Chapter 20

1.4K 42 0
                                    

Gavin's POV

Ano na naman ginagawa niya rito? Kailangan ko yata pagbawalan siya pumunta na sa cafe namin.

She is not welcome here.

"Gav, sino siya?" Tanong ni Faye sa akin.

Kasama ko kasi ang magina ko ngayon. Ayaw ni Faye na sa condo lang silang dalawa ni Sean.

"Nobody, gorgeous."

"Okay, if you say so." Pumunta na si Faye sa bakantang table.

"Ano ang gusto mong kainin. Ako na bahala sa bill."

"Mamaya na ako kakain, Gav. Magtrabaho ka na muna."

"Okay. Babalik ako agad."

Umakyat na ako sa itaas para magsimula na sa trabaho ko. Kailangan ko agad matapos itong trabaho ko para makasama ang magina ko.

"Hindi ko pala nasabi kay Faye na wag niya kakausapin ang babaeng iyon. Baka awayin ng babaeng iyon ang fiancee ko." Tumayo na ako sa pagkaupo sa swivel chair bago lumabas sa opisina ko. Sumilip ako para tingnan kung kamusta na si Faye.

Everything is fine. Hindi naman lumapit si Gisille sa kanya. That's good.

Bumalik na ulit ako sa opisina para matapos na agad ang trabaho ko. Pero hindi mawala sa isip ko baka awayin lang niya si Faye.

Bumaba na ako pero this time ay kausap na ni Gisille si Faye. Lumapit na ako sa kanila.

"Tapos ka na sa trabaho mo?" Tanong ni Faye.

"Yeah, tinapos ko agad." Pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung paano ako matatapos kung naiisip ko ang tungkol sa kanya. Tumingin ako kay Faye. "May ginawa ba siyang kalokohan sayo? Inaway ka ba?"

Tiningnan lang ako ni Faye. Anong klaseng tingin iyan?

"Wala naman. Tinatanong lang niya sa akin kung may nakaupo sa bakante upuan."

Bakanteng upuan lang pala ang kailangan niya. Marami pa namang upuan na hindi occupy. Bakit dito pa niya naisipan? Tsk.

Tumingin ako kay Gisille nakatayo lang sa labas ng cafe. Gumagawa ba siya ng paraan para magalit sa akin si Faye? Kahit ano ang gawin niya ay hindi magagalit sa akin si Faye. Nagaaksaya lang siya ng panahon.

"May sinabi ba siya sayo, Faye?"

"Wala naman." Parang hindi nagsasabi siya sa akin ng totoo. Kailangan kong alamin niya iyon.

Beryl's POV

Naghihintay lang akong matapos ang trabaho ni Gavin pero may lumapit na isang babae sa akin. Ano naman kailangan niya sa akin.

"Hello there. Are you Gavin's girlfriend?"

"No. I'm his fiancee and his soon to be wife."

Imposible naman naging girlfriend ni Gavin ito dahil ang alam ko wala pa siya naging girlfriend.

"You know what..." May ngisi pa sa mga labi niya. "Don't rush to fall in love because even in fairy tales the happy ending takes place on the last page."

Si Gavin ba ang tinutukoy niya? At ano ang problema niya?

"Ciao." Lumabas na siya ng cafe.

Nakita ko na si Gavin naglalakad papalapit sa akin.

"Tapos ka na sa trabaho mo?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah, tinapos ko agad." Maraming akong gustong itanong kay Gavin pero hindi ko magawang tanungin siya. "Anyway, may ginawa ba siyang kalokohan sayo? Inaway ka ba?"

Tiningnan ko si Gavin. Bakit naman ako aawayin ng babaeng iyon? Ano ba siya ni Gavin? Kabit?

"Wala naman. Tinanong lang niya sa akin kung may nakaupo ba sa bakanteng upuan." Yeah, right. Ayaw ko naman talaga magalit pero hindi ko na mapigilan.

"May sinabi ba siya sayo, Faye?"

"Wala naman." Umiwas ako ng tingin sa kanya

"You know what, gorgeous. You better tell me the truth, hindi naman ako magagalit sayo kung sabihin mo sa akin ang totoo."

"Wala naman talaga. Tinanong lang niya ako kung girlfriend mo ba daw ako pero sinagot ko fiancee mo ko at soon--"

"You better keep away from her."

"Bakit naman?" Bigla tuloy ako kinabahan sa sinabi ni Gavin sa akin.

"Aaminin ko sayo.. I know her since college days at may gusto siya sa akin." Tiningnan ko siya ng masama. Wag niya sanang sabihin na naging girlfriend niya iyon. Mas maganda naman ako sa babaeng iyon. "Alam kong tingin na iyan, gorgeous. Wala kaming relasyon na dalawa dahil ikaw lang nilalaman nitong puso ko."

Ano ba iyan. Nagpapakilig itong si Gavin. Kinilig kasi ako sa huli niyang sinabi.

"You are not mad at me?"

"Yes, I'm not mad at you. Pero bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa kanya?"

"Because that is not important. Ni hindi ko nga alam kung paano niya nalaman nandito ako nagtatrabaho."

"Kilala ang Moon Cafe sa buong bansa at kilala rin ang pamilya mo na kayo ang may ari nitong cafe, Gavin."

"Sabagay, tama ka naman doon."

"Paano mo pala siya nakilala."

"Like I said I know her since college days. Kaklase ko siya sa isang subject."

Hindi na talaga ako magugulat kung may mga babaeng magkakagusto kay Gavin noong nagaaral pa kami. Sikat na basketball player itong si Gavin. Simulang sumali siya sa basketball club, siya ang MVP ng basketball team at wala nakakatalo sa school namin kung pinapasok na si Gavin. Masyado kasi magaling sa basketball si Gavin. Wala akong laban ng school namin na nilagpasan dahil palagi ako nanonood para suportahan ang school namin at siyempre pati rin si Gavin. Pero patago lang iyon.

"Hindi na ako nagulat kung maraming babae ang magkakagusto sayo. Gwapo ka, mabait, matalino, magaling sa basketball."

"Teka nga. Nagseselos ka ba kay Gisille?" Tumingin ako sa kanya. Ako? Magseselos? Alam ko namang may karapatan ako dahil kung ano ang akin ay akin.

"Yes, I'm jealous. Because what's mine is mine."

Nakita kong ngumiti siya si Gavin. Ano naman ang nginingitian ng lalaking ito?

Bahala na nga siya diyan. Iiwanan na namin siya sa cafe niya.

-----

"Bakit mo ko iniwan sa cafe kanina?"

"Naiinis ako sayo. Ngumingiti ka kanina kahit nakikita mong naiinis na ako."

"Alam kong naiinis ka kay Gisille pero hindi naman iyon ang dahilan ng pagngiti ko kanina. Ngumiti ako sa sinabi mo."

"Sinabi ko?" Tumango siya ng ulo. Sa dami ng sinabi ko. Alin doon? "Which one?"

"What's mine is mine." Iyan pala ang dahilan kaya siya ngumiti. "Pero wag ka magaalala sayong sayo lang ako."

"Talaga. Tandaan mo kahit anong oras pwede ako umuwi sa amin." Panakot ko sa kanya. Tumingin ako kay Gavin pero walang epekto sa kanya.

Gawin ko kaya?

No, baka magalit sa akin si mama pag nalaman niyang umalis ako sa condo ni Gavin. Alam kasi niya sa condominium ako nakatira pero ang hindi niya alam na magkasama kami ni Gavin.

~~~~~

Leave a comment and press ☆ to vote

Almost Like A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon