“Tara na po mahal na prinsesa. :)” napatingin naman ako kay Darren nun at nag'ligpit nako ng gamit ko sa table.
“Tara! Free lunch, here I come! Wahaha!” sabi ko sabay tayo na sa kinauupuan ko. Tumawa lang nun si Darren saken at naglakad nakami.
Pumunta lang nun kami sa restaurant sa tabi ng kinainan namin dati ni Travis at Malcolm. Galanti magpakain ng lunch si Darren ngayon ah. May kamahalan din ditto sa pinuntahan namin e.
“Lunch lang, kung maka'gasta ka naman.” Bulong ko pagkatapos namin umorder.
“Ayaw mo? Madalang lang ako manlibre ng lunch.” Sabi naman ni Darren. Ngumisi lang ako sa kanya.
“Wala akong sinabe. Nagtatanong lang ako.” Tumawa lang sya nun. Ano naman nakakatawa sa sinabi ko?
“Iba ka talaga, AD.” AD nanaman. Darren talaga oh!
“Paanong iba? Hindi naman ako special child e.” sabi ko sabay tawa nanaman niya. Wala naman nakakatawa sa sinabi ko e. T_T
“Basta, iba ka. Hindi ka katulad ng iba. Unique ka masyado.” Natawa naman ako sa sinabi nya. Wala lang, ganti lang. Hahaha!
“Sinasabi ko na nga ba e!” gulat naman sya sa sinabi ko.
“Ano nanaman?” sabay taas nya ng kilay saken.
“Stalker talaga kita!! Aminin mo nga DJ. Hahahaha!” sabi ko sabay tawa ng konti. Muntik naman nya mabuga yung iniinom nyang tubig nun sa sinabi ko. Grabeng reaksyon ah!
“Grabe, binabawi ko na lahat ng sinabi ko. Kapal agad ng fez teh?” eww. Gumegay-ish na si Darren. Malcolm na? T_T
“Kayo ni Malcolm madalas na naghahang-out noh? Aminin mo! Para ka nang si Malcolm mag-salita.” Natawa sya saken nun.
“Hahaha! Baka nakakalimutan mo, mas nauna kong nakilala si Malcolm kesa sayo.” Blahblah. Kduck!
“So? Hindi ibig sabihin nun magiging magka'salita na kayo diba?” sagot ko naman. Eh totoo naman kaya!
Natahimik naman sya nun at nilaro-laro nya lang ung iphone nya. Tss! Gadget hinarap eh samantalang akong tao hindi pinansin? Amp.
“Eheeemmm. Hmm! Ehem!” sabi ko. Napatingin naman sya saken.
“Ok ka lang?” tanong nya at medyo nag-lean sa table para makalapit sakin ng konti.
“Ok lang ako. Pero mas ok sana kung hindi yung iphone mo yung kaharap mo e.” sabi ko pero hindi nakatingin sa kanya. Narinig ko naman sya tumawa nun.

BINABASA MO ANG
You and I
RomanceMahirap kasi yung pinapa-paniwala mo yung sarili mo sa bagay na hindi naman totoo. Pinapaniwala mo yung sarili mo sa kwentong hindi para sa'yo. Yung pinipilit mo yung gusto mo sa hindi naman pwede. Pwede bang palitan yung nakatakda sa'yo?