“Ali, abot mo nga saken yung papeles na pinahawak ko sayo nung isang araw please.” Utos ni Darren saken. Napalingon ako sa kanya at inabot ung isang red long folder.
5 days narin ang nakalipas nung makarating kami ng Singapore. Eto kami ngayon sa mini office namin at inaayos ung mga dapat naming ayusin ditto.
4th day palang ng pag'aayos namin sobrang pagod nako. Lakad ditto, lakad doon. Type ditto, type doon. Kung anu-ano na pinapagawa saken ni Darren.
“Eto na boss.” Tinignan naman nya yun at kinuha.
“Hindi ito! Ano ba, yung isa pa.” iritang sabi ni Darren. Tsh! Saken nanaman sya maglalabas ng pagkainis nya.
“Eto ba? Dalawa lang naman yung binigay mo saken e.” sabi ko sabay abot pa nung isang folder sa kanya.
“Hindi rin ito yon! Hindi ko ba inabot sayo yung binigay ni Mr. Tan?” irita nyang tanong saken habang sinusubukan hanapin sa table nya yung mga files.
“Wala kang binibigay saken. Dalawa nga lang kase yan!”
“Eh nasan na yung inabot saken ni Mr. Tan?! Naman Aliyah sayo ko lang pinapatago lahat ng mga files diba?” sigaw niya saken.
“Kaya nga. Eh yan lang gna binigay mo saken. As if naman mawawala ko yun diba.” Inis kong sagot. Nakakainis na kaya. Tsk! Pilit parin nya hinalughog yung buong mini office namin.
“Nasan na ba kase yun? Tsk! Naman kase!” aba’t saken pa talaga nagagalit?! Tss.
Napatingin naman ako sa nakasabit nya sa jacket at may nakita akong folder dun. Kinuha ko naman at tinignan.
“Found it.” Dry kong sabi. Lumapit naman sya agad saken at kinuha yung hawak ko.
“Sabihin mong wala eh ikaw pa pala tong makakakita.” Aba talagang!!
“Nakita ko po nasa tabi ng jacket nyo. Ano naman tingin mo saken pabaya?! Excuse me lang ah. Tsh!” kinuha ko naman ung jacket ko nun at naglakad palabas ng opisina.
“Aliyah! San ka pupunta? Hey AD!” sigaw nya pero d ko sya nilingon.
Nakakainis! Saken nalang ba nya lagi itatapon mga tantrums nya? Hindi ako sumama ditto para gawin nyang taga-tanggap ng tantrums. Tss! Sana palang hindi nalang ako pumayag sumama dito. Arrgghh!
Naglakad-lakad lang ako. Inexplore mag-isa ang Singapore. Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa isang coffee shop. It’s my stress reliver. Napatingin ako sa relo ko nung maka'upo ako matapos mag-order. Alas-tres na pala ng hapon. Tsk.
Kinuha ko naman ung cp ko at tinawagan si Kristen.

BINABASA MO ANG
You and I
RomanceMahirap kasi yung pinapa-paniwala mo yung sarili mo sa bagay na hindi naman totoo. Pinapaniwala mo yung sarili mo sa kwentong hindi para sa'yo. Yung pinipilit mo yung gusto mo sa hindi naman pwede. Pwede bang palitan yung nakatakda sa'yo?