“Kristeeeeeeeeeeeeeeeen~ utang na loob!” sigaw ko mula sa sala. Nagmadali naman syang lumabas ng kwarto nun at nag-aayos pa ng gamit halatang natataranta na.
Friday na ngayon. Oo, 4 days narin ung nakalipas after nung “shocking” question ni Travis sakin. Wanna know what happened?
Hindi ko nasagot ung tanong nya. Baket?
Hindi dahil sa wala akong masagot kundi umeksena na si Kristen. As usual, pag ganung scene laging sumasakto tong si Kristen na panira. Haha! Pero ayos lang, hindi ko rin naman talaga alam ang isasagot kay Travis nun e.
“Sandali naman! Napuyat ako kagabe e.” at siya pa talaga napuyat ngayon?
“Paanong napuyat nauna kapang natulog saken?”
“Eh hindi naman ako agad nakakatulog dibaaaa.” Eh sabi ko nga eeeh. -___-
“Matagal ka pa?”
“Tara na!” sabay takbo at hila saken.
Hinablot ko naman ung gamit ko nun sa sofa at sinara na ung condo ko. Naglakad naman kami papuntang elevator nun at pagsakay ng elevator ay may naalala akong sabihin kay Kristen.
“Mamaya pala after work, bili na tayo ng regalo para kay Nash ah.” napatingin ako sa kanya at napakunot sya ng noo.
“Sinong Naaaaaash?!” praning forever. -___-
“Si Nash! Jonash na pamangkin ni Jomari. Nakoooo!” sumama naman tingin nya saken. Ano nanaman ginawa ko?!
“Eh malay ko namang NASH ang pangalan nung batang yun. Eh baka Mari-jo junior lang e!” bitter sya mga teh. Hahaha!
“Mabait nga kasi yung batang yon noh. Sooooooobrang gwapo at sweet! :> Hindi kamukha ni Jomari. Psh!” sabay irap ko ng maalala ko si Jomari. Haha!
“Eh I hate kids nga kase diba. Kaaway ko sila!”
“Eto naman, bata yun. Syempre hindi pa nila alam yung mga ginagawa nila. Ikaw talaga Kristen.” Sabi ko at saktong nakarating kami ng kotse. Sumakay naman kami at nag-drive nako.
Hinatid ko naman sya sa work nun at pinaalala yung gagawin namin mamaya. Dumiretso narin ako sa opisina nun at sinalubong ako ng Starbucks coffee ko sa table. Nagulat naman ako ng may nakalagay na sticky note sa screen ng iMac ko. Galing kay Travis.

BINABASA MO ANG
You and I
RomanceMahirap kasi yung pinapa-paniwala mo yung sarili mo sa bagay na hindi naman totoo. Pinapaniwala mo yung sarili mo sa kwentong hindi para sa'yo. Yung pinipilit mo yung gusto mo sa hindi naman pwede. Pwede bang palitan yung nakatakda sa'yo?