Love you BG! I miss yooouu~ :*
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Aray ko. Nabilaukan ako bigla sa iniinom kong tsaa ah! Tinignan naman ako ni Travis nun at nag'sign ako na OK lang ako. Ano ba naman kase yoooon~ tsk!
“Anong kami ni Alden?! Napano kame?!” naiiritang tanong ni Kristen kay Travis.
“Kayong dalawa? Kayo na ba?” at nabilaukan uli ako sa tanong ni Travis.
“Namaaaan~ Travis ano baaaa! Sakit sa lalamunan talaga ng mga tanong mo.” Irita kong sabi sa kanya.
“Eh totoo naman e. I can see the spark between them.”
Anak ng! Spark?! Uso pa ba yung ganun?!
“Tigil-tigilan mo nga ako sa mga ganyan mo. Eh ikaw nga mismo denial ka e!” sabi ni Kristen. Ekk! Aray ko uli. :|
“Tsaka uso pa ba ung SPARK na yan? Tss.” Sabay irap ko. Uminom uli ako ng tsaa. Hahaha!
“Ang bitter nyo noh?” sabini Travis. Utang na loob. Wag na wag natin pag-usapan ang bitter na yan. >.<
“Nag-salita ang hindi bitter.” sabi ni Kristen. Magde'deny yan pustahan.
“Hindi naman talaga ako bitter ah.” trololololol. :{D
“Alam mo Travis, ma'pride ka parin hanggang ngayon.” Sabi ko at napatingin naman sya saken.
“Lahat naman ng lalake, ma'pride.” Kontra pa.
“Yan ang hindi totoo. Akala mo lang yun pero hindi. Hay nako! Tara na nga.” Sabi ko sabay tayo na. Sumunod narin naman sila nun.
Pumunta naman kami ng parking lot nun tapos napa'isip ako. Nag-stop ako bigla bago sumakay ng kotse.
“Teka, paano ka pala uuwi Travis? Drop ka nalang namin sa place mo before kami umuwi.”
“Hindi na. Ipagdrive ko nalang kayo hanggang sa condo mo then mag-commute nalang ako pauwi.” Tss. Nagbago na nga talaga sya. Nakapamewang naman ako nun.
“Excuse me lang Mr. Castro ha. Sobra ka naman ata. Ikaw na nga tong nagbayad ng dinner tapos ihahatid mo kami at mag'commute ka pauwi? Nako ayoko!”
“Kesa naman kayo mag'hatid saken e ang sagwa naman siguro nun diba. Tsaka okay lang naman sakin yun basta alam kong nakauwi kayo ng safe.” WEH.
“Ok, ok. Sge na nga. Payag nako. Pero sa susunod hindi na kita pagbibigyan.” Ngumiti lang sya saken nun at pinapasok na si Kristen ng kotse tapos pinagbuksan nya ko ng pinto.
BINABASA MO ANG
You and I
RomanceMahirap kasi yung pinapa-paniwala mo yung sarili mo sa bagay na hindi naman totoo. Pinapaniwala mo yung sarili mo sa kwentong hindi para sa'yo. Yung pinipilit mo yung gusto mo sa hindi naman pwede. Pwede bang palitan yung nakatakda sa'yo?
