Fifteen years ago...
Naalala ko pa noong niligtas ako ni Gavin sa mga nangbubully sa akin. Hindi alam ni Lucas ang tungkol doon dahil busy si Lucas sa pagaaral niya. Dalawang taon kasi ang tanda ni Lucas sa amin.
Wala akong magawa sa tuwing binubully ako sa school namin but then, Gavin came.
"Hey, stop bullying her!" Sigaw ni Gavin. Tumingin ako sa kanya pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Bakit ganito ang nararamdman ko? Kakambal siya ng best friend mo, Beryl. At saka ang bata mo pa. Malalagot ka kay papa.
Pagkabalik ko sa realidad ay nakikipagaway na si Gavin sa mga nangbubully sa akin kaya inaawat ko na si Gavin. Baka kasi mapatay pa niya yung isang bata.
"Gav, stop." Sabi ko habang hawak ang isa niyang braso. Sumunod naman siya sa akin.
"Go now! Until I can control myself!" Sabi ni Gavin kaya tumakbo na yung mga bata. Humarap na sa akin si Gavin na may pagaalala sa mukha niya. "Ayos ka lang ba, Faye? Hindi ka ba nila sinaktan?"
Hindi ako sumagot sa tanong niya. Nakatingin lang ako sa pisngi niya dahil may pasa at galos. This is my fault kaya siya may pasa at galos sa mukha.
Biglang tumulo ang luha ko. Kasalanan ko ito, eh.
"Hey." Niyakap ako ni Gavin kaya doon ako umiyak ng malakas. "It's okay, Faye. You are safe now."
"I'm so sorry, Gavin. Dahil sa akin kaya may pasa at galos ang mukha mo." Humiwalay na ako sa kanya baka kasi lumalabas na sa dibdib ko ang puso ko.
"Ito ba? Wala lang ito. Ayos lang ako pagnakita kitang maayos." Ngumiti siya sa akin pero narinig ko siyang umaray.
"Hindi ka okay." Nakita kong may hiwa ang ibabang labi niya. "Gagamutin kita."
Pagkarating namin sa infirmary ay hinanap ko yung first aid kit. Wala kasi yung school nurse namin. Lunch break na kasi.
Noong nakita ko na yung first aid kit pero hindi ko maabot dahil nasa taas.
Lumakas ang kalabog ng dibdib ko. Tumingin ako sa likuran dahil inaabot pala ni Gavin yung kit. Pagkakuha niya sa kit ay inabot na niya sa akin.
"Thank you."
"You're welcome." Bumalik na siya sa upuan kaya sumunod na ako sa kanya. Ginamot ko na rin ang mga sugat niya sa mukha.
"Sa susunod wag mo na ako protektahan. Hayaan mo na lang sila kung ano ang gusto nilang gawin sa akin, Gav."
"Hindi ko iyan magagawa. Best friend ko ang kapatid mo, Faye. Baka pati sa akin magalit si Luke kung malaman niya ang nangyari sayo."
"Gav, promise me something."
"Tungkol saan ba iyon?"
"Hindi mo sasabihin kay Luke o kay papa ang nangyari. Ayaw ko pumunta si papa dito.
"Okay. Hindi ko sasabihin sa kanila."
"Thank you." Ngumiti ako sa kanya at tapos ko ng gamutin ang sugat niya.
Present...
Habang naglalakad kami ng kaibigan kong si Star sa hallway ay napansin kong masaya siya. Ano kaya ang dahilan? O baka naman sino?
"Mukhang masaya ka ngayon." Tanong ko.
"Hindi ah. Nagiimagine ka na naman yata, Beryl." Sagot niya. Ako pa talaga ang sinasabihan niyang nagiimagine. Siya nga itong ngumingiti na wala naman nakakatuwa.
Baliw na yata ito si Star.
"Ako? Nagiimagine? Magiimagine na lang ako sa love story namin ng kakambal mo."
Matagal na akong may gusto kay Gavin, ang kakambal ni Star.
Si Star ang palagi kong sinasabihan ng mga sikreto ko. Hindi ko na nga iniisip na pwede niyang sabihin sa kapatid niya.
"Sabay pala tayo maglunch." Hinuhuli ko si Star baka magsalita siya tungkol sa sulat na tinatanggap niya.
"Sorry pero may gagawin pa ako mamayang lunch."
Aha! Nahuli ko na rin ang binabalak ni Star.
"Gagawin? O baka naman may natanggap ka na naman sulat from your secret admirer. Iba na iyan, Star. Isumbong na talaga kita kay tito Greg."
"Hey, wag mo naman ako isumbong. At saka wala naman ako ginagawang masama. Nireject ko naman silang lahat because I want to graduate first."
"Ugh. Kahit rin ako gusto ko na rin grumaduate. Like duh, we're already twenty-two. Dapat graduate na tayo."
Naiinis ako sa professor namin dahil binagsak talaga kaming lahat.
"It's not our fault, Beryl. All the courses got F in Math. Alam mo naman kung gaano strict ang Math prof namin."
"Yeah. Matandang dalaga kasi." Iritableng sabi ko.
Narinig ko ang pagtawa ni Star sa komento ko.
Magkaiba kami ng kurso ni Star pero sabi nga namin bagsak kaming lahat sa Math kaya hanggang ngayon ay nandito pa rin. Gusto nga kausapin ni papa yung professor na iyon para ipasa kami ni Star pero ayaw ko grumaduate na may tulong ni papa. Ang gusto ko pinaghirapan ko.
Pagkatapos ng klase ay naglalakad ako sa hallway na magisa. Nakasalubong ko si Gavin nakasuot ng basketball jersey at may kausap na babae. Yung babae na kausap niya ay isang member ng cheering squad ng basketball.
Maraming club kasi rito sa pinapasukan namin pero ang basketball ang pinakasikat dahil kay Gavin. Si Gavin kasi ang MVP ng team. Magaling kasi siya maglaro.
Nakapanood na ako ng laban nila sa ibang paaralan. Grabe ang tense.
"Beryl." Lumingon ako noong may tumawag sa akin.
"Bakit, Felix?"
"Nakita mo bang dumaan rito si Skye? I haven't seen her since lunch break."
"Hindi ko pa naman siya nakita. Why? May ginawa ka bang kalokohan? Malalagot ka niyan kay tito Greg."
"Wala akong ginawa. Siya na nga lang ang best friend ko, aawayin ko pa."
"Ano ba ang dahilan?"
"Nasabi ko kasi sa kanya na magtatapat si Luke kay Star."
Nagulat ako sa sinabi ni Felix. Walang sinabi sa akin si Star tungkol doon. Kaya ba siya hindi sumabay kumain ng lunch dahil nakipagkita siya kay Lucas.
"W-Wait. Ang sabi mo magtatapat si Luke kay Star? Torpe yung kapatid nating iyon, Felix."
"Hindi ko alam kung paano niya sasabihin kay Star. Narinig ko lang na sinabi niya kay mama. That's all. Kailangan ko pang hanapin si Skye." Tumango ako sa kanya. Tumakbo na siya para hanapin ang kaibigan.
Pagkauwi sa bahay ay dumeretso na ako sa kwarto para magpahinga.
Inaalala ko yung sinabi sa akin ni Felix kanina. Bakit hindi sinabi ni Star? Hindi naman ako magagalit kung maging sila ni Lucas, eh.
Kakausapin ko na lang siya bukas.
~~~~
First chapter..
-Skye
Leave a comment and press ☆ to vote
BINABASA MO ANG
Almost Like A Fairytale
RomanceMafia Series Sequel Present: Almost Like A Fairytale Paano kung magkakagusto ka sa isa lalaki na kapatid ng asawa ng kapatid mo? Kahit alam mong weird tingnan kung magkakagusto kayo sa isa't isa. Ano na lang sasabihin ng ibang tao? Meet Beryl Faye J...