“Araaaaaay~” napatingin naman ako nun sa pumitik ng noo ko. Shiz, ang sakit nun ah!
“Lalim ng iniisip mo ah.” sabi ni DJ at nag-grin saken. Umupo naman sya sa may side ng table ko at nagpangalong-baba lang ako at nag'pout.
Hindi kase matanggal sa isip ko yung sinabi sakin ni Travis. Sa totoo lang, 3 days na yung nakalipas pero bothered parin talaga ako. Walk out-an ko daw ba sya nun e? Arrghh! Nakakainis! >.<
“Kung maka'pitik ka sa noo ko BOSS ah.” at diniin ko talaga yung word na boss.
“Init naman ata ng ulo mo ngayon? Lunes na lunes parang may balak kang palitan si Ninoy Aquino sa 500 peso bill ah?” ngumisi naman ako sa sinabi nya.
“Boss, pwede bumalik ka na sa trabaho mo. Kaya lagi kang ginagabi dyan e.” sabi ko naman sabay tutok uli sa iMac ko sa kanan.
“Ok sige. Pero Ms. Crisostomo, can you please call Mr. Castro and Mr. Ferrera for me.” Napalingon naman ako sa kanya nun at nakatingin lang sya sa isang folder na para bang nagbabasa. Napansin niya ko nakatingin sa kanya at napatingin sya saken.
“Seryosong utos ba yan o pinagtitripan mo lang ako?” napangiti sya saken. Tss! Kung maka'killer smile naman to.
“Ms. Crisostomo, hindi ako nagbibiro okay? I need them in my office now please.” Di ko talaga maimagine tong taong to. Seryoso pero nakangiti parin.
“Yes sir.” Sabi ko sabay tayo. Napa'iling naman sya.
“Masyado kaseng spaced out e.” narinig ko naman bulong nya nung pagkalagpas ko.
“Boss Darren!” napa'angat naman sya ng ulo nun at tumingin saken. Binato ko naman sya ng baseball ball nun at nasapo naman nya.
“Nak ng! Muntik kana makabasag Aliyah ah.” sabi nya pero hindi galit. Gulat lang. Haha!
“Makakabasag ako kung di mo nasalo yan. But you did! See you sa office mo boss. :)” ngumiti ako sa kanya. Napangiti sya nun at umiling.
Ang weird noh? Ganyan talaga kami nyang si Darren. Madalas nga kaming kinakantyawan sa opisina na para daw kaming secret lovers. Tss! Yang si Darren Jade? Malabo!
Nakarating naman ako sa cubicle nina Malcolm nun pero sumilip muna ako kung may ginagawa sila. Nakita ko naman nun si Travis na subsob dun sa ginagawa nya samantalang si Malcolm ay parang chill lang. Kumatok naman ako at napatingin sila saken.
“Sweetie pie bruuuu! Nag-abala ka pang dalawin ako sana naman sinabi mong namimiss mo ko para ako na mismo dumalaw sayo at ng makakita narin ako ng chiiiiix!” sabi ni Malcolm sabay ngiti ng nakakaloko. Tss! Babae nanaman.
“Sira ulo! Miss mo mukha mo.” Sabi ko sabay pasok sa cubicle nila at sundal sa may glass door.
“Oh ano? Alam ko namang baliw na baliw ka sa aking HOTNESS. :D7” napangisi na talaga ako.
“Mahiya ka nga sa balat mo. Aminin mo nga sakin bru, ilan nahithit mong droga kagabe?” nanlaki naman mata nya sa sinabi ko at tinuro pako.
“Grabe ka bruuuu~” sabi nya sabay iling at lapit sakin.
“Oh baket nanaman?” pinatong ko naman yung right arm ko sa shoulder nya at nag-cross arms lang din sya.
“Wag mo nga akong binubuking sa harap ng brow ko. Tsk! Pero naka'sampung hithit ako kagabe bru grabe. Hahahahahahaha!” tinignan ko naman sya ng masama nun habang tumatawa. Binatukan ko naman sya at pinalo-palo pa.

BINABASA MO ANG
You and I
RomanceMahirap kasi yung pinapa-paniwala mo yung sarili mo sa bagay na hindi naman totoo. Pinapaniwala mo yung sarili mo sa kwentong hindi para sa'yo. Yung pinipilit mo yung gusto mo sa hindi naman pwede. Pwede bang palitan yung nakatakda sa'yo?