"Natapos din ako! Yahoooooo!" sabi ko sa sarili ko ng matapos ko na yung trabaho ko. Finally, makaka-uwi narin.
"Boss! Eto na yung pinapagawa mo saken natapos ko na. Oyan ah, 2 days before the deadline ako nag-submit sayo. Check mo na baka may kailangan pa ko palitan."
Ang ayos ko makipag-usap sa boss ko no? Oh well. 2 years lang din kase ang tanda niya saken at parang barkada lang din namin siya sa opisina. Pero pag trabaho, trabaho talaga. Boss kung boss. Kaibigan kung kaibigan.
"Kung maka-utos ka naman, Ali. Ako ang boss hindi ikaw."
"Sabi ko nga e. Oh boss, una nako ah? Over time nako. Dagdag sweldo yan!"
"Sa swelduhan kana maningil. Sige na, makakauwi kana. Ingat ka."
"Yes boss, salamat! Ingat din kayo pauwi." Ngumiti lang ako sa boss ko nun at umalis narin.
Bago tuluyang umuwi, naisipan ko naman dumaan muna sa Mcdonald's ng makabili ng dinner. Nag-take out naman ako nun at nag'lakad na pauwi.
Nagulat naman ako nung pumasok ako sa building ng condo ko kasi may pinatugtog silang kanta. Ano yun? Edi Broken Strings naman. Namiss ko tuloy si Kristen.. pati narin si Travis kahit papano.
Pag dating ko naman ng condo, binuksan ko agad yung laptop ko at laking gulat ko ng makita kong may e-mail si Kristen sakin.. pero bago ko pa man mabasa, may nag-doorbell na.
Pumunta naman ako sa pintuan at nagulat ng...
"Surprise, Aliyah!"
"OMG, Kristen!!!" Napayakap naman ako sa kanya agad nun.
Si Kristen ay isa sa mga close friends ko mula college. Isa siyang animator slash graphic artist sa kumpanyang pinapasukan nya.
"Kristen! Grabe, parang kanina lang naalala kita tapos pagbukas ko pa ng laptop nakita kong may e-mail ka sakin tapos ngayon andito kana. Wow grabe lang!" pinapasok ko naman siya at umupo kami sa sala.
"Galing ko no? Bilib ka na ba?" sabi ni Kristen sabay upo.
"Oh teka, naligaw ka nga pala?" pagtatakang tanong ko.
"Kakamustahin lang sana kita. Bakit bawal?"
"Nagtatanong lang ako e. Oh teka, kumain ka na ba? Di mo sinabing darating ka, nabilhan sana kita ng pagkain."
"Deh sige, ayos lang. Kumain nako. Pahingi nalang ako ng tubig."
"Sige, wait lang kuha lang ako."
Pumunta naman ako kusina para kumuha ng tubig at konting makakain narin. Pagbalik ko ng sala, nakita ko nalang siyang tinitignan ang mga picture frames na naka-display dun.
"Uy! May picture sila ni Travis dito. Ikaw na!" sabi ni Kristen ng makita nya ko pabalik ng sala.
"Ano naman bang masama kung may picture kami ni Travis dyan? Meron din naman tayo dyan ah? Tsaka mag-kaibigan parin naman kami."
"Uy! Defensive siya." sabay tawa ng wagas ni Kristen. Minsan talaga may topak tong babaeng to.
"Uminom ka na nga lang dito!" inabot ko lang ung tubig niya at konting pagkain tapos umupo na kami.
"May komunikasyon pa ba kayo ni Travis?" bigla niyang tanong kaya napatingin ako bigla sakanya.
"Tss, wala na. Hanggang like at konting komustahan lang kami sa Facebook nun. Kayo ba?" nag-shrug lang sya saken.
"Wala narin e. Tinetext ko naman minsan kasi may utang pa saken yun pero di naman nagrereply."
"Baka iba na number niya? Tinry mo naman ba sa Facebook i-message?"
"Wala din akong napala."
"Tss. What's new? Ganyan naman talaga siya ever since e. Di ka pa nasanay." bitter kong sagot. Eh sa totoo naman kaya.
"Nakakainis talaga yung lalaking yun. Sarap tirisin!"
"Wag naman! Chill ka lang."
Natahimik nalang kami pareho nun. Nagkwentuhan naman kami habang kumakain ako ng dinner sa sala at nanonood ng TV.
"Aliyah, may tanong ako." Biglang tanong ni Kristen sa kalagitnaan ng paguusap namin.
"Ano yon?"
Tinignan niya ako ng medyo may kahulugan bago sinabing, "Mahal mo parin siya noh?"
Nabilaukan ako bigla sa sinabi niya kaya inabutan naman niya ako agad ng tubig.
"Ayos ka lang? Sobra ka naman gutom nabibilaukan ka pa."
"Pwede ba, dun ako nabilaukan sa tanong mo. Anong klaseng tanong naman yun?!" sabi ko nung okay nako.
"Eh curious lang naman ako." sabi ni Kristen habang hinihimas ung likod ko.
"Pwede ba. Bat bigla mo naman natanong yan?! Antagal nang panahon ang nakalipas."
"Eh malay ko ba, baka siya parin ang may-ari ng puso mo." napataas namang tuloy ako ng kilay sa kanya.
"Nako! Yung mapag-malaking lalaking yon?! Yung ignoranteng yon? Pwede ba. Tsk."
"Halata kang di pa moved on. Ang bitter mo." nanlaki naman mata ko sa kanya nun sa sobrang gulat. Psh!
"Oy! Hindi ah."
"Hindi daw, eh kung makareact ka naman dyan."
"Kumakain ako wag kang istorbo dyan baka mabilaukan nanaman ako." sabi ko sabay subo uli.
Natahimik naman siya sandali.
"Eh pano kung makasalubong mo sya one time?" tanong uli ni Kristen.
"Sabi nang---?! Pwede ba, hindi mangyayare yun ok. Hindi ganun ka-liit ang mundo saming dalawa. Tsaka sabi ko nang kumakain ako kaya tumahimik kana diyan!"
"Sabi ko nga manonood nalang ako e."
Natahimik naman kaming dalawa nun. Napansin ko naman ung isang maleta dun sa tabi.
"Teka, may dala kang maleta?!" napatingin naman siya sakin nun at nasamid pa.
"Hindi mo pa ba nabasa yung e-mail ko sayo?!" napa'isip naman ako nun. Onga, hindi ko pa pala nabasa.
"Ano bang sabi mo dun?"
"Eh kasi, makikitira muna sana ako sayo dito. Nalipat kasi ako dyan sa malapit sa opisina mo. Eh ikaw lang naman kilala kong nakatira dito kaya sige na naman!" sabi ni Kristen with matching puppy dog eyes pa.
Humalukipkip ako habang naniningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Nagmakaawa naman siya sakin. Wala naman problema sakin dahil close naman kami netong si Kristen kaya napabuntong-hininga nalang ako.
"Ok, sige. Ayos lang naman sakin basta ba share tayo sa gastos ha! Walang libre dito. Mahirap na ang buhay."
Nag-ningning naman ang mga mata ni Kristen sa sinabi ko. Itinuro ko naman sa kanya ang magiging kwarto niya at hinayaan siyang mag-ayos ng kanyang gamit habang ako ay bumalik sa pagkain.
Nang matapos ako ay pumunta ako sa sala para magpahinga at manood ng tv. Di kalaunan ay naupo narin sa sala si Kristen at sinamahan ako sa panonood.
"Musta na pala barkada mo?" Tanong ni Kristen sa kalagitnaan ng panonood namin ng isang movie.
"Buhay pa naman sila." Sabay bato naman niya ng unan sakin. "Aray! Bakit ba?!"
"Malamang buhay pa. Nagkikita pa ba kayo ng mga yun?" tanong ni Kristen sabay irap.
"Oo naman. Speaking of, sa Sabado lalabas kami sama ka." aya ko naman sa kanya sabay baling ko ulit ng atensyon sa tv.
"Ayoko nga!" sigaw niya.
"Sige, maiwan ka dito kasama yung mumu." nanlaki naman mata niya sa sinabi ko sabay upo ng maayos.
"Sabi ko nga sasama ako e. Iiwan mo ko dito? Di kana naawa."
Natawa naman ako sa kanya at napa-iling nalang. Nag-simula naman kaming mag-kwentuhan at mag-reminisce ng college days namin. Hindi narin namin natapos ang movie na pinapanood dahil sa pagkukwentuhan.
BINABASA MO ANG
You and I
RomanceMahirap kasi yung pinapa-paniwala mo yung sarili mo sa bagay na hindi naman totoo. Pinapaniwala mo yung sarili mo sa kwentong hindi para sa'yo. Yung pinipilit mo yung gusto mo sa hindi naman pwede. Pwede bang palitan yung nakatakda sa'yo?
