NINE: Ang Bata

393 6 3
                                    

Gulat na gulat naman sya sa tanong ko nun. Halata e. Nanlaki yung mata, napa'one step back tapos tinuturo ako. Hahahaha! That is so her. :))

“Sinaniban kana ba ni Travis?! Waaaaah, nooooo~” napa'iling lang ako kay Kristen nun at natawa.

“Adik ka Kristen! Eh kase naman kung maka'react ka dyan wagas.” Tumayo uli sya ng diretso nun at nag-cross arms narin. Gaya-gaya lang? Haha.

“Masama na ba mag-react ngayon? Malay ko bang ex-MU yung sinasabi mo. Sana naman kasing nililinaw mo diba?” edi kasalanan ko na nga.

“Tara na nga mag-milk tea na tayo!” sabi ko sabay akbay kay Kristen. Bago maglakad napatingin uli ako sa flower shop.

“Aaahhh! Nawala na si Alden!!!!” panic ko pero pabulong parin yan. Hahaha! Nataranta kami pareho ni Kristen at tumingin sa paligid para hanapin si Alden.

“Hindi ko na sya makita. Nakaalis na nga agad??” sabi ni Kristen habang tumitingin parin sa paligid. Tumingin uli ako sa flower shop at andun parin si Rose.

“Hayaan na natin. Tara na!” sabi ko sabay hatak uli kay Kristen. Mahilig talaga ako mag-hatak! Hahaha.

“Nakita kaya tayo nun?” sabi nya sabay tingin saken. Nagkibit-balikat lang ako.

“Hindi ko alam. Hindi naman siguro.” Tumango lang si Kristen nun.

“Haaayyy.. sana hindi.” Napatingin ako kay Kristen at tinignan nya ko ng masama. Edi hindi nako iimik kase. :| Hahaha.

Bumili lang kami ng milk tea nun at umuwi narin. Wala naman nangyare nung sabado. Tinapos ko na ung report ko about sa 1st week ni Travis sa trabaho buong araw bukod sa minsan natutulog lang ako at sumasayaw pag pang-disco ang nag-play sa iTunes.

“Aliyaaaaaaaah~” sigaw ni Kristen na medyo mahinhin. Eh? Anong meron?

Sunday na ngayon at naghahanda nako para sa birthday party ni Jonash. Lunch kase yun hanggang gabi. 12 noon nga ang start e. 11:30 na pero di pako tapos mag-ayos. Napuyat ako dun sa report. Tsk!

“Baket Kristen Greeeeey?” sigaw ko mula sa kwarto. Nagulat naman ako ng bigla sya sumulpot sa likod ko.

“Hindi ka pa tapos dyan?” chineck ko lang nun kung maayos naman yung pagkaka'kulot ng buhok ko tapos humarap nako sa kanya.

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon