Mahal kita pero ayoko na
Masaya. . .
Isang salitang maihahantulad ko sa relasyon natin
Masaya dahil ikaw ang kasaa ko araw-araw
Masaya dahil ikaw ang dahilan
Masaya dahil akin ka't sa'yo ako
Sabi nga nila 'actions speak louder than words'
Mahal kita . . .
Mahal kita kasi ikaw lang ang nagpapasaya sa'kin ng ganito
Mahal kita kasi ikaw lang ang buhay ko
Mahal kita kasi napapangiti mo ako sa simpleng paraan
Mahal kita kasi mahal mo rin ako
Pero ba't gano'n?
Ikaw 'tong nagbibigay nang rason para bumitaw ako
Pero dahil mahal kita . . .
Hindi ako bumitaw
Nagpakatanga ako para sa'yo
Kasi mahal kita
Ginawa ko lahat para lang bumalik ang tamis nang pagmamahalan natin dati
Mahal kita kaya gagawin ko lahat
Mahal kita kaya nagawa kong bumitaw sa mga kaibigan ko
Mahal kita pero ba't gano'n?
Walang pagbabagong naganap?
Walang nangyari. . .
Isang araw nakita kitang may kasamang iba
MASAKIT . . .
Napaluha ako sa nakita ko
Dahil nakita ko ang taong mahal ko na may kayakap na iba
Dahil nakita ko ang taong mahal ko na may kahawak-kamay na iba
Dahil nakita ko ang taong mahal ko na may kasamang iba
Nakita mo akong nakatitig sa inyo
Lumapit ka sa'kin. . .
Umatras ako . . .
Sinubukan mong hawakan ang kamay ko pero inilayo ko
Gusto mong magpaliwanag pero umiling ako
Tumalikod ako sa'yo pero baho ako maglakad palayo. . .
"Mahal kita pero ayoko na"
Mga katagang binitawan ko bago naglakad palayo sa'yo
Maging masaya ka sana sa bago mo
'Wag mo siyang lolokohin tulad nang ginawa mo sa'kin
Mahal kita pero bumibitaw na ako. . .------
Done!