Ilang araw rin hindi lumalabas ng kwarto si Skye. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya nagkukulong sa kwarto niya.
May ginawa sigurong kalokohan si Lucas. Malalagot sa akin iyon.
Pumunta na muna ako sa Moon Cafe dahil marami akong inaasikasuhin.
Nakita kong bumisita sina Ethan at Nate sa cafe. Ano naman ginagawa nila rito?
"Gavin." Mukhang problemado si Ethan.
"Bakit, Ethan?"
"Wala bang sinabi sayo si Luke na umalis na siya sa grupo?"
Napaangat ako ng tingin. Umalis ng grupo si Lucas? Ibig sabihin noon ay may ginawang kalokohan si Lucas.
"Alam niyo ba ang dahilan kung bakit siya umalis?"
"Hindi. Hindi niya sinabi sa amin ang dahilan." Sagot ni Nate.
"Tandaan niyo ang sinabi niya sa atin? Aalis siya ng grupo kung pinaiyak niya si Skye."
"Pinaiyak niya si Skye?" Tumingin sa isa't isa ang magkapatid.
"Ilang araw na rin hindi lumalabas ng kwarto si Skye. May kutob ako na may kalokohan ginawa si Luke."
"Hindi masaya kung hindi tayo kumpleto." Ani ni Ethan.
"Oo nga. Sana nga hindi na lang niya pinaiyak si Skye para hindi naging ganito."
One week later..
Hindi pa rin lumalabas si Skye sa kwarto niya kaya nagaalala na ako sa kanya. Bumibisita rito si Felix para kamustahin siya pero isang araw may kasama si Felix na isang lalaki. Ngayon ko pa lang nakita.
Isang araw nga pumunta rito si Lucas para kausapin si Skye pero si dad ang nakausap niya.
Rinig na rinig hanggang kusina ang boses ni dad. Nagalit kasi si dad noong nalaman niya ang dahilan kahit ako galit sa ginawa ni Lucas. Hindi nga ako makapaniwalang magagawa ni Lucas iyon.
Nagaayos na ako ng mesa para makakain na kami. Nakita ko si Skye lumabas na rin sa kwarto niya kaya sinalubong ko siya ng yakap.
"I missed you, lil sis. Isang linggo ka na nakakulong sa kwarto mo." Nalulungkot ako dahil ang tagal nagkulong si Skye sa kwarto niya. Alam ko na ang dahilan but no worries, kahit anong mangyari ay dito lang ako palagi sa tabi ng kapatid ko.
"I missed you too, Gav."
Umupo na kami sa hapag. Ang tahimik dito ngayon kahit si dad hindi nagsasalita.
Alam ko naman pati si Star galit sa akin kaya hindi na niya ako kinakausap. Miss ko na tuloy yung panahon na kinukulit niya ako.
Napapansin kong ang sama ng tingin ni dad kay Skye. Kaya yumuko na lang si Skye.
"Greg, bakit ganyan ka makatingin sa anak mo?" Tanong ni mama. Pero hindi naman sinagot ni dad.
"Skye." Tumingin naman si Skye kay dad pero makikita sa mga mata niya ang takot. "Umamin ka nga sa akin... Buntis ka ba?"
Nagulat sina mama at Star sa sinabi ni dad. Wala namang expression ang mukha ko.
Buntis? Si Skye?
Si Lucas ba ang ama?
"Totoo ba yun, Skye." Tanong ni mama.
"S-Sorry po." Yumuko ulit si Skye. Narinig ko ang paghikbi ng kapatid ko.
Naawa ako kay Skye dahil hindi na siya makakatuloy sa pagaaral niya. Pero alam ko naman malalagpasan naman ni Skye ang lahat na pagsubok na ito.
Nakita kong umalis na si dad sa hapag kainan. Alam ko naman galit si dad hindi lang niya pinapakita.
Sumunod naman si Skye kay dad kung saan man pumunta si dad ngayon.
Pagkatapos kumain ay lumabas na si Skye sa opisina ni dad. Mukhang tapos na sila magusap.
Nakita kong umupo na si Skye sa sofa. Lalapitan ko na sana siya pero nakita kong tumabi sa kanya si Star. Hinayaan ko na lang sila magusap na muna.
Kinagabihan, narinig ko ang pinaguusapan nina Star at ng mga magulang namin. Masaya ako para kay Star dahil pasado siya sa interview sa Paris. Kaya doon na siya magtatrabaho.
Alam ko namang pangarap niyang magtrabaho sa sikat na agency sa Paris. Kaya ito na. Dream come true.
Lumapit ako sa kanya para kausapin siya.
"Twin." Malungkot kong tawag sa kanya.
Ayaw ko kasi aalis siya na hindi kami magkaayos na dalawa.
"Sorry sa lahat na sinabi ko noong huling paguusap natin. Tama ka dapat nga may gawin ako para makuha ang babaeng mahal ko. Kailangan ko rin lumaban. Kahit sagutin pa niya yung lalaki basta lalaban ako hanggang makuha ko siya."
Basta hindi proposal dahil ibang usapan na iyan.
"Ganyan dapat, twinny. Lumaban ka hanggang sa huli." Ngumiti sa akin si Star. I missed her so much.
Niyakap ko na si Star.
Hindi ko kasi kayang hindi siya kausapin. Hindi ko nga alam kung paano nagagawa ni Star na hindi ako kausapin.
"Thank you."
Nakaabang ako sa tapat ng bahay nila Faye pero may isang kotse ang pumarada sa tapat. Kumunot naman ang noo ko.
Sino naman ito?
Hindi naman mamahalin ang kotse niya. Psh.
Nakita ko isang lalaki ang bumaba at sakto naman ang labas ni Faye. Masaya siya doon sa lalaki.
Ako dapat iyon, eh. Kung hindi lang ako tanga.
Gusto ko lumapit pero hindi sumusunod ang mga paa ko sa akin.
May pumatak na luha sa pisngi ko. Umiiyak na pala ako.
Huli na ba ako para maging kami ni Faye?
Mahal ko siya. Pero hindi ko pala kayang may kasama siyang ibang lalaki maliban sa akin.
Sinuot ko na ulit ang helmet ko at sumakay na sa motor ko.
Maybe this is not the right time para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Aaminin ko siya sa tamang panahon.
Sana sa tamang panahon ay magbago ang isip ni Faye para hindi na niya sagutin ang mangliligaw niya.
Magiging akin ka rin, Faye.
Pinaandar ko na ang makina ng motor ko bago umalis sa bahay nila Faye.
Hindi ko na nga alam kung saan ko pupunta ngayon.
Ang gusto kong puntahan ay ang lugar na walang masyadong tao na pwede akong makapagisip.
~~~~~
Please read the following:
1. My Kidnapper Is A Mafia Boss
2. Carrying A Mafia's Baby
3. My Hot Husband Is A Mafia
4. Destiny For Us
5. Road To ForeverIyan ang mga series at sequel ng mafia. :D
-Skye
Leave a comment and press ☆ to vote
BINABASA MO ANG
Almost Like A Fairytale
RomanceMafia Series Sequel Present: Almost Like A Fairytale Paano kung magkakagusto ka sa isa lalaki na kapatid ng asawa ng kapatid mo? Kahit alam mong weird tingnan kung magkakagusto kayo sa isa't isa. Ano na lang sasabihin ng ibang tao? Meet Beryl Faye J...