SIX: We Meet Again

492 4 1
                                        

Ano ba yan! Bat parang pasakit ang buhay ko ngayong araw ah. Tsk! Tinignan ko lang sya nun at mukhang napa'isip sya dun sa tanong ko. Sakto naman, bumukas na yung elevator at lumabas kami.

“Sumama kana. I think Kristen will be thrilled to see you.” Sabi ko sabay ngiti. Napangiti rin naman sya.

“Tsk! Sige na nga, tara na.” sabi nya sabay ngiti saken. Tumango lang ako at tinext si Kristen na papunta nako sa opisina nya.

Nung makarating kami sa parking lot, nagulat sya nung makitang may kotse ako.

“Oh baket?”

“Malayo ba bahay mo ditto kaya nag-kotse ka pa?” tanong nya. Naka'kunot naman ung noo ko nun.

“Oo. Baket?” napa'iling lang sya nun at natawa. Naguluhan naman ako.

“Wala. Ako na magda-drive.” WEH.

“Marunong ka?” tinignan naman nya ko nun ng nakakaloko. Tumawa ako. “Joke lang to naman. Alam kong marunong ka noh. Tara na nga!”

Binigay ko naman susi sa kanya tapos pumasok na kami ng kotse at nag-seatbelt. Sinabi ko naman kung saan namin dadaanan si Kristen nun at tumango lang sya saken.

“Nasan nga pala yung kotse mo?” tanong ko habang busy sya nagda'drive. Ang awkward kase nung silence naming dalawa.

“Di ko dala e. Feel ko lang mag'commute sa first day ko. Napaaga rin kase ako tsaka para tipid sa gasolina.” Tss. Kuripot talaga to minsan.

Nagkwentuhan lang kami nun tungkol kay Kristen at kung bakit andun sya hanggang sa makarating kami ng opisina niya. Pinag-park ko si Travis nun sa kanto tapos sabi ko hintayin nya kami dun sa kotse para naman masurpirse si Kristen. Nilakad ko naman nun tapos nakita ko si Kristen na naghihintay sa lobby ng building nila.

“Kristen!” napatingin naman siya saken nun habang tumatakbo ako palapit sa kanya.

“Oh? Bat tumatakbo ka?! Nasan ung kotse mo?! Na'carnap ka baaaa? Rape?!” huminga muna ko nun tapos tumawa. Nung na'compose ko na yung sarili ko hinatak ko na sya palabas pero tumigil din kami.

“Adik ka talaga! Praning ka din e noh? Pinark ko lang sa kanto ung kotse.” Tapos nun hinablot ko na sya para maglakad na. Yumakap naman ako sa braso nya at binagalan ng konti ung lakad.

“Oh napano ka? Bat ko mo pa pinark ung kotse mo sa kanto naman?” reklamo nanaman.

“Eh gusto ko lang mag-lakad. Buong hapon nakong naka'upo e. Musta pala first day mo?”

“Hmm ok. Ako rin nga e. Pero masaya naman. Ang babait ng mga tao ditto tapos first day palang ang dami ko na natutunan.” Tumango-tango naman ako nun.

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon