“Baaaaaaabe~ pagod nako! Huhuhuhuhu.” Reklamo ni Malcolm.
“So? Huh! Choice mo yan. Akala ko ba gagawin mo lahat ng gusto ko?” sagot naman ni Kristen.
“Oo nga. Pero baaaabe! Ang dami ko ng dala tsaka kanina pa tayo naglalakad e.”
“Tss! Ang reklamo din ng isang to e. Kairita ang ingay!” sabi naman ni Alden.
“Ikaw! Anong sabi mo? Bat ka ba kase andito?” sabi naman uli ni Malcolm.
“Pakialam mo ba? Ano aangal ka?!” hamon ni Alden. Napa'atras naman daw tong si Malcolm.
“Hoy hoy hoy! Alden ano baaaa. Tigilan mo nga yang si Malcolm. Aawayin mo nanaman. Psh!” awat ni Kristen.
“Baaaaabe. Huhuhu! Inaapi nanaman ako ng kaibigan mo.” Sabi ni Alden sabay lapit kay Kristen.
“Tss!” sabi ni Alden.
“Heh! Syatap Alden. Tara na nga, pahinga na muna tayo.”
Well, ganito kase yan.. etong si Malcolm eh sinusuyo si Kristen. Para bang nililigawan pero etong si Kristen mukhang ayaw naman pero nag'pupumilit tong si Malcolm. Si Alden naman, hanggang ngayon denial parin kay Kristen. Tss! Labo ng love triangle ng tatlong to. Haha!
Sa barkada ko naman, well so far wala pa namang kinakasal sa kanila pero ehem. Wag kayong choosy may mga girlfriend na sila. Haaa~ oh edi sila na may love life. Haha! Pero kaht ganon di naman nila ko nakakalimutan i'message everyday or mag-skype nun.
Syempre, successful parin naman sila sa mga kanya-kanya nilang trabaho at natupad din ni Craeyon ang pangarap niyang maging isang sikat na artist pati narin si Kristen. Ang galing nga e. kahit din naman si Jaeden, Renz, Alden, Jomari at MJ ganun rin kahit may mga girl friend nila.
Ako?
Si Aliyah Dineez Crisostomo ba?
Eto, makalipas ang dalawa’t kalahating taon, naging mabuti naman ung buhay ko sa Singapore. Minsan nga napapadpad pako ng Bangkok o kaya ng Europe sa trabaho ko. Enjoy nga e. Ang dami ko na napuntahan na lugar.
Eto ako ngayon sa airport. Oo, nasa Pilipinas na ko ulit at isang tao lang ang nakakaalam na narito na ulit ako.
“Hoy Aliyah Dineeeeez~” napatingin naman ako dun sa sumigaw.
Si Darren Jade Montenegro lang naman. :)
“Ano ba yan DJ antagal mo kanina pako ditto e.” reklamo ko.
Lumapit naman sya saken sabay ngiti. Ugh! I hate that smile of his. It’s making my knees weak. Kiniss nya lang ako sa pisngi nung napansin nyang medyo tulala nako.
BINABASA MO ANG
You and I
RomanceMahirap kasi yung pinapa-paniwala mo yung sarili mo sa bagay na hindi naman totoo. Pinapaniwala mo yung sarili mo sa kwentong hindi para sa'yo. Yung pinipilit mo yung gusto mo sa hindi naman pwede. Pwede bang palitan yung nakatakda sa'yo?