Lumipas ang mga araw at hindi ko namalayan na Sabado na. Imi-meet namin ang barkada mamayang hapon kaya agad din namin tinapos ni Kristen ang mga gawaing-bahay namin.Ng mga bandang 5pm na ay dumiretso na kami sa isang KTV bar na lagi naming pinupuntahan ng barkada.
"Buti naman at nandito na tayo. Tara na't baka masabihan pa tayong late." Sabi ko kay Kristen pagbaba namin ng taxi.
"Tayo hindi late. Sila kaya?" Taas-kilay na tanong ni Kristen sakin.
"Ano ka, nandyan na kaya sila. Tayo na ata tong huli. Girl, people change. Punctual na sila ngayon." Sabi ko sabay lakad papasok ng bar. Sumunod naman siya sakin habang hinahanap namin pareho ang room ni nireserve para sa amin.
"Akalain mo nga naman matututo sila maging on time?" Bulong niya sa sarili niya. Natawa naman ako at napa-iling.
Hindi nagtagal ay nahanap din namin ang room kaya't kumatok muna ako bago binuksan at pintuan at pumasok.
"Hi guys!!! Did you miss me??" bati ko naman nung makita ko na sila sabay yakap ko agad kay MJ my labs.
"Uy, Kristen!" sabi naman ni MJ ng mapansin na may kasama ako.
"Ah oo nga pala, kasama ko si Kristen." Yumakap din naman agad si MJ kay Kristen.
"Hoy MJ, kung maka-react ka wagas. Andito ako kaya wag kang ganyan."
"Ay, oo nga pala. Caught in the act nanaman ako. Sorry bebs!"
Etong si MJ, ang asawa ko kunwari. Sinasakyan lang namin ang trip ng isa't isa e. Kaya mahal ko din talaga tong si MJ na isang businessman.
Binati at niyakap ko naman sila isa-isa. Puro lalaki ang mga ka-barkada ko. Well may mga babae din kaso out of this world na sila. Meaning nasa ibang bansa. Only girl in the world ako lagi pag lumalabas kami. Pero nasasabayan ko naman sila kase ako lagi ang nasusunod. Sabi nga nila, ako ang reyna nila.
"Oh, wala pa si Craeyon?"
"Nakikita mo ba, Ali? Malamang wala pa." Pagsusungit ni Alden.
"Hay nako, Alden. Ang aga mo mag-sungit. Tong si Joms, nananahimik nanaman."
"Ah hindi may iniisip lang ako." Sagot ni Jomari sakin.
"Barkada day to, hindi trabaho day pwede ba. Happy happy tayo dapat." sabi ko kay Jomari.
Umupo naman ako sa gitna at tinignan ang songbook. Tumabi din naman sakin si Kristen habang sinimulan na ang pagkain.
"Nag-CR lang pala si Craeyon, bebs." sabi ni MJ sakin pagka-upo namin.
"Ah sabi na e. Bastos ka talaga Alden." sabay tingin ko kay Alden ng masama.
"So?" sabay irap saken ni Alden.
"Che! Sunget. Hoy Kristen magsalita ka naman dyan. Tawa ka ng tawa e." sabay harap ko kay Kristen na tahimik na tumatawa sa tabi ko.
"Ano?! Eh pano kaya hanggang ngayon para parin kayong ewan." sabi ni Kristen nung matigil siya kakatawa.
"Salamat Kristen ah? Puring-puri kami dun."
Umorder pa kami ng pagkain nun at sinimulan narin ni MJ ang pagbirit niya sa karaoke. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Craeyon.
"Nandyan kana pala, Ali." Bati ni Crae. "At may kasama ka pang iba." Sabay yakap niya saming dalawa ni Kristen.
"Bat ganyan buhok mo?!" Napatingin naman kaming lahat sa reaksyon ni Kristen. Natatawa nga ako ang OA e.
"Napano buhok ko? Kaka'ayos ko lang neto sa cr e." tapos inayos uli nya ng konti nung medyo maharap sya sa salamin.
"Parang si Sasuke! Hindi.. mas maganda pa sa buhok ni Sasuke!" at tawa nalang kami ng tawa nun kay Kristen.
BINABASA MO ANG
You and I
RomanceMahirap kasi yung pinapa-paniwala mo yung sarili mo sa bagay na hindi naman totoo. Pinapaniwala mo yung sarili mo sa kwentong hindi para sa'yo. Yung pinipilit mo yung gusto mo sa hindi naman pwede. Pwede bang palitan yung nakatakda sa'yo?