Chapter 11

1.4K 40 0
                                    

Oh great! Umagang umaga nanggugulo na naman ang dalawa kong pinsan. Ano na naman kailangan nina Ethan at Nate ngayon?

Binatukan ko silang dalawa.

"Aray. Ang sakit noon, Gav ah." Reklamo ng dalawa.

"Um, twin. Pakisabi kay dad na umalis na dahil may kailangan pa akong kunin na supplies sa New York."

"Okay. Ingat ka na lang, twinny."

Pumunta na ako sa garahe para kunin ang motor ko. Sinuot ko na yung helmet.

Mamaya ko na lang siguro kukunin yung supplies sa New York. Pupuntahan ko na muna si Faye sa kanila.

Pagkapunta ko sa kanila ay nakita kong nagalalagay ng mga gamit si Faye sa truck ng kotse niya.

"Aalis ka?" Tanong ko sa kanya pagkaalis ng helmet.

"Yeah. Sinabi ko na rin kay papa na lilipat ako ng bahay simula ngayon."

"Bakit naman?"

"Natatakot ako pag nalaman nila ang tungkol sa pagbubuntis ko, Gavin."

"Pwede naman kitang samahan para sabihin sa kanila."

"What are you talking about? Hindi mo nga ako pinagutan."

"Yeah. Pero pwede naman magbago ang isip ko. Maybe I'm not ready yet pero nandiyan na rin yung bata, Faye. I will take the responsibility."

"You take the responsibility for the baby dahil kadugo mo ito. Paano naman ako?!"

"Of course, you too."

Sumakay na siya sa kotse niya.

"Faye, let's talk about our situation. Hindi yung tatakasan mo lahat na problema."

"You're right. Hindi naman habang buhay tatakasan ko lahat na problema."

Ngumiti ako dahil nakumbinse ko si Faye.

"May alam akong lugar kung saan ka pwede tumira na muna." Nilagay ko yung motor ko sa isang tabi at doon ko na muna pinarada.

"Saan naman?"

"Give me the key of your car." Inilahad ko ang palad ko at binigay naman niya sa akin ang susi ng kotse niya.

-----

"A condominium?" Pagtataka ni Faye pagkarating namin sa condo.

"Yep. My uncle Jared owned this condominium, Faye. Kaya dito ka na muna titira."

Pumasok na kami ni Faye sa loob.

"Good morning, sir, ma'am." Bati ng security guard sa amin.

"Wow. Hindi ko naman inaasahan ang ganda pala rito."

"Of course it is." Naglakad na ako patungo sa elevator.

"Hindi ba dapat humingi na muna tayo ng susi para sa unit?"

"No need. I have my own unit here."

Noong nakarating na kami sa fourteenth floor. Naglakad na kami papunta sa unit ko.

"And we're here.." Kinuha ko na yung susi sa bulsa at binuksan ko na yung pinto. "Come in."

"You gotta be kidding me?!" Natatawa na lang ako sa naging reaksyon ni Faye. "Paano ka nga pala nagkaroon ng unit?"

"Niregalo sa akin ni uncle Jared ang isang unit dito at ito na iyon. Pero hindi naman ako dito nakatira."

"Siguro naman wala ka naman dinadalang babae rito, 'no?"

Almost Like A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon