Chapter 4

1.4K 51 0
                                    

Gavin's POV

Bukas na ang birthday ni Skye kaya excited na si daddy. Paalala ko lang hindi si daddy ang may birthday ah. Si Skye ang may birthday. Ewan ko ba kung bakit si daddy ang mas excited.

Nabalitaan ko rin na magiging escort ni Skye si Lucas. Patay! Ayaw pa naman makita ni Skye si Lucas.

Bahala na nga.

Nakita ko si Skye nakatayo lang sa may sala namin. Lumapit ako sa kanya.

"Lil sis." Lumingon siya sa akin. Bahala na kung ano ang magiging reaksyon niya pag sinabi ko sa kanya ang tungkol sa magiging escort niya. "Sorry, nawala sa isip ko."

"Bakit, Gavin?"

"Magiging escort mo si Luke." Napalaki ang mga mata nito. Sana hindi ako mapatay ni Skye.

Two days before, nakita ko si Lucas kausap si daddy at narinig ko ang pinagusapan nilang dalawa. Gusto ni Lucas maging escort ni Skye sa debut niya... pumayag naman si daddy.

Hindi ko alam kung bakit pumayag si daddy.

"What?! Seryoso ka ba diyan?"

"Yes, lil sis."

"Argh! Ayaw ko na magbirthday kung siya lang ang escort ko."

Wag naman ganoon. Sayang lahat na pinaghirapan ni daddy kung hindi matutuloy ang birthday ni Skye.

Everything is fine. Promise.

Kinabukasan, abala si daddy sa kusina dahil siya ang gumagawa ng cake. Naalala ko tuloy noong seventh birthday namin ni Star, sarap na sarap ako sa cake. Akala ko nga binili nila daddy sa bakery pero ang totoo pala gawa ni daddy iyon. Kaya simulang bata ako gusto ko maging si daddy. Nagaral ako magluto at magbake pero hindi naman ako sa restaurant magtatrabaho kaya ayos lang.

Tinulungan ko si mama magayos ng garden para mamayang gabi.

"Gavin... anak." Tawag sa akin ni mama habang nagaayos ng mesa at ako naman nagkakabit ng banner sa may stage.

"Bakit po?"

"Alam kong magkaibigan kayo ni Lucas pero simulang bata ka pa lang ay kasama mo palagi si Beryl."

"Ma, hindi po ako si Star. Si Star po ang kaibigan niya, hindi ako."

Iniiwasan ko ang tanong na iyon, eh. Ayaw ko naman sabihin sa kanila na galit sa akin si Faye dahil sa nangyari noon.

I rejected her. Hindi ko sinasadya sabihin iyon sa kanya.

Nagulat lang siguro ako kaya iyon ang lumalabas sa bibig ko.

"Hindi mo ko maloloko, Gavin. Nagaway ba kayo ni Beryl?"

"Ma naman." Nilingon ko si mama nakatingin na pala sa akin. "Wala naman pong dahilan para magaway kaming dalawa ni Faye. Pero si Star naman po ang palagi niyang kasama hindi ako. Si Star po dapat ang kausapin niyo."

Ayaw ko na rin kasi maalala yung huling sinabi sa akin ni Faye. Dahil iyon ang unang araw na sinigawan at minura niya ako.

Almost Like A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon