Special Chapter

1.7K 39 0
                                    

"Hey, gorgeous." Tumingin ako kay Gavin. Nitong nakaraang buwan nagiging sweet sa akin si Gavin. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng lalaking ito. May kasalanan siguro. "Pupunta ako kila Ethan ngayon."

"Sino kasama mo?"

"Si Nate at Luke."

Pinayagan si Skye na sumama si Luke sa kanila?

"Pati rin pala si Gio."

Huh? Kahit rin si Star pinayagan si Gio. Ano naman kaya ang gagawin ng lalaking ito?

"Wag ka magalala sa bahay lang kami nila Ethan."

"Okay. Pwede kang pumupunta sa kanila pero umuwi ka bago gumabi. Kung ayaw mo matulog sa labas."

"Yes, ma'am." Hinalikan ako mo Gavin sa pisngi bago lumabas ng bahay.

Nitong nakaraan buwan kasi nakahanap ng lilipatan si Gavin. Hindi nga sinabi sa akin na may balak siyang bumili ng bahay para sa amin.

Malapit na pala ang birthday ni Gavin. Ano kaya ang maganda regalo sa kanya?

Bukas na ang birthday ni Gavin pati rin ni Star. Kambal nga sila kaya pareho ang birthday nila.

Nagkita kami ngayon ni Star dahil nagtatampo daw siya kay Gio na hindi naalala ang birthday niya.

"Beryl, ang swerte ng kakambal ko sayo."

"Bakit naman?"

"Dahil naalala mo yung birthday ng asawa mo. Hindi katulad noong akin, kinalimutan ni Gio." Huminga ng malalim si Star:

"Malay mo may surpresa sayo ang asawa mo, Star." Tinapik mo ang likuran niya. "Kaya wag ka na malungkot."

Bigla ko naalala, wala pa pala ako naisip na maganda iregalo kay Gavin.

"Uh, Star." Tumingin sa akin si Star. "Dahil ikaw naman ang kakambal ni Gavin. May alam ka bang na gusto ni Gavin na makuha?"

"Gusto ni twinny?" Hinawakan ni Star ang kanyang baba para magisip. "I don't know. Wala naman kasi hinihiling si Gavin noon. Bakit hindi mo siya tanungin?"

"Magkakaroon siya ng ideya kung ano ang ireregalo ko sa kanya."

"Sabagay tama ka." Nilabas niya ang kanyang phone. Sino kaya ang tatawagan o tetext nito? "May ideya ako."

"Ano naman iyon?"

"Itetext ko si Gavin para alamin."

Tumayo ako sa kinauupuan ko at tumabi kay Star. Nagsimula nang magcompose ng message si Star kay Gavin. Maya maya pa ay nagreply na si Gavin sa kanya.

From Gavin,

Sino nagtatanong?

Nagreply ulit si Star sa kakambal niya. Tinitingnan ko lang ang paguusap ng kambal na ito.

To Gavin,

Basta. Wag ka magtanong kung may tinatanong ako sayo.

From Gavin,

Wala naman akong hihilingin pa, twin. Natupad na rin naman ang gusto ko. Ang makasama si Faye at hindi lang iyon dahil dumating pa si Sean sa buhay namin. :)

Nagulat ako sa reply ni Gavin. Tumingin ako kay Star.

"Bakit hindi kaya bigyan mo ng isa pang anak si kambal?"

"Huh? Err.. Ano kasi.. Ang sabi ng doctor ko baka daw mahirapan na ako manganak."

"Eh? Ganoon? Kahit hindi sabihin ni Gavin na gusto niya pang anak.. kilala ko ang kakambal kong iyon."

Almost Like A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon