Nananaginip ba ko o binabangungot lang talaga? Grabe gising naman ako diba? Eh bat parang nasa dreamland parin ako?
"Dineez!" napatingin naman ako kay boss nun. Ew! Did he really call me "Dineez"?!
"Boss naman! Ali ang itawag mo saken. Bat naman Dineez pa?" reklamo ko.
"Eh wala ka sa sarili mo. Teka, magkakilala kayo?" napatingin naman ako kay Travis nun habang nakangiti at binaba na nya ung kamay nya bago ko pa sya makamayan. Eh sa nagulat ako?!
"Classmates."
"Friends." Sabay naming sagot. Nagkatinginan kami.
"Uh, naging classmates kami then friends." sabi ko.
"Close friends." pagtama ni Travis. Oh, yea? I didn't know, huh. Nginitian ko lang sya nun. A fake one though.
"Great! Edi hindi ka mahihirapang mag-adjust dito at hindi kayo mahihirapan sa isa't isa. Lalo na at etong si Ali ang mago'observe sa performance mo. Kahit ganun sana naman hindi ka maging bias sa trabaho, Ali ha." Halalala. Ano ba naman tong si bossing oh.
"Boss naman~ Kelan ba ko naging bias? Pero hindi ba pwedeng iba nalang i'assign mo dyan? Eh diba boss may mga projects ka pa na pinapaasikaso saken?" boss please pumayag kana.
"Aba teka, kinokontra mo nanaman ako. Sinong boss sa ating dalawa?" Sabi ko nga diba.
"Boss naman. Alam mo namang close tayo diba? Eh alam mo namang hindi ko linya yung trabaho nya. Paano ko mao'observe ng maayos yun?" pagrereklamo ko.
"Eh hindi mo naman first time mabigyan ng ganyang assignment ah."
Teka! Isip.. isip.. huh?
Isip ule.
Isiiiip.. hmmmmm..
Hindi ko ba talaga first time?
Isip uli.. think hard!
Aaahhh~ Shiz!
Oo nga tama si boss. Ajujuju! Walang lusot. T_T
"Grabe! Makakalimutin na talaga ako ngayon. Pasensya naman." sabi ko sabay tawa.
"Alam ko naman bitter ka dun kaya di kita masisisi dyan. Ah!" Oh my~ napatingin naman ako sa kanya at napalo nya ung palm nya sa noo nya. Naku! Maling-mali ang linya mo dun boss.
"Sge boss ako na bahala dito kay Travis." Natahimik lang ako nun.
"Ah, osige. You know what to do with him. Goodluck on your first day Mr. Castro. Enjoy your stay in this company. I'll see you around!" tumango lang kami kay boss tapos ay hinila ko na si Travis palabas pero tinawag ulit ako ni boss bago pa kami tuluyang makalabas.
"Ano yun boss? May bilin kang pahabol?" tanong ko.
"No. Ah, I just want to say sorry about what I said." Tumango lang ako at ngumiti.
"Wala yun boss. Di nako apektado dun. Sge boss mauna na kame." Ngiti ako ng konti at ngumiti din sya. Tumango sya nun at tinalikod na niya ung upuan nya at lumabas na kami.
Ok now what to do? Don't get me wrong ah. Di naman sa ayaw ko yung trabaho na binigay saken it's just that si Travis ang kasama ko. Like hello! It's TRAVIS we're talking about here. Eh sya lang naman ang rason kung bakit naging FRIENDZONED ako dati. Pero teka—OA nun. Pero parang ganun narin. Ah basta! Malabo. PERIOD!
"Oh, krung Ali! Starbucks coffee mo nandito na." sigaw nung isa kong officemate. Ngumiti lang ako nung inabot saken yung coffee at nag-thank you.
"Thanks krung! Oh ikaw, nasaan na ung folder mo?" tanong ko kay Travis sabay harap sa kanya. Inabot naman niya sakin yun at tumingin sa paligid niya habang ako naman ay naglakad na. Sumunod naman sya.
BINABASA MO ANG
You and I
RomanceMahirap kasi yung pinapa-paniwala mo yung sarili mo sa bagay na hindi naman totoo. Pinapaniwala mo yung sarili mo sa kwentong hindi para sa'yo. Yung pinipilit mo yung gusto mo sa hindi naman pwede. Pwede bang palitan yung nakatakda sa'yo?