Chapter 9

1.4K 48 3
                                    

Five years later...

Nagiging maayos ang pagsasama nina Lucas at Skye. Lalo na may anak na silang dalawa.

Nagkaayos na rin kaming dalawa basta wag na niya ulitin ang ginawa niya noon.

Noong nasa ospital si ninong Zach ay bumisita kami pero nakikita sa mga mata ni dad ang lungkot. Kaibigan kasi niya kasi ang nandito.

Pero ilang buwan rin noong magising si ninong Zach.

Tomorrow night...

Pinapunta kaming lahat dito sa garden ng ospital. Alam kong may balak magpropose si Lucas kay Skye ngayon araw.

Napatingin ako kay Faye. Ang ganda niya talaga. Siguro ngayong araw na ang tamang panahon para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.

Pagkatapos ng pagpropose ng kaibigan ko ay masaya ako para sa kanila. Nakikita ko naman mahal ni Lucas si Skye at nandiyan na sa buhay nila si Ashton.

Lumapit ako kay Faye dahil magisa lang siya habang yung ibang tao ay busy.

"Faye." Tawag ko sa kanya pero ni hindi niya ako nilingon.

"Faye, for the last time... kausapin mo naman ako. Sana ngayong gabi ay kausapin mo ko."

"Ano naman ang gusto mong pagusapan? Hmm?" Naka-cross arms siya habang nakakunot ang noo niya.

"Uh, can we meet at the bar tomorrow night? Promise, after this hindi na kita guguluhin pang muli."

"Fine. But this is the last, Gavin."

"Yeah. Promise."

Bumuntong hininga ako pagkaalis ni Faye. Ito na nga ba ang huling pagkikita namin? Hindi ito ang inaasahan kong mangyayari.

Nandito na ako ngayon sa bar at hinihintay ang pagdating ni Faye.

Pero ang tanong, dadating ba siya kahit alam ko naman napilitan lang siya sa sinabi niya.

Nakaupo lang ako sa bar stool at umoorder lang ako ng mga maiinom.

Marami nga lumalapit sa aking babae pero dinededma ko lang silang lahat.

"What do you want to talk about?" Napalaki yung mga mata ko noong marinig ko ang boses niya. Hindi ba ito panaginib? Tumingin ako sa kanya nakaupo na siya sa tabing bar stool. Dumating nga si Faye.

"Thank you for coming."

"Ano ba ang gusto mong pagusapan?"

"Alam kong nasaktan kita noon at hindi sapat ang paghingi ko sayo ng tawad pero sorry sa lahat na sinabi ko sayo." Nakatingin lang ako sa shot glass na hawak ko. "Sa totoo niyan... mahal na mahal kita, Faye. Natatakot lang ako kung ano man ang isipin ng mga tao kung sina Luke at Skye ang magkatuluyan."

"What do you mean? Mahal mo ko? Pero sinaktan mo ko, Gavin."

"I know. That was a stupid decision I made. Kaya pinapunta kita dito para sabihin sayo na wag mo na lang siya sagutin. Nandito naman ako."

"Lasing ka na, Gavin." Tumayo na siya sa kinauupuan niyang bar stool.

"Please, Faye. Give me another chance."

Beryl's POV

Pinaiwan ko na muna sa parking lot ang motor ni Gavin. Kunin na lang niya bukas iyon.

Kung ganito kalasing si Gavin hindi siya pwedeng umuwi sa kanila dahil magagalit sa kanya si tito Greg.

Kahit may galit ako sa kanya ay nagaalala pa rin ako sa mangyayari kay Gavin.

Almost Like A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon