Gavin's POV
"Dude, pinapupunta tayo ni Luke sa kanila." Napatingin ako kay Ethan. Nakatanggap rin naman akong tawag galing kay Luke.
Nandito kasi ang magkapatid sa bahay. Ewan ko nga kung bakit nandito mga ito.
Ilang araw na rin pero hindi pumapasok si Skye. Ano kaya problema ng bunso namin?
Tapos nagulat na kaming dalawa ni Star na pupunta ng Canada si Skye. Si Lucas siguro ang dahilan kaya pupunta na si Skye sa Canada. Si Lucas rin naman ang dahilan niya kung bakit hindi pumayag ang kapatid ko. Ano na naman ang ginawa ng kaibigan ko?
Simulang nalaman kong may gusto si Skye kay Lucas ay hindi na niya pinapansin si Star. Hiniling ko na lang sana kaya ko ibalik ang dati. Yung tipong masayang naguusap ang dalawa kong kapatid. Close sina Star at Skye sa isa't isa. Palagi nga akong kawawa pag nagtulungan na yung dalawa pero nagbago ang lahat simulang hindi na pinapansin ni Skye si Star. Ayaw ko ganoon ang dalawa kong kapatid. Mabuti na lang walang alam si dad kung bakit hindi na kinakausap ni Skye. Ayaw kasi niya nagaaway kaming tatlo.
Hindi ko naman masabi dahil mahal ko si Skye.
She is our baby girl.
Eight years kasi ang tanda namin kay Skye.
Sabay sabay na kaming tatlo na pumunta sa bahay nila Lucas.
Naunang pumasok ang dalawa kong pinsan. Sumunod na ako sa kanila pero nakita ko si Faye lumabas galing sa kusina nila.
"Gavin?!" Nagulat siya pagkakita sa akin. Ngumiti ako sa kanya.
"Hi, Faye."
Ako lang ang tumatawag sa second name niya at hindi naman niya ako pinagbawalan na tawagin siyang ganoon. Ang ganda kaya ng pangalan niya.
"Sige, puntahan ko na sila sa kwarto ni Luke. Baka kasi hinahanap na nila ako." Naglakad na ako papunta sa hagdan.
"Pwede ba tayo magusap na muna, Gav?"
Huminto ako sa paglalakad. Humarap ako kay Faye at nagtataka.
"Tungkol saan ang paguusapan natin?"
"Alam kong matagal na ang nangyari ito at palagi mo kong tinutulungan kaya palagi ka may pasa at galos nang dahil sa akin."
"It's alright, Faye. Hindi naman kasi tama ang ginagawa nila sayo. Basta nandito lang ako para protektahan ka. Kapatid ka ni Luke kaya handa akong protektahan ka. Okay?" Nakangiting sabi ko pero napansin kong nalungkot si Faye. "What's wrong?"
"Mahal kita, Gavin. Simula ng lahat na iyon noong araw na tinulungan mo ko. Hindi ko nga alam kung bakit ko iyon naramdaman. Bata pa ako noon, eh pero habang lumalaki ako at palagi kita kasama nandoon pa rin."
Nagulat ako sa mga narinig ko. Matagal na may gusto sa akin si Faye.
Ang saya ko dahil ang babaeng mahal ko ay gusto rin ako.
"Oh, shit." Napahawak siya sa bibig niya. "No, no.. Hindi ito totoo."
"Sorry. Hindi ko maibabalik ang nararamdaman mo sa akin."
"Huh? Ohh... O-Okay. Ayos lang. Alam ko naman ganito ang mangyayari." Umalis na siya sa harapan ko.
Gusto ko tuloy saktan ang sarili ko. Bakit ko ba iyon sinabi sa kanya? Iyon na ang pagkakataon ko para sabihin sa kanya ang totoo. Ngayon alam ko ng mahal rin niya ako.
Pumunta na ako sa kwarto ni Lucas pero nakasalubong ko si Nate.
"Bakit ngayon ka lang?" Rinig kong tanong ni Nate sa akin. Kaya lang wala akong imik.
BINABASA MO ANG
Almost Like A Fairytale
RomanceMafia Series Sequel Present: Almost Like A Fairytale Paano kung magkakagusto ka sa isa lalaki na kapatid ng asawa ng kapatid mo? Kahit alam mong weird tingnan kung magkakagusto kayo sa isa't isa. Ano na lang sasabihin ng ibang tao? Meet Beryl Faye J...