Chapter 7

1.4K 36 0
                                    

Napansin kong nandito sa bahay namin si Lucas ngayon at ang sama ng tingin ni dad sa kanya.

"S-Sige po, tito." Lumapit sa akin si Lucas sabay akbay. "Gavin."

"Oh? Anong ginagawa mo rito? Wala akong maalala na pinapunta kita."

"I know. Pwede ka ba ngayon?"

"Hmm.." Nagiisip talaga ako niyan. "Yes, I'm free today. Bakit ba?"

"Yayain ko sana kayo magpipinsan na gumala."

"Ay, naalala ko may gagawin pa pala ako." Sabay bawi. Tama daw bang bawiin ang sinabi ko kanina.

"It's my treat." Sabi niya. Humarap ako sa kanya na may ngiti sa mga labi ko. Libre, eh.

"Yun naman pala, eh. Teka lang magpapalit lang ako ng damit. At tatawagan mo na rin sina Ethan at Nate." Umakyat na ako sa itaas para magpalit ng damit.

Pagkatapos ko magpalit ay wala si Lucas na dito. Ano iyon? Iniwanan ako? Ayos rin siya ah. Nagyaya tapos iiwanan lang ako.

Pero nakita kong bumalik si Lucas. Akala ko pa naman ay iniwanan na ako.

"Akala ko iniwan mo na ako."

"No. Tara na at magdidiriwang pa tayo." Tinulak ako ni Lucas para naman hindi ako marunong maglakad.

"Magdidiriwang? Bakit? Ano nangyari?"

"Basta. Doon ko na lang sasabihin sa inyo." Sumakay na siya sa driver's seat.

Nagmamaneho siya papunta sa bahay ng dalawa kong pinsan. Pagkarating namin ay si tita Kris ang na sa may garden nila.

"Hello po, tita. Sina Ethan at Nathan po?" Tanong ni Lucas.

"Si Ethan nasa kusina pero si Nathaniel ay tulog pa hanggang ngayon."

Bumuntong hininga na lang ako.

Tulog mantika talaga si Nate kahit kailang.

"Hindi na po nakakapagtataka yun, tita. Tulog mantika si Nate."

Pinagtawanan pa nila akong dalawa.

"May lakad ba kayong apat?"

"Yes po." Masiglang sagot ni Lucas.

"Sige. Pasok na muna kayo."

"Tita, ako na po bahalang gumising kay Nate." Pagpresenta ko. Kaya humanda sa akin si Nate.

"Mabuti pa nga, Gavin."

Umakyat na ako sa taas. Tutal alam ko naman kung saan ang kwarto ni Nate ay kumatok na ako. Siyempre walang sasagot dahil tulog pa ang tao sa loob ng kwarto.

Pagkabukas ko ay sarap na sarap ang tulog ni Nate.

Pagkalapit ko sa kama ni Nate ay hinila ko yung unan sa may ulo niya. Nagising na si Nate na bad trip.

Sino ba naman ang hindi?

"Ano ba?!"

"Rise and shine, sleeping beauty. Wag ka na aasang may dadating na prince charming."

"Bwesit ka talaga, Gavin. Ang sarap ng tulog ko."

"Mamaya ka na matulog ulit kung wala ng araw." Lumabas na ako sa kwarto niya.

"Tae naman! Ano ba, Gavin!"

Ano na naman ginagawa ko? Lumabas lang naman ako ng kwarto niya.

"Mabaog ka sana! Bwesit."

Sira ulo itong pinsan kong ito ah.

"Ayos ka ah." Sabay batok ko kay Nate. Binigyan naman niya ako ng masamang tingin.

Almost Like A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon