Chapter 17

1.3K 42 2
                                    

Beryl's POV

Nagulat ako noong nakita ko si papa na kasama ni Gavin.

"Anong ginagawa ni papa rito ah, Gav?"

"Gusto ka makita ng papa mo, Faye kaya sinama ko siya rito."

"Bakit hindi mo sa amin sinabi na nagdadalang tao ka, Beryl?"

"Sorry, pa."

"Maiwan ko na muna kayo para makapagusap kayo." Pumunta na si Gavin sa kusina.

"Sorry? Kaya ka ba nagpaalam sa amin na gusto mo tumira magisa para hindi namin malaman?"

Guilty.

"Ano, Beryl?"

"Yes po. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa inyo ang tungkol sa pagdadalang tao ko." Hindi ako makatingin ng maayos kay papa. Natatakot ako sa mangyari.

"Tumingin ka sa akin."

"Ayaw ko po. Natatakot ako baka galit ka sa akin."

"Hindi ako sayo galit... err, maybe slight dahil hindi mo sinabi sa amin." Dahan-dahan ko ng inaangat ang tingin kay papa. "Yung nagkaroon nga ng anak ang kapatid mo nagalit ba ako sa kanya noong nalaman ko?"

"Alam ko naman na marami kayong connections kaya niyo nalaman na may anak na si Luke."

"Yeah, maybe I have pero tinigil ko na iyon dahil hinahayaan ko na kayo. Malalaki na kayong tatlo."

"Ayos lang po ba sa inyo?"

"Yes, ayos lang sa akin dahil matagal ko ng alam na may gusto ka kay Gavin. Pero ang problema." Sabay kamot ni papa sa ulo niya. "Magiging reaksyon ng mama niyo. Alam mo naman OA minsan ang mama niyo."

Natawa ako sa sinabi ni papa. Tinawag niyang OA si mama. Pero tama naman si papa kasi noong nalaman ni mama na may anak na si Luke ay grabe. Kahit nga ako nagulat noong nalaman ko na may anak na si Luke at si Skye ang ina.

"Ang hirap kaya patahimikin ang mama niyo. Noong nalaman niya na may anak na si Lucas pinagsasapok ako."

"Sumbong kita kay mama."

"Don't you dare, young lady. Anyway, ang sabi sa akin ni Gavin ay lalaki daw ang anak niyo."

"Yes po. Wanna see him?"

"Yes. I want to see my grand son."

Pumunta na kami ni papa sa kwarto namin ni Gavin. Nakahiga sa crib si Sean at ang sarap ng tulog.

"I hate to admit this pero kamukha niya si Gavin."

Ang sama ni papa. Anak naman talaga ni Gavin si Sean.

"Hindi ko talaga alam ang magiging reaksyon ng mama niyo pagnalam niya ang tungkol kay Sean, Beryl. Kahit si Greg namomoblema rin kung paano niya sasabihin kay Yza."

"Paguusapan po muna namin ni Gavin, pa tapos sabihan ko na lang po kayo ni tito Greg."

"Okay. Kailangan niyo talaga sabihin sa mama niyong dalawa."

Nakauwi na si papa dahil tinawagan na siya ni mama.

"Gav, kailangan natin magusap."

"Okay. Tungkol saan naman?"

"Kailangan na kasi natin sabihin sa mama natin ang tungkol kay Sean. Kaya napagisip ko kanina na magkaroon tayo ng dinner."

"Okay. I like that idea. How about tomorrow?"

"Yep, bukas. Wala naman pasok bukas kaya kakausapin ko na si papa na bukas may dinner tayong lahat."

Pagkatapos namin kumain ay kinuha ko ang phone ko nakalagay sa side table. Habang naliligo si Gavin tatawagan ko na si papa.

Almost Like A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon