Dahil kapangalan mo ung ate ko.. charos! Haha. Hi! :3
-------------------------------------------------------------------------------------------
Nag-start naman nun yung birthday party. Syempre, kainan muna tapos may mga games din for the kids. May ininvite pa na nga clown e. Super enjoy yung party, para uli kaming mga bata. Haha!
Natapos yung party ng bandang 5pm. Tapos pinag-stay pa kami ng ate ni Jomari para dun nalang din daw kami mag-dinner. Kaya eto kami ngayon, lumalamon ng sangkatutak.
“Grabe ang daming pagkaeeeeen~” sabi ni Kristen. Tama. Nomnom!
“Ate Jaaaane! Sarap mo talaga magluto. Wooooh~” sabi ko sa ate ni Jomari. Nag-thank you lang sya nun at pumasok na.
“Grabe! Lamon kung lamon. Gutom na gutom lang guys? Hahahaha!” sabi naman ni Renz. Lamon taalga e, as in! Hahaha. XD
“Pag kain ng kain, gutom na agad? Di ba pwedeng pagod lang? Hahahaha!” sabi naman ni MJ. Grabe, napagod kakatawa eh. Lol!
“Hindi ah, masarap lang talaga mag-luto si ate Jane.” Sabi ko naman sabay subo uli.
“Teka, nasan ba si Jomari?” tanong naman ni Craeyon. Teka, oonga noh? Sumilip naman ako sa pintuan tutal mas tanaw ko sa lugar ko yung loob ng bahay nila.
“Nasa loob ata e. Teka tatawagin ko.” Tumayo naman ako nun at pinabantay kay Kristen yung pagkain ko.
“Dalian mo ah.” tumango lang ako at pumasok na.
Pumasok naman ako ng bahay nila at nakita si ate Jane sa may kusina naglilinis. Tinanong kung asan si Jomari at sabi nasa kwarto daw ni Jonash kaya umakyat naman ako nun. Siguro nga dalawang steps away nalang ako sa kwarto ni Jonash ay dinig ko na ang pagtatalo nilang dalawa ni Jomari.
“Eh sabi ko na kasing ayoko niyaaaan!” sabi ni Jonash. Lumapit naman ako sa pintuan at pinakinggan sila.
“Ano ka ba namang bata ka. Ang tigas ng ulo mo.” At mukhang pagod na pagod na tong si Jomari.
“Eh kesa naman sa malambot, diba?” halala. Pilosopong bata to.
“Dali na, maghilamos kana!” sigaw ni Jomari na parang naiirita. Tsk! Kumatok naman ako ng pintuan nun at binuksan ng bahagya yung pintuan.
“Tita Ali!” sabi ni Jonash sabay tigil sa pagtalon sa kamay nya at bumaba. Ang kalat ng kwarto parang dinaanan ng limampung unggoy.

BINABASA MO ANG
You and I
RomansaMahirap kasi yung pinapa-paniwala mo yung sarili mo sa bagay na hindi naman totoo. Pinapaniwala mo yung sarili mo sa kwentong hindi para sa'yo. Yung pinipilit mo yung gusto mo sa hindi naman pwede. Pwede bang palitan yung nakatakda sa'yo?