?

Kahit ang lakas ng tibok ng puso ko ay nakuha ko paring magsalita.

"S-sige po. Bababa na ako." Tumingin muna ako sa salamin kung ayos lang ba ang mukha ko.

Naglagay ako ng kaunting pulbo at sinuklay ang buhok ko.

Kumakabog ang puso ko habang pababa ako ng hagdanan. Damn!

"Hi babe." Sabay bigay sa flowers na dala niya. Hinalikan niya ako sa pisngi at niyakap.

Damn it!

"Hi Trace. Bakit ka andito?" Pinaupo ko siya at pinakuha ng meryenda si Manang.

"Hindi mo ako namiss?"

"Huh?"

Loko talaga 'tong lalaking 'to.

"You're cute when your blushing babe. "

Shit! Tinakpan ko ang mukha ko kaya humagalpak siya ng tawa. Binato ko siya ng pillow dahil naiinis ako sa kanya.

Nakakahiya!

Tawa pa rin siya ng tawa kaya pinandilatan ko siya ng mata.

"Kung anu-ano kasing lumalabas diyan sa bibig mo." Nakanguso kong sabi.

"Masanay kana babe. Hindi ka pa ba sanay?" Inirapan ko siya pero ang sira ngumiti lang.

"Ayaw kong masanay. Baka hanap hanapin ko." Nakasimangot ako sa kanya.

Tumayo siya at tumabi kung saan ako nakaupo.

His hands landed on my waist while his head leaned on my shoulder.

Para akong natuod dahil sa ginawa niya to the point na hindi ako gumalaw.

Parang bolta-boltahing kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko at ang mga paru-parong nagliliparan sa loob ng tiyan ko ay tuluyan nang nataranta.

"Sanayin mo babe. Gusto kong hahanap-hanapin mo ako." Napailing ako sa sinabi niya. Tinignan niya ako ng buong pagmamahal.

"Gusto kong masanay ka na andito lang ako dahil hinding-hindi na ako mawawala sayo. Sayong sayo na ako. Noon pa man." He added.

The Billionaire's Possession Where stories live. Discover now