"Haaay.." sabi ko sabay subo ng hotdog."Oh, umagang-umaga nakasimangot ka dyan?" sabi ni Kristen habang ngtitimpla ng tsokolate.
Mas lalo naman akong sumimangot, "Ang bilis kasi matapos ng weekend. Miss ko na sila agad."
"Miss?! Eh hello, 4am na tayo nakauwi nung Sabado. Kahapon naman buong araw kang kain-tulog at nood ng kung anu-ano dyan sa laptop mo."
"Wow ha, Kristen. Ano pinagkaiba nun sa pag tulog mo hanggang 3pm at pagka-gising ay kumain lang tapos naglaro?"
"Ito naman, galit siya agad." Nag-ngiting aso naman siya sakin tapos ay inabutan ako ng kape.
"Tsokolate ang sakin. Hindi ako umiinom ng kape." Inirapan niya ako at pinagpalit ang mga tasa namin.
"Yes, madam." Sabay inom ko naman ng tsokolate.
"Umagang-umaga ang sungit mo. Problema mo? Nag-away nanaman kayo ni Alden?" nabilaukan naman ako nung tinignan nya ko masama pagkabanggit ko palang ng pangalan ni Alden.
"Eh kung isaksak ko sa baga mo yang hotdog na kinakain mo?!" brutal nyang sabi.
"Wow, ang mean mo ke aga-aga. Siguro naman walang lason tong tsokolate na ginawa mo?" tanong ko ng naniningkit na mata sa kanya.
"Huh? Anong tingin mo saken mamamatay tao?"
"Hindi naman.. baka saken mo ibuhos yung galit mo kay Alden nung isang araw e." sabi ko sabay subo ko uli ng hotdog.
"Aliyaaah!!" Hala galit na. Sinubuan ko nalang sya ng hotdog nun.
"Sarap mo pala talaga mag-luto ng almusal Kristen. Grabe! Pati yung chocolate na gawa mo, the best!" sabay ngiti ko ng wagas sa kanya.
Tahimik lang kaming kumakain ng almusal nun hanggang sa may napansin ako.
"Teka, aga mo nagising? Nagluto ka pa ng almusal. Dahil ba unang araw mo dyan sa bago mong work?" tanong ko tapos nakita kong kuminang naman yung mga mata nya. Literal nakita kong kuminang.
"Oo. Excited nako sobra. Yung mga gusto kong matutunan mas madali kong malalaman dyan. I'll be able to learn it faster in a much easier way." Uy ume-english siya.
"Hmm, halata ngang excited ka. Napapa-english kana. Infairness, improving ang English skills mo."
"Tsk! Syempre, natututo rin ako unti-unti. Alam mo naman ako, slow." sabi ni Kristen with matching action pa na winewave ang kanyang kamay.
"Ah oo naman, alam naming lahat 'yun. Hindi mo naman pinagkakaila e." Inirapan naman niya ko.
"Bilisan mo na nga sa pagkain dyan, baka ma-late pa tayo."
Natapos kami sa pagkain nun at nagtulungan kami sa pag-ayos nung pinagkainan. Ginawa na namin nun ang kanya-kanya naming morning rituals pagkatapos. Nauna naman akong matapos nun magbihis kaya hinintay ko muna si Kristen matapos magbihis.
"Kristen! Bat ba ang tagal mo?!" sigaw ko mula sa sala.
"Eh natagalan ako magpatuyo ng buhok e." Tsk. Electric fan nanaman ginamit neto para matuyo buhok niya.
"Matagal ka pa ba diyan?" tanong ko habang 'di ako mapakali kakalakad sa sala.
"Eto na, patapos nako. Teka may nalimutan ako. Hoy, tumigil ka nga kakalakad dyan. Praning kana ba? Maaga pa!" sabi ni Kristen sabay pasok uli sa kwarto niya.
"Di kasi ako mapakali e. Kinakabahan ako." Hindi ko alam pero sobra ang kaba ko.
"Bakit ka ba kinakabahan?" Tanong niya habang naglalakad kami palabas condo.
"Hindi ko din alam e. Ano kayang meron? 'Pag kinakabahan ako ng ganito may kakaibang nangyayare." Tinaasan niya ako ng kilay at binatukan.
"Grabe ka naman maka-batok, Kristen! Ang OA ha." Sita ko sa kanya at pumasok na ng elevator. Sumunod naman siya sakin.
"OA ako? Eh sinong mas OA sa ating dalawa? Kinabahan ka lang kakaiba na agad? 'Di ba pwedeng something new muna?" tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Something new ka dyan. Ganun din yon, kakaiba!" Nagkibit-balikat. "Pero ewan ko, tignan na nga lang natin kung bakit ako kinakabahan."
Dinrive ko naman si Kristen sa workplace niya since malapit lang 'yun sa amin. Mahirap na at baka ma-late pa siya.
"Goodluck sa first day. Dinner tayo mamaya to celebrate?" sabi ko pagdating namin sa tapat ng building nila.
"Libre mo?" tanong agad ni Kristen. Anak ng! Ako pa manlilibre? Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hoy Kristen, ikaw ang may first day sa ating dalawa kaya ikaw ang manlilibre." Sumimangot naman sya. Tss! Ayaw talaga nanlilibre ng isang 'to.
"Wala pa nga akong pera. First day ko palang 'di pako nakaka-sweldo." busangot ang mukha niya. Napa-iling ako sa kanya.
"Oo na sagot ko na yung dinner. Kahit kelan talaga pahirapan ka utuin para manlibre. Ako 'tong kuripot pero ako ang laging taya." Pumalakpak naman siya sa tuwa.
"Talaga? Sige, 'pag nag-sweldo nako promise ililibre kita ng bongga!"
"Ops! Nag-promise kana walang bawian." Inirapan naman niya ako at nag-sadya ng bumaba ng kotse.
"I don't break promises."
"Sige na, pasok na. Tawagan nalang kita mamaya alam ko wala kang load." sabi ko.
"Hoy, meron!" Agap niya.
"Uy, bago yan. Sige, text mo ko pag tapos kana tapos dadaanan nalang kita. Nakakuha ka ng taga-hatid sundo ah?"
"Well~ Osge na. Ingat ka~ babye!" Kumaway lang ako sa kanya tapos sinara na nya ung pinto. Naka'baba narin kase sya nun.
Nakarating naman ako sa opisina ng maayos. Ayos maaga ako ngayon. Lagot sakin si boss. Taas noo at todo ang ngiti ko ng makapasok ako ng opisina nun. Binabati ko lahat ng nakakasalubong ko with matching ngiti.
"Good morning krungs!" sabi ko pagpasok ko ng main office namin. "Krung" ang tawagan namin sa opisina dahil mga baliw kami lahat. Not literally pero pag naka'sumpong tatawa nalang kami bigla kahit sobrang busy.
"Krung Ali! Tawag ka ni boss." Sabi nung isa kong katrabaho.
"Teka seryoso andyan na si boss? Panira! Bat hindi sya late ngayon?" Maktol ko sabay tayo sa kinauupuan ko.
"Tsktsk! Kawawa naman si krung krung Ali. Kaya ka mahal at paboritong ni boss e."
"Oo, mahal at paboritong asarin kamo! Psh. Ke'aga-aga naman pang-asar talaga si boss." Tinawanan lang ako ng mga kasama ko nun. Supportive nila diba? Tss.
Naglakad nako nun papasok ng opisina ng boss ko at tinatanong sa secretary nya kung pwede akong pumasok. Tumango lang sya nun. Pagpasok ko nagulat ako nung may makita akong kausap niya pero nakatalikod saken kaya d ko nakita kung sino. Napansin naman ako ni boss nun.
"Oh Ms. Crisostomo andyan kana pala. Please come in. Kanina pa kita hinihintay." sabi ng boss ko. Tumango lang ako at pumasok. Ngumiti naman ako kay boss nun.
"Boss Darren, ang aga mo naman akong namiss? Namiss nyo nako agad asarin?" sabay tawa ko. Naglakad ako palapit sa table nya at dun sa taong kausap niya. Pumwesto ako sa opposite side ng kausap ni boss nun at nilingon ko sya ng makatayo nako ng maayos.
Teka, pamilyar tong taong to saken ah! Tinignan ko syang mabuti.. oh my! Nanlaki ung mata ko at naturo ko pa sya sa sobrang gulat nung makilala ko sino siya.
"Siya ung sinasabi ko sayong bago nating ka-trabaho dito. Ikaw ang in'charge sa kanya sa pagpapakilala sa pasikot-sikot dito sa company. Mr. Castro, siya nga pala si—"
"Ms. Aliyah Dineez Sarte Crisostomo. Long time no see!"sabay tayo niya at abot ng kamay na parang nakikipag-shakehands.
Shiz! LAND, EAT ME NOW~ char!
"T... Tra—Travis Allain Punsalan Castro?"
BINABASA MO ANG
You and I
RomanceMahirap kasi yung pinapa-paniwala mo yung sarili mo sa bagay na hindi naman totoo. Pinapaniwala mo yung sarili mo sa kwentong hindi para sa'yo. Yung pinipilit mo yung gusto mo sa hindi naman pwede. Pwede bang palitan yung nakatakda sa'yo?